Nakatayo ako ngayon sa tapat ng malaking billboard kung saan nakapaskil ang tatlong mukha ng eskwelahan. Parang nago-offer sila ng good education kung saan iniimbita ang mga ibang estudyante na pumasok sa eskwelahan nila.
Dalawang babae at isang lalaki ang nakalagay sa billboard. Walang nakalagay na pangalan at hindi ko din naman sila kilala, bago palang ako, eh.
Sa totoo lang, pangalawa sa pagpipilian ko sang UP. Maganda naman ang mga offer nilang course pero mas gusto ko talaga sa National University magaral, nandoon din kasi sina Aubrey at Claire. Mahihirapan ako magadopt at magkakaibigan kung hindi ko sila kasama. Sa maikling pagpapaliwanag, wala akong kakilala at kasama sa unang araw ko at maaring sa buong buwan ko dito. Hindi din naman malabo na isang semester or isang year na.
Hawak-hawak ang backbag ko ay pumasok na ako sa gate ng eskwelahan. May kasabay akong mga estudyante din dito habang naglalakad ako pero hindi nila ako pinapansin. Parang misteryosong tao ako na hindi pinapansin dahil nakakatakot. KIta naman sa distansya nila.
May mga nagbubulungan habang nagtatawanan. Ang iba naman ay seryosong naglalakad habang nakapalsak ang earphones sa tenga nila. Katulad nang babaeng nakikita ko ngayon, nagcecellphone habang nakapalsak ang earphones sa tenga niya.
Hindi ko na nilapitan ang babae ngunit base sa suot niya ay paniguradong architecture department din si 'ya. May hawak kasi si 'yang mga papael at materials pang archi kaya madali ko ding nalaman.
May kalayuan ang entrance sa main building. Hindi ko nga sigurado kung pwede pumasok jeep dito kaya sa may main gate nalang ako bumaba para naman hindi nakakahiya. Unang araw ko, may memory na agad.
Naglalakad ako sa bawat classroom habang tinitignan ang mga sign. Hindi kasi ako sumama kay mama nung inendroll niya ako kasi may gig ako, pangdagdag sa panggastos na rin.
Habang tinitignan ko ang bawat silid, nakita ko kung gaano kaupper ang mga estudyante dito. Sa pananamit nila, kita na agad na branded pati na rin ang mga bag. Isabay mo pa 'yung mga bigatin nilang mga cellphone at airpods.
Pero katulad ng sinabi ni mama, hindi dapat ako mainggit sa nakikita ko.
Huminga ako ng malalim bago magpatuloy sa paglalakad sa mga silid. Nasa pangalang palapag na ako ngayon pero hindi ko parin makita ang archi department, may kalakihan kasi itong eskwelahan kaya nahihirapan din ako.
Ilang minuto ang nagdaan ngunit hindi ko pa rin makita. Doon pumasok sa utak ko na baka oras na para magtanong ako. Freshman ako, walang alam, ni direksyon o silid ko. Baka mahuli ako sa klase at one memory na 'yon.
Agad kong nilapitan ang pamilyar na babaeng nakita ko kanina. Si 'ya 'yung babaeng may nakapalsak na earphones sa tenga. Nakasandal si 'ya sa may poste habang nagsscroll sa cellphone niya.
"Ah, miss..." Tinawag ko si 'ya. Humarap si 'ya sa akin at tinanggal ang isang parte ng earphones niya sa tenga.
"Yes?" Nakangiting tanong niya sa akin.
"Alam mo ba k-kung saan ang room ng architecture department?" May kahiyaang tanong ko sa kanya habang nagkakamot ng batok.
Tinuro niya ang likuran ko. Dahan-dahan akong napalingon doon.
"In front of you. Actually, it's two rooms for two sections. Marami kasing architecture student at hindi kaya ng isang room lang. That's our classroom." Sagot niya sa akin.
Muli akong nagbalik ng tingin sa kanya habang hawak-hawak pa rin ang batok ko. Damn, naka t-shirt lang ako pero namumuo na agad ang pawis ko.
"Salamat," Nahihiyang sabi ko ngunit pilit na ngumingiti sa kanya.
YOU ARE READING
Novel of Yesterday's Memories (Campus Series#2)
Mystery / ThrillerNovel Of Yesterday's Memories- Campus Series#2 (2/3) A provinciana girl: Mattia Zaireen Viharn, accidentally meet Christian Kaice Alvarez after being harassed at the bar. Little did he know that every event they are making is written in the book whi...