Time 1: Meet Nathalie Rosales

104 2 0
                                    

Time One: Meet Nathalie Rosales

"Nathalie!" Napabalikwas ako dahil sa sigaw ng pinsan kong si Cesca.

"Nandiyan na! Sandali lang." sabi ko habang inaayos ko ang magulo kong buhok. Unang araw kasi namin sa kolehiyo.

"Good Morn--"

"Bakit gusot-gusot pa 'tong dress ko? Ano ba? Pati ako malelate ng dahil sa'yo." Bulyaw niya sa akin.

"S-Sorry talaga. Madali lang 'to. Kumain ka muna sa baba."

"Anong kumain? Wala ka pang naluluto tapos papakainin mo ako? Mag-isip ka nga!"

"H-Ha? Nasaan ba si Lola Matilda?"

"Nandoon sa bago niyang boyfriend. Pupunta daw sila sa park. Bakit hindi ka pa magluto? Ano pang hinihintay mo?!"

"S-Sige. Magluluto na ako."

"Bilis!" Sa sigaw pa lang niya napapatakbo na ako. Bakit ba kasi nakalimutan kong plantsahin 'yung dress na 'yon?

Binuksan ko 'yung refrigerator. Binuksan ko na din 'yung stove at nagsimulang magluto. Hmm, Eggs and bacons for breakfast!

"Ano ba, Nathalie? 'Yung dress ko, plantsahin mo na! Ang bagal-bagal mo diyan!" Sigaw niya mula sa taas. Kung tutuusin, kaya naman niyang mamalantsa e. Ayaw lang niya.

"Pero nagluluto pa ako." sigaw ko para marinig niya.

"'Eto ang unahin mo! Mahuhuli na ako sa school!" Mabuti na lang magkaiba kami ng schedule.

Umakyat na ulit ako at pumasok sa kwarto niya. Ano pa bang magagawa ko? Magagalit na naman siya sa akin.

"Alin ba dito?"

"'Yung color pink!" Kinuha ko na sa malaking wardrobe niya 'yung sinasabi niya dress. Sana magkaroon man lang ako ng kahit na isa dito.
Nakinig kong lumabas siya ng kwarto niya.

Sinimulan ko ng pamamalantsa.

"NA-THA-LIE! Sunog na 'yung bacon!" Binitawan ko na lang 'yung plantsa at tumakbo pababa.

Waaaa! Sunog na nga! Dali-dali kong pinatay 'yung stove.

"Bakit kasi hindi mo man lang tinignan 'yung niluluto ko?"

Tinaasan lang niya ako ng kilay. "Tinignan ko naman. Tinitigan ko pa nga e." Kaya pala nasunog. Tinitigan mo.

Minsan talaga mapapabuntong hininga ka na lang kahit sobrang inis ka na.

"Umakyat ka na doon. Magluluto na ulit ako. Ikaw na ang mamalantsa para may makain ka." Tinitigan muna niya ako at inismidan saka umakyat papunta sa kwarto niya. Napakamaldita talaga ni Francesca. Nakakainis na.

Hindi nagtagal ay naluto ko naman ang kailangan kong lutuin. Naayos ko na din ang hapagkainan.

"Kakain na." sigaw ko habang nakatingala sa hagdan.

Bumaba naman siya habang nakabusangot ang mukha.

"Alam mo, Nathalie? Napakatamad mo talaga! Nasunog tuloy ang damit ko. Nakakainis ka talaga!" Bigla niyang hinila ang buhok ko.

"Aray Cesca! Bitiwan ko ang buhok ko! Masakit!"

"Kulang pa 'yan! My beautiful dress was ruined! I hate you!" Tinulak niya ako kaya nadagil ko ang mga pagkain sa lamesa at tumapon ang mga ito.

"Nathalie lahat na lang sinira mo! Nakakainis ka talaga!" Tinulak niya ako ulit. Kailan ba matatapos ang ganitong klase ng buhay ko? Wala na akong magagawa pa dahil kahit kailan ay hindi na talaga magkakabakikan ang mga magukang ko. Iniwan nila ako dito kasama ang lola ko at ang pinsan ko.

Umalis na si Francesca suot ang damit na nasunog. Actually, hindi ako ang may gawa no'n. Iniwan ko 'yon ng maayos.

Lagi naman siyang gano'n e. Sinisisi niya ang mga maling bagay na nagawa niya sa akin.

Kumpleto at masaya ang pamilya ko noon. Pero isang iglap nawala ang lahat. Naghiwalay sina mama at papa. Hindi ko din alam kung bakit nila ako pinabayaan dito. Hindi ko alam kung bakit hindi nila ako sinama. Siguro tama si Francesa. Hindi nila ako mahal.

Time TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon