13

6.1K 112 41
                                    


"Norine! Buti dumating ka na!"

Hingal na hingal akong tumakbo papunta sa loob ng booth namin. I smiled sheepishly and put my rattan bag on the empty seat. I raked my loose hair and shook dust off my dress.

"Sorry, am I late?" tanong ko kay Hilda. Nagpatuloy lang siyang ayusin ang pagkakahelera ng mga plants at umiling.

"Not yet," she assured. "Pero! Ikaw ang magluluto no'ng mga petchay 'di ba? Sabi ni Raf ikaw!"

"Me?! Why do I need to cook that ba?" I puckered. "We will sell food din?"

Tumango siya. Lumingon ako sa labas ng booth at nakitang inaayos ni Raf at ni Marian 'yong wooden signage namin. They were wearing a PUI blue shirt, wash day naman, e.. Since it's our fair day.

Hindi naman need mag-uniform kaya nag-dress nalang ako. Dapat pala nag-blue shirt nalang din ako kasi lahat sila naka-blue shirt at maong. I sighed.

"Hindi naman need, pero sabi ni Marian magdadala raw ng petchay 'yong mga tiga College of Agriculture rito para ibagsak ang mga petchay nila rito! Pinatubo raw nila 'yon para sa project kay Miss Dantes."

Tumango ako. "Where will I cook though? I can cook that pero saan? 'Tsaka who will eat it?"

"Si Raf na bahala mag-isip sa kung sinong pagbibigyan! Sabi kasi niya sabi ni Miss Dantes need daw lutuin 'yong mga petchay," she was still fixing the pots. Tinulungan ko na siya at tumango.

Our booth is kind of boring. Compared to other course's.. 'Yong amin halaman ang tinda na sure naman akong onti lang ang bibili. The great thing is that I don't get to be in charge here.

Hilda and I got assigned with the fixing and the inventory. Pati na rin siguro sa pagluluto ng mga snow cabbages na dadalhin no'ng mga Agri students.

"Yeah, I will take care of it, Norine," said Raf. "Can you go here? Please check if the signage is equal on both sides. Marian's no help, duling ka ba?"

Natawa ako't lumabas nang umirap si Marian at binato ng tape sa mukha si Raf. "Douche! Buti nga tinutulungan ka pa!" she grunted and walked out. "Kay Norine ka nalang magpatulong tutal magaling ka!"

"Pikon!"

"Let me see?" lumapit ako sa puwesto niya't tinignan ang board. College of Forestry ngumiwi ako't pumikit nang onti. I don't know, pantay ba? Hindi ata..

"You should move it more to the right, it's too low there," sabi ng isang malamig na boses.

Napahawak ako sa dibdib at halos mapatalon nang marinig ko 'yon! I looked back and sighed, isang lalaking may hawak ng basket na puro snow cabbage and laman! Tumabi ako nang kaunti at si Raf naman ay mabilis na sinunod ang lalaking nakasalamin.

I narrowed my eyes. He's familiar.. Sino nga ba ulit? I shrugged and read off his blue shirt.. College of Agriculture. Naglakad siya papunta sa mesa ko't ngumiti si Hilda. Iyon na ba ang mga lulutuin?

"Ayan na ang mga petchay!" Hilda screamed. "Ang lalaki nito, ah!"

"Buti pa ang mga petchay na 'to mukhang alagang-alaga, mukhang palagi niyo itong dinidiligan," Marian sighed and grabbed a stock of the cabbage.

"Yes, we do water those petchays well," the man with glasses said. Kumurap ako't lumipad ang tingin sa nakasulat sa likod ng shirt niya. I pouted.

Justice Pierre Vergara - Agriculture

I cocked my head.. Justice.. Vergara?

My jaw dropped! Siya.. Siya ba iyong sa Seventh Heaven?! Is.. He the one I was partnered with to do the body shot?! Wait.. I blinked again.

Painting the Hueless Sky (La Carlota #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon