Time 9: Tutor

20 0 0
                                    

Time Nine: Tutor

Inaalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin at hinarap ko siya. "Ano na naman ba?!"

"Nathalie, Nathalie, Nathalie. . Alam kong valedictorian ka noong highschool at noong elementary ka pa. Kaya alam mo naman siguro kung bakit kita tinawag na ganoon kanina?"

Paano niya nalaman na valedictorian ako noon? Hay. Bahala siya. Pero siguro.."May gusto ka sa akin 'no? Sinasabi ko na nga ba e. Hay naku, Bryle 'wag kang umasang magugustuhan kita." Iritado kong sambit.

"Ang kapal naman ng mukha mo! Hindi kita magugustuhan 'no! Hindi mo pa rin ba gets? Tinakasan ko lang 'yung mga fangirls ko."

"E paano na 'yung pangalan ko?! Masisira ng dahil sa'yo!"

"Pangalan mo lang ba ang masisira? Sinugal ko na nga ang pangalan ko. Maswerte ka nga dahil sa mga susunod na araw, nakadikit na ang pangalan mo sa pangalan ko."

"Mukha mo!" Siniko ko siya para makatakas na ako.

May nakasalubong akong mga babae.

"Teka lang, baby!!" sigaw niya sabay takbo papalapit sa akin. Talaga bang nananadya 'to?!

Siniko ko siya pero walang epekto. "Tigilan mo na nga ako pwede? Gusto kong maging normal na mag-aaral dito. Ayokong nai-issue."

"Kailan ka ba naging abnormal?"

"Korni mo bro." Napairap na lang ako at dumiretso sa klase ko.

Mabuti na lang at wala pa ang professor namin.

Hinarap ko si Bryle. "Hoy ikaw! Sinusundan mo ba ako?!"

"Hoy ikaw din. Kapal ng mukha mo para sundan ka." Bulong niya sa'kin.

Umupo ako sa medyo gitna pero tumabi din siya sa akin. "Nang-iinis ka ba?!"

Tinuro niya 'yung sarili niya. "Ako mang-iinis? Bakit naman kita iinisin?"

E ano pa bang ginagawa mo?

Hinintay ko na lang 'yung professor at nakinig sa discussion hanggang matapos. May pa-assignment pa.

Tatayo na sana ako dahil break time na pero tumayo sa harap ko. "Ano na naman ba? Alis ka nga d'yan."

Pero hindi niya ako pinakinggan. Nakatitig lang siya sa akin. "You will be my tutor."

"Be what?!"

"Tutor! Hindi mo ba alam 'yun?!"

"'Wag ka ngang sumigaw! Alam ko 'yon. Ayoko."

"Ayaw mo? Ayaw mo ng limang libo kada project? Ayaw mo ng tatlong libo kada assignment?" Ha? Alam kong malaking pera 'yun at makakatulong 'yun sa pag-aaral ko pero, tutor ba talaga o taga-gawa ng assignments at projects? "Ano? Ayaw mo? Sige sa iba na lang." Tapos tumalikod na siya.

Hinabol ko siya haggang makalabas ng classroom. "Uy, teka! Sige tutor mo na ako."

"Okay 'yun, baby."

"Hep! Pero sa isang kundisyon." sambit ko.

"Ano?"

"'Wag mo na akong tawaging baby."

"Hindi naman pwede 'yun. Paano na ako? Baka dumugin ako ng mga fangirls ko." Ano bang klaseng nilalang 'to? Napakayabang. Tss. "Okay, ganito na lang. Kada tawag ko sa'yo ng 'baby', I'll give you one thousand." Dagdag pa niya.

"Uh.."

"Okay! Deal!" Hinila niya 'yung kamay ko. Aba't—!

"Tara. Samahan mo ako sa cafeteria, kakain." Hinawakan niya ako sa braso.

Iniwan niya ako nung makarating kami sa loob kaya humanap na ako ng mauupuan ko.

Maya-maya, dumating siya na may dalang tray na mayroong pagkain.

Kinuha ko 'yung isa pero bago ako kumain, nagdasal muna ako.

Pagkamulat ko, hinila niya 'yung pinggan ko. "Anong gagawin mo?" tanong niya

"Kakain, malamang."

"Akin naman 'yan. Bumili ka ng sa'yo." Kanya talaga 'yun lahat? E ang dami niyang binili.

Hinawakan ko 'yung tinapay."'Etong tinapay? Akin na lang ha?"

Tinapik niya 'yung kamay ko. "Akin nga 'yan. Bumili ka ng sa'yo."

"E bakit mo ako sinama rito?" Nakunot-noo kong tanong.

"Hindi ba nagpapasama ako sa'yo? Hindi ko naman sinabing ililibre kita."

Tumayo na lang ako para bumili rin ng pagkain. Aish.

Mabuti na lang wala ng pila. "Ano bang bibilhin mo?" Tanong sa'kin nung nagtitinda

"Uhm.."

"Ano?!" Teka nga at nag-iisip pa ako 'di ba?

"Uhm.."

"Miss pwedeng pakibilisan?"

"Ate, may pupuntahan ka ba?" Pang-asar kong tanong.

"E'di 'wag ka na lang bumili rito." Inirapan pa ako. Like whuut?

Biglang dumating si Bryle."Excuse me? Anong problema mo sa baby ko?" One thousand!

"Ay naku, wala po." aba naging maamo! Ayos din 'tong si ate 'no?

"Anong bang gustong bilhin ng baby ko?" Another one thousand.

"Vanilla ice cream na lang." Nag-abot naman ng ice cream 'yung tindera at binigyan ni Bryle 'yung babae ng isang libo.

"Keep the change, Miss." sayang naman 'yung sukli. Babalik sana ako do'n pero bigla akong inakbayan ni Bryle "'Wag ka nang makulit. Nagugutom na ako."

Kaya bumalik na kami sa table namin. "Dalawang libo na." Then I moved my brows up and down.

"Isang libo na lang. Bumili ka ng ice cream 'di ba?" sambit niya habang ngumunguya.

"Pero mura lang ang ice cream! Bakit kasi may pa-keep the change keep the change ka pang nalalaman?!"

Nagkibit balikat lang siya at nagpatuloy sa pagkain at nginitian ako.

"Isa pa nga pala, walang dapat na makaalam nito-na tutor kita at nagpapanggap lang tayo." Sambit niya saka tumayo.

Sinundan ko lang siya. "E paano naman si Za--" Bigla niyang hinarang sa mukha ko 'yung isang libo.

"No more paano, pero o kahit ano pa. Sumunod ka na lang sa rules ko. Sige may class pa ako."

Uh, ano kayang magiging buhay ko sa pagiging tutor niya?! Gano'n na ba siya katamad mag-aral?

Time TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon