ROGUE POINT OF VIEW
Ng magmulat ako ng mata ay agad na rumehistro ang sakit sa aking ulo. Napamura ako dahil dito. Damn! Nagpaka lasing nanaman ata ako kagabi kung kaya ganito nalag sakit ng ulo ko ng maalala ko ang dahilan ng paglalasing ko ay hindi ko nanaman maiwasang hindi masaktan napaka sakit! Sa isang lalake pa ako nadurog ng ganito. ay hindi pala lalake, Bakla pala! Agad kong pinaling ang ulo ko sa kanang bahagi ng kama dahil pakiramdam ko ay may mabigat na nakahiga dun. At hindi nga ako nagkamali nakita kong himbing na himbing si Kim na natutulog at sino naman kayang nagsabi na pupwede siyang matulog dito? Matapos niya akong saktan ang kapap naman ng mukha nito.
Marahas ko siyang niyugyog para magising agad naman siyang nagmulat at tumingin siya saakin ng may pagtanong.
"Anu ba Rogue, nang-iistorbo ka ng pagtulog eh" bumaling eto sa kabila pero agad naman akong tumayo at pumunta sa harap niya.
"Umalis ka nga dito" agad akong pumunta sa banyo para magsalamin. Baka pangit ako sa harapan ng baklang yun. Habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin ay biglang pumasok sa aking isip na para saan itong ginagawa ko. Agad akong napa maang "Nagpapa gwapo ba ako sa harapan niya?" Napamura nalang ako sa mga kabaliwang ginagawa ko.
"Oh! Rogue bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ni Mommy ng maka baba ako at maka salo ako sakanila sa kainan. Si Kim naman ay hindi maka tingin ng diretso sa mga mata ko cuz' he is guilty sa nangyare.
"Nothing..." agad akong umupo at kumuha ng pagkain at kumain. Hindi ako kumibo buong durasyon ng pagkain namin ng umagahan.
Agad din akong umalis ng matapos akong kumain. Nagtatampo padin ako sa inasal ni Kim kagabi at sa ginawa niya saakin okay lang sana saakin na ganun na tinakbuhan niya ako. Pero yung makita siyang may kasamang ibang lalake? Di na pupwede saakin yun.
Naglalakad na ako pabalik sa kwarto ng bigla akong tawagin. Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses nayun at nakita ko si Kim na nasa likudan ko banda.
"Pa-pasensya na sa nagawa ko kagabi" napayuko ito. Kung tatanungin niyo ang nararamdaman ko ay NAPAKA SAYA KO DAHIL BASTA....
"Kung bakit kasi kailangan mo pang umalis? Nag asta cinderella ka naman kasi..." naita ko namang nag pout ito. Potang ina! Hindi ba niya ala na ag cute niya sa ganyang ayos?
"Sorry na nga kasi, alam ko kapabebehan ang ginawa ko sa'yo kagabi pero nabigla kasi ako...." sabi niya habang naka tingin saakin ng malamlam.
"Seryoso ako sa sinabi ko saiyo, hindi ako ganito sa iba!" Tumaas bahagya ang boses ko. Hindi paba niya dama yung mga efforts ko sakanya? Napaka Manhid naman pala nito kung ganun.
"Alam ko yun pero hindi pa k-kasi ako h-handa...." agad namang kumunot nuo ko sa sinabi niya. Anu nalang yung mga nagawa na naming sweet moments kung ganun naman palang hindi pa siya handa? Napa iling ako
"So nagpapaka Hard to get ka ganun?" Hindi ko maiwasang hindi sabihin ang mga katagang yun sa kanya napaka arte kasi niya ako na nga tong nagbigay motibo tatanggihan pa. What the Fvck!
Agad naman itong napa tingin sa akin na parang nabigla sa sinabi ko.
"Hindi ko naman kasi sinabi na mabakla ka sakin, ang sakit mo naman mag salita Rogue bakit sa tingin mo por'que bakla ako gustong gusto ko na yung nangyayare. Taena ka, iniisip ko din yung kalagayan ko once na nagsawa kana sa set up natin kung sakali mang maging tayo. Huwag kang Tanga hindi ganun kadali ang lahat..." nakita ko siyang nagpunas ng mata niya. Fvck pinaiyak ko siya akma ko sana siyang hahawakan ng bigla niyang tinaas ang kamay niya saakin.
"Huwag kang lalapit!" Galaiti niyang sigaw saakin.
"Kim" ang nasabi ko nalang bago siya tumakbo papunta sa kwarto niya.
Agad ko namang naramdaman ang presensya ni Mama sa likuran ko.
