Time Eight: Baby
Sinunod ko siya at pumikit ako.
Pakiramdam ko parang lumutang ako.
"Okay na."
Pagkamulat ko parang tumigil sandali ang pagtibok ng puso ko.
"A - ah, bakit tayo nag-time travel ngayon? May gagawin pa ako e."
Lumayo siya sa akin. "M - May ipapakilala lang ako sa'yo."
"Dito sa park? Ang weird mo din ano?"
Hinila niya ako papalapit doon sa mga bata. Binitawan niya 'yung kamay ko."Hi!" Bati ko doon sa dalawang batang lalaki na sa tingin ko ay five years old na.
Kambal ba sila? "Anong sabi, Blake?" hindi ko kasi sila naririnig
"Hello daw. Ang sabi pa, sila daw sina Dwayne at Dan."
"A, Kamusta Dwayne, Dan?" Ang hirap naman ng ganito! Naririnig nila ako tapos hindi ko sila naririnig?
Siniko ko si Blake."Oh, ano raw? "
Kumunot ang noo niya. "Hindi naman kailangang maniko ano? Tch. Okay lang daw sila. Teka, 'yung kaibigan daw nila nadapa."
Nilingon ko 'yung dalawang bata."Ha? Nasaan? Sino?"
"Nandoon daw sa may upuan! Bakit ngayon pa nadapa 'yan? Tuwing pumupunta naman ako dito sa nakaraan, hindi naman nadadapa 'yan e." Pagpapaliwanag ni Blake.
Hindi na ako umimik at sumunod na ako doon sa dalawang bata.
Nadatnan ko ang isang batang babae at may luha ito sa mukha pero hindi ko pa rin marinig ang pag-iyak nito. Apat na taong gulang na ata ito.
"Ang sakit daw nung sugat niya." Sambit ni Blake.
"E anong gagawin ko? Wala akong dalang panggamot?"
Nilapitan ko 'yung bata. "Tahan ka na, little girl. Ano bang pangalan mo?"
"Siya si Kiara. Masakit pa rin daw 'yung tuhod niya." Sambit naman ni Blake sabay abot sa akin ng bulak, betadine at band-aid. Saan naman 'to galing? Minsan nakakatakot na rin ang isang 'to.
Nilinis ko muna 'yung sugat saka nilagyan ng betadine. Nilagyan ko na rin ito ng band-aid.
Pagtayo ko bigla akong nanghina. "B - Blake nahihilo ako." Nanlamig ako bigla
"Balik na tayo. Tara na." Binuhat niya ako at mariin akong pumikit.
Naramdaman ko na lang na nasa ibang lugar na kami. "Ano? Okay ka na ba?" Tinulungan niya akong makahiga.
Nasa kwarto ko na pala kami. "Medyo okay na."
"Matulog ka na. Pagod ka lang siguro."
Lumayo siya sa akin pero tinaas niya ang ulo ko at inalis ang kwintas ko. "Baka kung saan ka makarating at hindi ka na makabalik dito. Bahala ka. Pero time will come."
Napatayo ako kaagad. Nilapag naman niya 'yung kwintas sa ibabaw ng mini cabinet ko. "Anong ibig mong sabihin?"
"Wala naman. Magpahinga ka na. Good night." Hindi na niya ako pinagsalita dahil bigla siyang naglaho sa harap ko.
* *
Tatanggalin ko na sana ang towel sa katawan ko ng biglang dumating si Blake.
"Blake Nicolooo! Labas!" Binato ko sa kanya 'yung unan ko.
Namula naman 'yung mukha niya. "S - Sorry! Sorry!" Bigla siyang naglaho sa harapan ko.
Dali-dali ko ring sinuot ang dress na binili sa akin ni Zachary. At pati na rin ang stiletto na binili niya para sa akin.
Nagpulbo na rin ako.
Done!
Tumakbo ako pababa. Male-late na ako.
"Uy, Nathalie! Sorry talaga! Hindi ko intensyong makita kang. .Sorry!" Rinig kong sabi ni Blake.
Sinusundan pala niya ako hanggang sa makalabas ako ng bahay.
Hindi ko pa rin siya nililingon. Male-late na kasi ako."Okay lang. Alam kong hindi mo sinasadya."
"Ang tagal ng jeep!" Sigaw ko.
Pauli-uli lang ako dito at pakaway-kaway. Lahat ng jeep na dumadaan, punuan.
"Tara na nga!" Hinila ako ni Blake sa isang tabi at bigla niya akong hinawakan sa kamay.
Hinila niya ako kaya pumikit na ako.
***
**
*"Nandyan na sila, guys! They're so hot talaga!" Napamulat ako dahil sa sigawan nila.
Nasa school na ako! Tinignan ko si Blake.
"Hinaharap 'di ba?" Sabi niya habang naka-smirk.
Siniko ko siya. "Aray!"
"Yabang."
"Tamo 'tong babaeng 'to! Hinatid na nga kita rito para hindi ka ma-late tapos tinatarayan mo pa ako?" Kunot-noo niyang tanong.
Natawa ako. "Oo na, salamat." Sabi ko habang lumilinga-linga.
"Sige na. Male-late ka na sa klase mo."
Bigla kong nakasalubong si Bryle. "Oh, there you are, baby." Bigla siyang umakbay sa akin.
Nilingon ko naman si Blake at hindi ko maintindihan ang ibigsabihin ng mukha niya. "Hindi ko 'to alam." Bulong ko kay Blake.
"Tara na?" Tanong ni Bryle.
Hindi na ako nakaimik. Ano na naman bang gimik 'to?!
![](https://img.wattpad.com/cover/37292743-288-k877046.jpg)