Time Six: Bryle
"Ms. Rosales?" Tawag ni Ma'am Lachica
Tumayo ako. "Present po!"
"I said, where is Ms. Rosales?!"
Napakunot ang noo ko. "Present nga po."
Inilagay ni Ma'am 'yung dalawa niyang kamay sa bewang niya at tinaasan niya ako ng kilay. "Ang ganda mong babae pero parang nakakabastos ka na. Pinaglololoko mo ba ako ha? Si Ms. Rosales ang hinahanap ko hindi ikaw. 'Wag kang sumagot kung hindi ka hinahanap. Bastos!"
"E Ma'am, ako po talaga si Ms. Rosales. Nathalie Corrine." Compliment ba 'to o panglalait? Kainis ha.
"H-Ha? Ikaw ba talaga 'yan? Ay pasensya ka na ha. Sige, maupo ka na."
Pagkaupo ko, may sumipa sa upuan ko. Humarap ako sa likod para makita ko kung sinong sumipa. "Ano bang problema mo ha?" Paano ba naman kasi, siya na naman.
"Ang ganda mo ngayon. Saan ka ba nakakuha ng pang pa-plastic surgery?"
Aba't! Nakuha pa akong insultuhin. Nginitian ko na lang siya. "Wala ka na do'n. But I will take it as a compliment. And oh, hindi ako magparetoke kagaya ng mga kaklase nating babae na gustong-gusto mo. " Bulong ko.
"Fyi, Ms. Rosales, sila ang may gusto sa akin."
"Hahaha. Sus, ayaw pang umamin. Mayabang ka na nga, sinungaling ka pa."
"Whatever you say. Hindi ko gusto ang mga babaeng mukha ng sapin-sapin."
Tinawanan ko na lang siya nang tinawanan. Halatang pikon.
Napalingon naman ako sa may pintuan ng room dahil pakiramdam ko'y may nakatingin sa akin. "B-Blake?"
Sumenyas siya sa akin kaya tumayo ako para lumabas. Hindi na naman ako napansin ni Ma'am dahil busy siya sa pagpapaliwanag.
"H-Hi." Sambit niya at nginitian niya ako. Bakit ba kakaiba ang ngiti niya ngayon? Bakit ang gwapo niya? Blooming si bes! Hahaha!
"Anong satin?"
"'Eto." Unti-unti siyang lumapit sa akin at hinawi niya ang buhok ko.
"Ayan, bagay pala sa'yo ang dilaw na gumamelang nakuha ko." Tinignan niya ako nang maayos. "Mukha kang bubuyog" then he laughed. Aba't—!
"Wow ha. Salamat."
"Wala 'yon. Sige, bumalik ka na doon. Magkita na lang tayo mamaya." Sambit niya at inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa mga bulsa niya. Saka tumawa.
Tumango na lang ako at nag-alangang ngumiti. Baliw na rin ata 'yun si Nicolo. Tss.
"Nathalie Corrine 'di ba?" Napakunot ang noo ko dahil narinig ko na naman siya. Ano na naman bang kailangan nito?
"O? Pakialam mo? Ano bang kailangan mo?"
"'5pm, sa school gate. No more excuses." Aba't uutusan pa ako?
"Kapal naman ng mukha mo!" Bulyaw ko sa kanya dahil bigla siyang lumabas dahil saktong time na. Ni hindi ko nga alam ang pangalan ng bwiset na 'yun.
"Catch!" Binato niya sa akin 'yung ID niya.
Aba't! Tatamaan pa 'yung mukha ko!
Napatingin ako sa ID niya,"Bryle Nathaniel Mendoza."
* *
Bryle's picture at the multimedia.