"Sorry, anong sabi mo?"
Napagdikit ko ang dalawang kilay ko ng marinig ang sinabi ni Christian. Nagmamaang-maangang hindi ko narinig pero ayoko lang talaga maging awkward ang lahat.
Napatikhim si 'ya habang inaayos ang colar ng t-shirt, mukhang nasamid sa tanong ko. "Ah, I'm asking where are you going? May... tatarbahuin ka pa ba?"
Inayos ko ang ekspresyon ng mukha ko. Hindi naman dahil nagmumukha akong wirdo sa paghaharap niya, kundi sa pagpapalusot niya. Binigyan niya lang ako ng ideya kung anong dapat gawin.
"Gig." Simple sagot ko at nagiwas ng tingin sa kanya.
"Hmm," Rinig kong pagsangayon niya. Sinulyapan ko si 'ya ng tingin na pasimple. Tumatango-tango pa si 'ya habang nakakagat sa pangibabang labi. Mukhang nagiisip ng isasagot. "Magta-taxi ka?"
Nagtaka ako sa tanong niya. Kung seseryosohin, hindi ba halata na sasakay ako kase hindi naman ako lilipad? Mapapatagal din naman kung maglalakad ako.
Dalawang tango ang naging sagot ko. Hindi na ako nagabalang tumingin o sumulyap pa sa kanya dahil hindi ko kayang titigan ang mga mata niya. Damn, basta hindi ko kaya.
"Wala ng taxi sa mga ganitong oras." Pabulong na saad niya. "But... I'm offering a free ride though."
Natigilan ako sa sinabi niya. 'Free ride'? Halos hindi na ako makahakbang sa kinatatayuan ko. Napakamot pa ako sa batok ko dahil parang pinagbubu-uan na ako ng pawis dito.
Hindi ko magawang tumanggi dahil nakakahiya naman. Alam ko ding papadating na si Mark dahil tinext ko pa ang address ng bazaar para lang mabilis niya akong makaon. Damn, anong gagawin ko?
Lumunok ako ng madiin bago pilit na humarap sa kanya. Hindi ko mapigilan ang bilis bigla ng tibok ng puso ko ng magtagpo ang mga mata namin. 'Yung kukay asul na mata niya ang nakakapagbigay sa 'kin ng kakaibang pakiramdam. Kung may buong araw lang ako para titigan 'yon, kanina ko pa sinimulan.
"Mattia?" Natauhan ako ng tawagin niya ako. "Are you... okay?" Bakas ang paga-alala sa tono niya.
Napaiwas agad ako ng tingin. Natataranta akong lumingon kung saan basta 'wag lang sa kanya dahil s bugsonng damdamin ko.
"Ah, oo. K-kailangan ko na talang-"
"Mat!"
Nagtindigan ang mga balahibo ko ng marinig ang boses ni Mark mula sa likod ko hindi kalayuan ang layo sa amin. Parang nawalan ako ng tibok sa puso. Kinagat ko ang pagibabang labi ko bago pasimpleng sumilip sa ekspresyon ni Christian.
Wrong timing, Mark. Wrong timing.
Naramdaman kong umakbay pa si 'ya sa 'kin at ngumiti ng kay lapad sa kaharap ko ngayon. Napapikit nalang ako ng madiin ng mahagip ko ang ekspresyon ni Christian.
Halos magdikit na ang mga kilay niya sa sobrang dikit habang tinititigan ng mabuti si Mark, parang kinikilatis. Sinibukan ko pang magsalita para ipakilala si 'ya pero napatikom din ako ng bibig ng tumingin si 'ya sa akin.
Damn, mageexplain ba ako?
"Ah, Christian. M-Mahuhuli na kami sa banda. K-Kailangan na naming umalis, oo haha." Peke at kabado akong tumawa dahil sa sitwasyon ngayon. Hindi manlang nga ako makagalaw ng maayos, eh.
Nagulat ako ng tumango si Christian. Nabunutan ako ng tinik kahit saglit. Pero nalunok ko ang sariling laway ng kumunot nanaman ang noo niya at nakatitig lang sa kamay ni Mark na nakaakbay sa balikat ko.
Napa-angat ako ng tingin kay Mark na prenteng-prenteng nakatingin lang kay Christian.
Inayos ko ang lalamunan ko. Sinubukan ko muling magsalita pero walang salitang lumabas sa bibig ko. What the hell? Nakakaba 'yung presensya niya.
YOU ARE READING
Novel of Yesterday's Memories (Campus Series#2)
Mystère / ThrillerNovel Of Yesterday's Memories- Campus Series#2 (2/3) A provinciana girl: Mattia Zaireen Viharn, accidentally meet Christian Kaice Alvarez after being harassed at the bar. Little did he know that every event they are making is written in the book whi...