Time 10: We'll see

25 0 0
                                    

Time Ten: We'll see

Kanina pa ako kinukulit nitong si Zachary.Kanina pa rin niya ako  iniintriga."Naman girl, hindi mo sinabing boylet mo na si King Bryle!"

Lumayo ako sa kanya at naunang maglakad."King Bryle? Naku, hindi bagay." hindi ko pwedeng sabihin na hindi totoong boyfriend ko 'yung lalaking 'yun. Kung pwede lang talaga.

"Grabe ka! Hindi ka ba updated? Gosh! Lahat ng babae may gusto sa kanya tapos itinatanggi mo lang 'yung tao? Choosy mo." Hinila niya ako paharap sa kanya."Tingnan mo nga naman, nagsusuot ka pa ng lumang kwintas. Patingin nga." Hinawakan niya 'yung kwintas ko.

Tinabig ko 'yung kamay niya. "Ikaw naman, lahat na lang ba bes? Wala lang 'to. Saan ba first class mo?" Pag-iiba ko ng topic.

"Hay, oo na titigil na ako. Do'n sa third floor. Bye, girl!" Naku, Zachary. Kung alam mo lang na napakasama ng ugali ng lalaking 'yun sa akin siguradong kasusuklaman mo rin 'yun.

"Uy!"

"Ay King Bryle!" Biglang may humila sa akin. Si Bryle nga!

"King Bryle pala ha! Kailan pa naging king ang endearment mo sakin?" Natatawa niyang tanong. Kinuha niya 'yung librong dala ko.

Hinila ko pabalik 'yung libro ko at hinapas ko iyon sa kanya. "Tumabi ka diyan at may klase pa ako."

Humakbang ako pakaliwa, hinarangan niya ako. Humakbang ako pakanan, hinarangan pa rin niya ako. "Ang kulit mo ano?! Wala ka pa naman sigurong assignment kaya tumabi ka na diyan."

"Wala nga pero akin ka ngayon, mamaya tutor. Kaya ihahatid mo muna ako hanggang sa classroom ko dahil dudumugin na naman nila ako."

Napairap ako. Napakayabang talaga nito. "'Wag ka na kayang pumasok rito? O kaya lumipat ka do'n sa school na pinapasukan ng mga artista. Ay teka, feeling lang pala."

Hinawakan niya ako sa braso. "Teka nga, bakit mo ba ako sinusungitan e amo mo 'ko? Tsaka, may fans ako kaya artista ako hindi nagfi-feeling lang."

"O sige, amo na kita. Pero may klase pa akong pupuntahan at male-late ako kapag hinatid pa kita sa kabilang building. At sige, artista ka na rin. Pero hindi lahat ng may fans, artista." Nakakagulo ng utak 'tong kausap! Pati ako naguluhan sa sinabi ko! Tsaka ako pa 'yung maghahatid?!

Tumakbo na ako papunta sa klase ko. Mamaya sundan pa ako nun. Kahit ngayon lang, makalayo ako sa bwisit na 'yun.

"Isang minuto na lang! Late na ako!" Sigaw ko sa sarili ko kaya tumakbo na ako paakyat. Kasalanan niya 'to e!

Pagkaakyat ko sa 4th floor, nagkaklase na sila. Teka, hindi ito 'yung first subject ko! Sa baba pala ang english. Napasabunot ako sa sarili ko kaya kahit ayoko nang bumaba, bumaba pa rin ako. Sayang ang pagpapaaral sa akin ni lola.

Late na ako! Patay ako sa professor naming terror! Kaya ko 'to! Tumakbo na naman ako pababa ng hagdan. Pagkadating ko do'n, walang tao sa classroom. "Pati ba naman sila iniwan na ako?" Natatawa na akong naiiyak pero dito talaga ang unang klase ko ngayong umaga e.

Tumunog 'yung cellphone ko.
Sender: 09223344556
Gym ang first class. Dito daw gusto ni Ma'am.

Unknown number? Pero hindi ko alam kung bakit do'n din ako dinala ng mga paa ko. Gym? Anong trip 'yun ni Ma'am e ang banas do'n?

Pagkapasok ko ng gym, may kumaway kaagad sa akin. Lumapit na lang ako doon. Sumesenyas kasing do'n daw 'yung english. Late na nga talaga ako.

Si Bryle?! "Baby, sabi ko sa'yo sumabay ka na sa akin e. Na-late ka pa tuloy." Napairap ako. Sumabay? E ang sabi niya sa akin ihatid ko siya? Ang kapal!

Umupo na lang ako sa tabi niya. Bigla siyang umakbay at bumulong, "Ipagsulat mo ako ng mga sinasabi ni Ma'am. Tinatamad kasi ako."

Huh?! Hindi ba niya pansin na pawisan ako dahil sa pabalik-balik ko sa hagdan? Aba'y baka gusto nitong masikmuraan? "Magsulat ka mag-isa mo." Kumuha ako ng karton sa bag ko at pinaypayan ko ang sarili ko. Amoy pauwi na ako panigurado.

