Vacation Pt.4
Who are this people?Song: Some Type of Love
By: Charlie Puth-----------------------------
Nagising ako at nasa isang maduming bodega ako naka pulupot ang mga kamay ko sa silya. Inikot ko ang aking mata at wala akong makitang pwede kong paglabsan upang maka alis sa lugar na ito.
Hindi ko alam kung bakit ako napunta dito ang tanging naaalala ko lang ay may isang lalakeng nag takip ng panyo sa aking bibig at nakaramdam ako ng pagka antok.
Niingon lingon ko ang ulo ko para tignan ang paligid. Mukhang malayo ito sa kalsada dahil wala akong naririnig na kahit anu mang tunog ng mga sasakyan.
Ng marinig ko ang pag bukas ng pinto. Dahil madilim pa ay yumuko ako waring ako'y natutulog. Narinig ko ang mga yabag ng mga paa patungo sa kinaruruonan ko naaninag ko nalang na binuksan nila ang ilaw, kahit na madilim kanina ay naaninag ko padin ang paligid dahil siguro nasanay panandalian sa dilim ang mata ko.
"Hindi padin sya gising..." isang baritonong boses ang narinig ko.
"Tawagan si Boss at sabihin wala pading malay itong pinakukuha nya saatin" sabi ng isang lalake na medyo malapit saakin.
Nanatili akong nag kukunwaring naka tulog. Ng alam ko ng wala na sila sa kwarto ay kinuha ko ang pagkakataong ito upang maka takas ako.
Naka tali ang kamay ko pero ang paa ko hindi. Kaya ang ginawa ko nagpunta ako sa gilid at marahas itong winasak. Naka gawa ako ng tunog subalit walang pumasok na mga lalake. Siguro'y hindi sila naglinis ng mga tenga nila at ang bibingi nila salamat sa kanilang katamaran.
Dahil gawa naman sa kahoy yung upuan at madaling wasakin dahil sa katandaan ay madali ko itong nagawa. Masaya akong nakawala na sa upuan nayun at ang tanging problema ko nalang ngayon ay ang maka takas dito.
Inikot ko ang buong paligid at naka kita ako ng liwanag mula sa labas marahil ay liwanag sa buwan iyon. Maingat kung binagtas ang kwartong iyon at naka punta ako sa liwanag nayun. Tiningala ko iyon at nakita ko ang may kataasang bintana na pwede kong labasan.
Naramdaman ko naman na mayroon akong aakyatan kung kaya hindi ako nag alinlangang umakyat papunta duon. Maingat at walang kaingay ingay ko iyong ginawa hanggang sa maka punta ako sa bintana.
Madali ko naman syang nabuksan subalit pagka dungaw ko sa labas ay malula lula akong naka tingin. Sobrang taas ba naman ng kinalalagyan ko ay? Baka mabaliw ka lang sa taas.
Nag isip ako ng paraan para makatakas dito. Subalit walang pumapasok sa utak ko. Inaatake ako ng kabobohan ko sa oras ng pangangailangan ko. Takte naman....
Isip... bigla kong narinig ang mga yapak ng mga lalake sa tingin ko ay malapit na sila dito...
-----
Third Person P.O.V
Naglalakad ang Tatlong kalalakihan papunta sa kwarto na pinag lagyan nila sa biktima. Naka hawak sila ng tig-iisang beer ng papunta sila medyo lasing na sila pero kaya pa naman nila pag pihit nila sa doorknob at mabuksan ang naturang kwarto ay naalarma sila dahil wala duon ang biktima.
Tila nilayasan sila ng kanilang kaluluwa dahil rumagasa ang takot sa kanilang buong sistema alam nilang pwede silang mapatay ng kanilang Boss kung sakali mang makatakas talaga ang biktima.
Dali dali silang nag tungo sa bintana na naka bukas na. Alam nilang dito lang ang tanging labasan ng biktima ngunit hindi ito madali sapagkat nasa mataas silang bahagi ng bundok.
"Hanapin nyo sya!" Sigaw ng pinuno ng kalalakihan nagsi talima naman ang dalawa at agad na tumakbo palabas sa kwarto. Naiwang malalim ang iniisip ang naturang pinuno ng grupo
Pero ilang sandali pa'y nawalan ito ng malay dahil may pumokpok ng ulo nito.
"Keri lang ang ganda ko. Kaya ko pato" ang naturang sabi ni Kim na ngayon ay pinag papawisan na ng matindi
Inisip niya yung mga napapanuod niya sa movie na katulad sa Charlies Angel. Nag pose ito ng katulad sa iaang bida subalit agad na rumehistro sa utak niya na nasa bingit ng kamatayan ang buhay nya.
Agad syang nag-tungo sa pinto at maingat na lumabas.
-----
Rogue P.O.V
Nag-aalala na kaming buong pamilya dito pati nadin ang mama ni Kim ay alalang-alala nadin sa nangyare sa anak niya.
Mahigit 5 oras na itong nawawala at hanggang ngayon ay wala pading clue kung nasan si Kim. Napa kuyom ako ng kamao dahil pinabayaan ko syang mawala nalang ng parang bula.
Nandito ako ngayon sa kubo at naka yukong nag-iisip ng mga bagay bagay. Diba akin na sya? Bakit ngayon pa sya nawala, napatingin ako sa mama nyang humahagulgol na sa iyak tch! Even me i'm trying to be strong.
nilapitan ko ang Mama niya at niyakap ito. Ito lang muna ang magagawa ko sa ngayon
"Tita, don't lose hope everything will be fine at kung dumating man si Kim, aalis agad tayo dito" masuyo kong pag-tatahan sakanya
"Salamat Rogue, pero hindi ko kasi maiwasan..." at humagulgol ulit si Tita
"Mag dasal nalang po tayo..." tsss wag kayong mag-taka may takot padin ako sa Diyos.
6:30 am
Wala pa akong tulog dahil hinihintay namin ang resulta. Sa mga Police kasi kailangan ng 24 Hours before may declare na nawawala ang isang tao. But Daddy have his own Men na maghahanap kay Kim.
"Anak ko!" Sigaw ni Tita lahat kami napa lingon sa gawing tinakbuhan ni Tita nanlaki ang mata ko ng makita ko sya andami nyang sugat na natamo sa katawan.
Napa takbo ako at agad syang kinarga dahil uugod-ugod sya. Nag silapitan sila Mommy and Daddy at si Tita na nag-aalala ng lubos kay Kim
"I call an Ambulance" daddy said.
"What happened Kim?" Ang mahinang tanong ni Mommy but suddenly nawalan ng malay si Kim.
----------------
A/n: I'm back. Mag Vote naman guys ng maganahan akong gawin agad ang next chapter. Sorry kung pinag hintay ko kayo...
BINABASA MO ANG
BULLY! (BoyxBoy)
Teen FictionIsang batang nangangarap magtagumpay sa buhay, subalit sa pag-hangad niya nun iba ang ibinigay sakanya ng May Kapal. isang bagay na gugulo ng kanyang tahimik na pamumuhay kasama ng kanyang nanay. Ito ba ang nakatadhana sakanya? o isa lamang itong pa...