Chapter 23

4 1 0
                                    


Ilang araw ang nakaraan at para akong lantang gulay na walang kamay-malay sa takbo ng aking buhay. Matapos kong makipagusap sa doktor ay bumalik ako sa DSWD para asikasuhin ang mga inihabilin ko doong mga bata. Mabuti na lamang at hindi na sila nagtanong pa ng mga papel ng mga bata dahil alam nilang nakatira sa lasangan ang mga 'to. Ako nalang ang guardian na inilagay ko sa kanila para kapag may kailangan ay ako ang tatawagan.

Sa mga nakalipas na araw, wala akong halos tulog dahil wala akong ginawa kung hindi ang umiyak kapag magisa ako. I was finding that place of acceptance. But my heart can't forgive me from what I did. I wasn't physically present when the time she left me, us. Ni pampagamot para mabuhay pa sana si 'ya ay hindi ko magawang magpadala.

And that hurts the most. Inilalagay ko sa utak ko na wala akong kwenta.

Dalawang araw din nanatili si Christian sa ospital para mamahinga. Kapag katapos ko sa eskwela ay pupunta ako doon para bisitahin si 'ya, hindi alintana kung anong responsibilidad ang a-ko ko. Pagkapatak ng ala sais ay tatakbo naman ako sa flower shop para magtrabaho, hindi ko na magawang umalis pa dahil nakakahiya na kina Leo marahil ay alam kong naghihirap sila kapag nawawala ako.

Parang sumuko na ulit sa akin ang mundo. 'Yon ang nararamdaman ko. Na parang pinagkaitan nanaman ako ng kalayaan at pagmamahal na hinangad ko noon. Na nawawala na ngayon.

Pupunta ako sa ospital para makamusta si 'ya, para malaman kung anong nangyayari ng maganda sa kanya. Pero ang peke kong ngiting inilalantad ay napapalitan ng lungkot kapag tinataboy niya ako paalis.

I know he just wanted some rest. I know he was tired, but at the same time... he was hurt from the incident that happened.

But finding somehow, I know he was not only tired physically but also emotionally.

"Kain ka na." Magiliw na sabi ko habang inilalapit sa bibig niya ang isang kutsarang lugaw. "Kailangan mo ng lakas para makagaling ka agad. S-Sabay pa tayong gagraduate, 'di ba? Tayo ang bubuo ng bahay natin."

I was bitting my lip so hard after I said that. Alam kong hindi na si 'ya interesado sa sinasabi ko at hindi na si 'ya nakikinig sa akin pero pinipilit ko parin. I know he was sick, masakit lang siguro ang mga sugat niya na nakakapandagdag sa ekspresyon niya.

Nang pumaling at nagsalubong ang mga mata namin, napalunok ako bigla. His beautiful and sparkling eyes before are now turned into a dark one. Parang kahit anong oras ay mapapaalis na ako sa kinauupuan ko ngayon.

"'W-Wag mo naman ako t-tignan—"

"Hindi ka ba napapagod, Mattia?" Madiin at halong-halo ang galit na giit niya sa akin habang nakatingin ng deretsyo ang mga mata niya sa mga mata ko.

The fake smile I showed suddenly faded. Parang may mga kutsilyong isa-isang sumasaksak sa puso ko. His words are sinking into my brain, making me realize something, and the worst part of it... I'm realizing it when it reached my heart.

How can he say those words to me?

He's not even calling me love.

Not anymore.

I cleared my throat and showed a smile again. We both know that it was a fake smile, I guess. From his words, I know he was reading me. Hindi ako p'wedeng maging mahina at parang apektado sa sinabi niya. He needs me, Christian needs me.

Pinigilan ko ang pangangatal ng kamay ko habang isinusubo ang lugaw muli sa kanya. I tried to reach for his mouth, but I stopped when he throw the spoon out of my hand.

Napasigaw ako sa gulat pero tinakpan ko agad ng mga kamay ko ang aking bibig. I must understand. I must insist to be because I'm the one who is okay here! Ako 'yung nasa magandang sitwasyon kesa sa kanya.

Novel of Yesterday's Memories (Campus Series#2)Where stories live. Discover now