"Bakit si Kim anak?" Nagtatakang tanong ni Mommy. Hindi ko kinayanan ang luhang gusto ng pumatak sa aking mga mata kaya napa yakap ako kay mommy at parang batang umiiyak habang naka dantay ako sa balikat niya. Naramdaman ko naman ang marahang pag hagod ni Mommy sa likuran ko.
"Naku ang anak ko, binata na...." sa pagkakataong ito si Mama lang ang makaka intindi saakin. Agad niya akong dinala sa kwarto ko at naupo kami sa kama.
"Mama ang sama ko talagang tao..." iyak ko sakanya habang nag pupunas ng mata.
"Sssshh! Honey dika masamang tao always remember that. Makulit kalang pero ikaw padin si Baby Rogue ko" pambebaby nanaman saakin ni Mama "Anu ba kasing nangyari anak? Jusko ambilis mong nahulog kay Kim ha! Akala namin si Kim pa gagawa ng paraan para maging kayo yun pala dumadamoves kana" agad naman akong napatingin ng sabihin iyon ni Mama so ibig sabihin alam nila yung nangyayare saamin ni Kim? But how?
Nabasa siguro ni Mama nasa utak ko kaya agad niyang sinabi kung bakit.
"Hindi na mahirap basahin nangyayare sainyo Anak, nakikita naman naming mga magulang niyo mga kalandian ay este mga nangyayari sainyong dalawa....normal lang ang nangyayare sainyo ni Kim nasa stage siya na takot siya sa posibleng mangyare sapagkat Bakla lang siya at anumang oras pwede mo siyang mapalitan agad-agad ng babae" agad akong napa ayos ng upo sa sinabi ni mama.
"Eh seryoso naman ako sakanya Mama eh!"
"Yun nga anak ko eh, ang slow mo talaga, meaning nun takot siya sa mga POSIBILIDAD!"
"Ang duwag talaga ng Kim nayun" pagsusungit ko. Bipolar naba ako nun?
"Iyan kasi ang problema sayong buro ka eh, imbes na suyuin mo gagatungan mo pa mga nangyayari anu bang gusto mo maging kayo o nganga kanalang porebs?" Natahimik naman ako sa sinabi ni Mama.
"Syempre gusto kong maging kami" mahinang pagkakasabi ko. Agad naman akong inakbayan ni Mama at inalo
"Edi ligawan mo siya" agad naman akong napatingin kay Mama sa sinabi niya.
"Seriously Ma? Alam mong di ako marunong ng ka kornihan nayan" agad naman akong napa aray matapos batukan ni Mama medyo har si mama sa anak niya.
"Eh sira ka pala eh! Bahala ka dyan kung ako sayo liligawan ko na. Bueno ang Daddy mo nalang ang mag papayo sayo" tumayo na si Mama matapos akong kurutin sa pisngi at umalis na sa kwarto.
Naiwan naman akong nakatulala sa kwarto waring hinahanap sa kasulsulukan ng Universe ang sagot kung paano ko susuyuin si Kim. ang pabebe naman kasi nun isang gwapo na nga ang nahulog sakanya asta niya babae siya well mahal ko naman siya kahit ganun siya. Kinilig ako ng maisip ko yung posibilidad na maging kami ay mali erase the 'Posibilidad' magiging kami talaga ni Kim. diba? yung tipong gigising ako tuwing umaga tapos ipapaamoy ko sakanya yung pinaka mabangong hininga sa buong mundo. IM THE MAN!
A/N: Hello Fellas, Ayun bakasyon nadin ang matagal kong hinihintay nakakaloka lang kasi ginimbal nila kami ngayong Finals sa dami nilang pinagawa well lahat ng yun nalagpasan ko sa awa ni Papa God :* , well ito na po yung error nuon inayos ko na sana maunawaan niyo kung bakit ilang buwan akong nawala. SUPER BUSY kasi pero now regular na akong mag uUpdate kasi nga bakasyon na. pero wag kayong atat sa pag Update ko ha! kinaiinisan ko yun Bueno~ MAGANDANG UMAGA, TANGHALE, GABI sa mga makakabasa nito sa mga oras nayan ~~
BINABASA MO ANG
BULLY! (BoyxBoy)
Teen FictionIsang batang nangangarap magtagumpay sa buhay, subalit sa pag-hangad niya nun iba ang ibinigay sakanya ng May Kapal. isang bagay na gugulo ng kanyang tahimik na pamumuhay kasama ng kanyang nanay. Ito ba ang nakatadhana sakanya? o isa lamang itong pa...