"Baby, ang kulit mo talaga. Dali na, pagbigyan mo na ako." Malakas na pagkakasabi niya kaya nagsitinginan lahat ng kaklase namin pati na rin si Ma'am. Alanganin ko silang nginitian sabay apak sa paa nitong bwisit na 'to. "Aww"

"Sinong kausap mo? Baliw na po ba 'to Ma'am?" Natatawa kong sabi. Tumawa rin ang iba kong kaklase. Alam kong nag-iba ang tingin niya sa akin. Hahaha! Galit na siya! Hindi na lang kami pinansin ni Ma'am at nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.

Nginitian ko lang si Bryle kahit alam kong galit na galit na siya. Aba! Siya lang ba ang marunong magpahiya? Buti nga sa kanya! "Maghanda ka mamaya sa akin."Bulong niya. Nagpapatawa ba siya? Hindi ako natatakot 'no!

Natapos ang discussion ni Ma'am kaya tumayo na ako. "Hoy! May sinabi ba akong umalis ka na? Bumalik ka nga rito."

"May gagawin pa ako 'no. Mamaya ka na lang umutos." sambit ko.

"Hoy teka! Hindi ka man lang ba magpapasalamat? Kung hindi dahil sa akin, hindi ka makakaattend sa english class!" sigaw niya. Tumakbo na ako palabas ng gym. Mahirap na baka mapahiya pa ako lalo sa mga fans-kuno niya.

- -

Bryle's POV

Nakakainit talaga ng ulo 'yung babaeng 'yun. Tinakbuhan pa talaga ako?! Kailan pa siya masasanay sa'kin? Anyway, lumabas na ako ng gym at tumakbo ng tumakbo para mahanap 'yung babaeng 'yun. Saan ba 'yun nagpupupunta?!

Nakarating na ako sa school garden. "Nathalie, lumabas ka na nga diyan. Para kang timang. Bakit ka ba nagtatago?" Dinig kong sabi ng isang lalaki kaya napalingon ako sa gawi niya. Si Nathalie? Huh! Maghanda siya!

Napangiti ako. Alam ko na kung anong gagawin ko."Yohoo! Baby? Nasaan ka na ba? Lumabas ka na diyan, oh." Nilapitan ko 'yung lalaking nagsalita kanina. Siya 'yung nakaaway ko. Tama! Nung may dala akong kahon, siya 'yung nakasagutan ko. "Uh, si Nathalie ba?"

Napatingin siya sa baba. I knew it! Lumuhod ako at hinawi 'yung halaman. "There you are, Honeybunch!" Luh. Sa'n galing yung honeybunch? Okay, hindi ako korni. Cute lang. Tch. Hinawakan ko siya sa braso.

Pumalag siya sa akin."Ano ba? Tigilan mo na nga ako!" Pilit niyang hinihila palayo sa akin 'yung braso niya. Tumingin siya do'n sa lalaki. "Zachary! Tulungan mo naman ako! Please!!"

Alanganing ngumiti 'yung Zachary. "Uh.. I have to go. Bye!" at iniwan na niya kami.

"So.." Nilapitan ko siya. Umatras lang siya ng kaunti. "Scared, huh?"

"B – Bakit naman ako matatakot?" sambit niya.

"E bakit ka umaatras?" sabi ko at nginitian ko siya ng nakakaloko. Alam kong nanginginig na siya sa takot. Nakikita ko sa mga mata niya.

Humakbang ulit ako. "A – Ano? A – Anong gagawin mo sakin? B – Bakit ka lumalapit?" see? *evil smile*She is stammering.

Lumapit pa ako lalo at tumama na 'yung likod niya sa may halamanan. "You are now cornered " hinarang ko pa 'yung dalawa kong braso sa tabi ng muka niya.

"Ahhhh! Tulong! Tulong! May mamamatay tao!!" sigaw niya na ikinataranta ko. Ano bang pinagsasasabi niya?! Tinakpan ko 'yung bibig niya. "Mmmmm"

"'Wag kang maingay!! Bakit ka ba sumisigaw?!" tumingin ako sa paligid. Phew! Buti na lang walang masyadong nakarinig. "May sasabihin lang—-Aray!" bigla niya akong sinuntok sa tiyan ko. "Napaka-amazona mo talaga!!"

Patakbo na sana siya ng bigla kong mahawakan ang braso niya. Inilapit ko sa kanya ang mukha ko kaya napaiwas siya. "'Wag ka na ngang lumapit! Ang baho ng hininga mo." napabitaw ako sa kanya. What?!

Hindi ko na lang siya pinansin. Nilapitan ko pa siya lalo. "Ikaw ang pinili ko dahil alam kong inis na inis ka sa akin. At dahil doon, alam kong hindi ka magkakagusto sa akin. Pero, hindi na rin kita masisisi kung tatamaan ka ng charms ko."

Umirap siya sa akin. "Kapal mo talaga, Bryle. Hooo! 'Yung confidence mo sa sarili mas mataas pa sa'yo 'no? HINDI. AKO. MAGKAKAGUSTO. SA'YO!!"

"Tingnan na lang natin. Pero 'wag mong subukan dahil hindi kita papatulan. Hanggang pagpapanggap lang ito. At uulitin ko, walang makakaalam. Maliwanag?" Sambit ko saka ko siya binitawan. Huh. Hindi magkakagusto? We'll see.

Time TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon