Chapter 1

18 2 0
                                    


Araw ng linggo ng biglang mag-aya sina Aubrey at Claire para sa mini celebration daw. Gaganapin ito sa bar ka alam ko nanaman ang gagawin nila, magiinuman.

Araw ng lunes bukas kaya nakakasigurado akong nag-aya sila para maghang-out at makaadvance sa school. Ugali naman nila 'yon simula senior high kada school year opening para may kafling na agad sila sa school. Ginagawa pa nga nila akong third wheel, eh.

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Binitawan ko ang hawak kong denim jacket bago kuhanin ang cellphone kong nakapatong sa kama.

~~Aubrey~~

Napabuntong hininga nalang ako bago i-swipe ang answering at pabagsak na inilapag ang cellphone ko sa kama. Isinuot ko ang jacket at cap ko habang nakikipagusap sa kanya.

"Hey, Mattia Zaireen Viharn, I am not joking around with you. Alam kong hindi ka nagiinom kaya 'wag ka ng magnega, just go here." Mataray na utos niya sa akin.

I check out my look in the mirror. Pinatungan ko lang ng jacket ang suot kong magkaternong crop-top na t-shirt at jogging pants. Hindi naman kasi ako pala porma at magmumukang tambay lang ako sa table nila.

"Papunta na ako." Simpleng sagot ko sa kanya at pinatay na ang call. Alam kong tatahol nanaman 'to at susumbatan ako. Kahit nga sa pananamit kailangan may coding pa kaya para medyo wala si 'yang malait o mapansin, hindi na ako nagpalit sa crop-top ko.

Kinuha ko ang bag mula sa sabitan bago lumabas ng kwarto. Dalawa lang ang bag ko dahil hindi naman ako gaano mahilig doon. Isa ay pang mga gala-gala lang na medyo kaliitan at isang backpack na pamasok. Bigay pa ito ng tita ko mula sa Samar.

Sumakay ako sa jeep. Isang sakay lang naman ang gagawin ko para makapunta sa BGC. First time daw nilang uminom doon, pinalano na din nila dahil marami daw mga hottie.

Ilang minuto lamang ang itinagal ng makarating ako. Mga fairy lights agad ang nakapukaw at bumungad sa aking paningin. Maganda naman tignan kaso ay nakakasolo lang.

Naglakad ako at tumawid sa kalsada. Napansin ko ang naglalakihang mga gusali mula sa kanan, kaliwa, likod, at harap ko. Agad na sumagi sa isipan ko ang kasiguraduhang mayayaman ang mga nakatira dito. Humarap ako sa dinadaanan ko, pinagmasdan ko ang mga taong may kani-kanilang pansariling negosyo. Hindi nila pinapansin ang ibang taong dumadaan sa gilid nila kundi ay iniisip lang nila na sila ang lang tao dito.

Napatulala nalang ako sa laki, ganda, at enggrande ng mga tao dito. Napatingin naman ako sa suot kong binabaliwala ko lang. Kahit kasi ang iba ay parang nakamodern pambahay ay kitang-kita ang pagkabranded at pagkaangat parin nito. Pero katulad ng sinabi ni mama, hindi dapat ako mainggit sa mga taong tinitingala.

Dumeretsyo ako sa bar na nakita ko. Agad na sumalubong sa aking pandinig ang maingay na tugtog mula sa DJ sa may bandang unahan. Napapikit ako ng bahagya sa lakas ng ilaw na nagiiba-iba. Parang neon.

Kasabay ng pag-hit ng DJ ay ang pagbeat ng mga tao. Itinaas nila ang mga kamay nila habang natalon-talon at ang iba naman ay nagsasayaw sa dance floor.

"Hi miss, do you need something?" Nagulat ako ng biglang may pumulupot na braso sa bewang ko. Sinubukan kong umalis sa pagkakabihag niya ngunit mas lalo niyang idinikit ako sa kanya.

"I-I don't need anything. Let me go." Pilit akong kumawala sa kanya ngunit mas lalo niya akong inilapit sa kanya. Bigla akong kinabahan, hindi ito ang unang pagkakataon na may magtanong sa akin nguniy una ko 'tong pagkakataon na may nanglandi sa akin ng husto.

"Oh, I like that. Pa hard to get." Ngumisi si 'ya sa akin at inalok ako ng alak niyang hawak. Umiling ako, pero basta niya nalang sinupalpal ang alak sa akin. Tinabig ko iyon at naglikha ito ng ingay ng lumagapak sa sahig. Nagsimula na akong lalong kabahan.

Novel of Yesterday's Memories (Campus Series#2)Where stories live. Discover now