KIM POINT OF VIEW
Habang nag-lalakad kami ni Rogue ay hindi maiiwasan ang mga taong napapatingin saamin. Sino ba naman ang hindi mapapatingin isang Gwapo at isang Cute na Maganda ang sobrang sweet na naglalakad ng magkahawak kamay. Diba? Mainggit sila, at hanggang lunok nalang sila nakalagpas kami sa napaka raming matang naka tingin saamin at ngayon nga ay nandito na kami sa pinaka dulo ng Parke, or matatawag mo din itong Plaza dahil nga sa mga sandamakmak na naglalako ng mga gamit.
"Bakit parang tahimik ka?" pagbabasag katahimikan ni Rogue habang naglalakad kami. Naka kita ako ng bench na malapit kaya agad kong dinala si Rogue duon. Naupo kami at malayang tinitignan ang kalangitang napakaraming bituin. "Wala, may iniisip lang" sagot ko, habang naka titig padin sa kalangitan. Naramdaman kong inakbayan ako ni Rogue napa tingin naman ako sa kamay niyang nakadantay na sa balikat ko.
"Hokage ka pala..." napatawa siya ng mahina at hinigpitan niya bahagya ang pagkaka akbay saakin dahilan para ang kaunting espasyo namin at mag dikit.
"Kim, lagi mong alalahanin na kahit na anung marinig mo sa tao. Lagi mong tatandaan na mahal kita. Sa mga dadating na araw maraming obstacle tayong madadaanan pero kapit kalang sakin okay?" napataas ako ng kilay dahil sa pinag-sasabi ng lalaking ito.
"Bakit may gagawin kang kalokohan?" agad naman siyang umiling tinignan ko siya at nakita kong nakayuko ito.
"hindi sa gagawa ako ng kalokohan, alam kong madaming taong gusto ang masira ang relasyon natin" sa totoo lang wala pang commitment sa aming dalawa. Siya pa lang ang nagsasabi ng may gusto siya saakin ewan ko kung bakit hindi ko pa masabi na May gusto din ako sakanya..
Siguro natatakot ako na baka hindi din tatagal itong ganitong relasyon, kahit na ganito ako alam ko ang mga nangyayare sa mga ganitong uri ng relasyon maliit na porsyento lamang ang nakakatagpo ng totoong pag-mamahal sa mga ganitong senaryo ng pagmamahalan. Siguro magpapadala muna ako sa agos hahayaan ko muna siyang ganyan, malay niyo maka hanap siya ng ibang babae at iwan din ako. Edi basag basag ako. Fixing my broken heart ang tema, ayoko ng ganun dahil napaka hirap. Oo may nararamdaman na din ako sa taong ito kahit napaka sama niyang tao. Hindi ko maalis sa puso't isipan ko na talaga namang minahal ko na siya. Pero natatakot lang siguro yung atay ko syempre ito nalang yung preoccupied bukod sa isipan ko na siya lang ang laman at puso ko na siyang tinitibok. Ito kasi yung nag sasala ng kasalanan niya. Nakakatakot kayang mawalan ng atay. Dahil ika'y mamatay kapag wala kang atay. CHAROT
"Maniwala ka't hindi, minahal na kita bilang ikaw, remember nung inamin kong mahal kita, totoo ako nun Kim" kunware ay pinagtaasan ko lang siya ng kilay habang nagka tinginan kami pero sa loob loob ko nagiging straight na yung mga bituka ko dahil nabibinat kapag kinikilig ako sa lalaking eto na anlakas magpa kilig.
"Dami mo namang sinasabi..." kunware pag rereklamo ko, pero napapangiti naman ako kapag hindi siya nakatingin. Alam niyo yun nagbubunyi ka kasi may boylet kang dinaig ang artista. Oh aangal kappa, gusto ko nga at talaga namang kabog nitong lalaking ito yung ibang artista tall, white and handsome pa bonus ko nadin yung mga pandesal niya ng parang tig-tretres dahil malapad ito, mahal ang harina kaya ganun tres ang isang pirasong pandesal imbes na dos lang.
"Alam mo Kim kung gusto mo akong matikam mag sabi kalang hindi yang nakanganga ka sa harap ko na parang may pinapasok ako diyan sa bibig mo..." nawindang ako sa sinabi niya kaya sa gulat ko ay nasampal ko siya. Dala ng gulat ko kaya nasampal ko siya. Nakita kong hinawakan niya yung pisngi niyang nasampal ko at may gulat sa mukha niya habang nakatingin saakin "Bastos ka! Kadiri ka, feeling mo naman gusto ko yung sinabi mo. Hello? Bakla ako pero hindi ko ma take yung sinabi mo..." hinampas ko pa siya sa braso niya.
"Ang sadista mo naman. Niloloko lang eh? Grabe ka palang asawa, kailangan kong mag dobleng ingat kapag nagkataong asawa na kita mahirap ng mabugbog..." naramdaman ko namang uminit pisngi ko. Sa sobrang init pwede ka ng magpakulo ng tubig pang kapeo di kaya pang ligo. Pero summer ngayon kaya hanggang kape muna tayo.
"Loko-loko ka, wala akong pangarap mapangasawa ka" dala siguro ng pagkabigla kaya nasabi ko ang mga salitang yun. Agad kong nakitang nagulat si Rogue sa sinabi ko at nag-iba agad ang ekspresyon nito sa kanyang mukha. "Hindi ko gustong sabihin yun... dala lang iyon ng pagka bigla ko" agad kong binawe yung una kong sinabi dahil mukhang nasaktan ko siya.
"Ayaw mo pala akong mapangasawa?" napalunok ako dahil mababatid kong nag iba ang tono ni Rogue mula kanina sa pagiging masaya napalitan ng pagka seryoso at lungkot ang kanyang boses at mukha. "Hindi sa ganun, Rogue gus—" naputol ko ang sasabihin ko sakanya dahil kung sasabihin kong gusto ko naman siyang mapangasawa ay parang inamin ko nading mahal ko siya.
Sa pagka-lito ko ay napatakbo ako palayo sakanya. Mabilis akong tumakbo hanggang sa makalabas ako ng Parke ng makalabas ako ay tyaka ako tumigil at hinabol ko ang hininga kong parang mapuputol na sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
Hindi ko alam kung bakit ako tumakbo? Nagsisisi ako kung bakit pa ako tumakbo. Hindi! Hindi ako nagsisisi kundi nababaliw na ako sa nangyayare. Diba mahal ko naman siya? Diba gusto ko naman siya? Eh bakit nagkakaganito ako? Bakit para akong papatayin nung Rogue nayun at napatakbo ako ng ganito? Hindi ko maintindihan sarili ko. NABABALIW NA ATA AKO!
ROGUE POINT OF VIEW
Pinanuod ko ang tumatakbong si Kim palayo saakin. Habang hawak hawak ko padin ang pisngi kong sinampal niya. Sa totoo lang nasaktan ako sa sinabi niyang ayaw niya akong mapangasawa. Alam kung bata pa kami at nasa high school palang. Pero anung magagawa ko? Siya na yung ICING SA IBABAW NG CUPCAKE ko eh. Pero mabilis naman itong nalusaw sa hindi ko malamang kadahilanan. Matamlay akong napatayo sa kinauupuan namin kanina ni Kim at parang walang buhay akong naglakad palabas ng parke. Siguro hinihintay na ako ni Kim sa labas kung kaya dapat ay nanduduon na ako para makauwe na kami dahil andameng nangyare sa napaka ikling oras namin dito sa parke nato. Binilisan ko ang lakad ko pero ganun padin walang buhay ang paglalakad ko nga lang bumilis lang ako ng kunte. Ilang minuto ang lumipas at tuluyan na akong nakalabas sa parke agad kong hinanap si Kim nagtungo ako sa motor ko pero wala siya duon. Naglakad pa ako, hinahanap ko siya pero mistulang naging bato ako sa kinatatayuan ko ng Makita ko si Kim na kasama si Lance at nag-uusap sila.
Dahil sa selos ko kung kaya ay naglakad ako sa kinaruruonan nila pero nagimbal nanaman ako sa susunod na ginawa ni Lance, hinawakan niya sa kamay si Kim at inalalayan itong maka pasok sa kanyang kotse, napa atras ako hanggang mapunta ako sa madilim na parte. Huminto ako at tinitignan silang dalawa. Nakita ko si Kim na sumulyap sa bukana ng Parke. Ngunit hindi niya alam na ang taong hinahanap ng mata niya ay nandito sa madilim na parte at nasasaktan ng todo sa mga nakikitang pangloloko niya. Naka alis na sila at naiwan naman akong durog-durog. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay agad akong sumakay sa motor ko at pinaandar ito at nagtungo ako sa Bar na lagi naming tambayan ng mga tropa ko. Alam kung nandun sila dahil lagi naman silang nanduduon dahil palagi silang nag uuwe ng mga kanya-kanya nilang babae sa unit nila. Mabilis kong pinaandar ang motor at wala sa oras akong nakarating sa patutunguhan ko. Agad kong pinark ang motor ko at mabilis na naglakad papasok sa bar.
Agad akong nagtungo sa room na lagi naming pinagtatambayan. At hindi nga ako nabigo dahil pag bukas ko ng pintuan ay tumambad saakin si Jhin na may kahalikang babae at sa kabilang banda ay nakita ko ang mga barkada kong may iba't-ibang hawak na babae. Agad akong naupo sa bakanteng silya. At agad na inabot ang alak na inorder nila sakto naman at chivas ang kinuha nila. Agad akong naglagay sa bakanteng baso, pinuno ko ito at walang anu-ano'y nilagok ang laman ng baso.
Walang makakapigil sa aking magpaka lasing ngayon. Dahil walang nakaka alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito ngayon.
Sa sakit na nararamdaman ko ay hindi na ako gumamit ng baso at agad ko ng tinungga ang bote. P*tang-in* ang sakit sakit talaga! Niloko niya ako, pinaasa, ngayon lang ako nasaktan ng ganito at sa isang bakla pa ako nasasaktan ng todo. Lumaklak pa ako hanggang sa maramdaman ko na ang hilo dahil dito sa iniinom ko.
BINABASA MO ANG
BULLY! (BoyxBoy)
Teen FictionIsang batang nangangarap magtagumpay sa buhay, subalit sa pag-hangad niya nun iba ang ibinigay sakanya ng May Kapal. isang bagay na gugulo ng kanyang tahimik na pamumuhay kasama ng kanyang nanay. Ito ba ang nakatadhana sakanya? o isa lamang itong pa...