Time 3: The Necklace

37 0 0
                                    

Time Three: The Necklace

Tumakbo ako palabas ng school canteen at pumunta sa first class ko.

Hindi pa ako nakakaakyat ay nakita ko si Zachary. "Zach!"

Lumingon siya sa akin at ngumiti. Tumigil siya sa paglalakad at nilapitan ko na siya. "Zach, grabe pala dito ang mga tao 'no? Akala ko sa bahay lang may gano'n."

"Anong gano'n?"

"Ha? W-Wala. Sabi ko grabe sa bait at ganda." Hinigit niya ang kamay ko at sinabit sa braso niya.

Magrereact pa sana ako pero, "Hayaan mo na. Para hindi nila mahalatang.." Lumapit siya sa akin.

"..you know." Then he chuckled.

"Baliw ka talaga. Pero may klase pa ako."

"Oo nga pala. Sige, ako din e. Bye!" Napailing na lang ako habang nakangiti. Hindi ako makapaniwalang isang gwapong nilalang nakutald niya ay isang pusong babae.

Umakyat na ako sa first floor ng building na ito para sa first class ko. Five minutes left male-late na 'ko.

Pagkadating ko ay umupo ako sa unahang bahagi.

"Guys, siya yata 'yung taong grasa kanina!" Sigaw nung lalaki kasabay nito ang pagtawa ng lahat pero hindi ko na siya pinansin. Hindi naman ako taong grasa e. Baliw ba 'yun si kuya?

"Oo nga!" Kinuha ko na lang 'yung libro ko at nagbasa-basa. Ang tagal naman ng professor.

"Siya 'yung nakabangga sa akin." Biglang sabi ng taong nasa likod ko. Napayuko ako lalo. Patay! Ako ata 'yung tinutukoy niya. Paano na ako?

May nakita akong paa sa unahan ng upuan ko kaya tumingala ako."What? This girl? This.. ugly and cheap girl?" Tinuturo niya ako na para bang nadidiri siya.

"Siya nga 'yon! Siya 'yung nakahiga sa may school entrance kanina!"

"Kadiri!"

"Ang lakas ng loob na banggain si King Bryle." Napairap ako, King Bryle? Kailan pa nagkamonarkiya dito? Tss.

Tumayo ako at naglakas ng loob na magsalita. "Ano bang problema niyo sa akin ha? Wala naman akong ginagawang masama sa inyo." Nanginginig kong sabi. Ngayon ko lang 'to nagawa--ang ipagtanggol ang sarili ko.

"Psh. Lumalaban pa?" Bigla niyang hinila ang buhok ko.

Para lang akong sunud-sunuran dahil bawat higit niya sa buhok ko, nadadala ako. "T-Tama na. T-Tama na, please."

"No! Hindi ako titigil! Ang kapal ng mukha mo! Ano bang kinakain mo at may lakas ng loob kang banggain si Bryle?" Hinila pa rin niya ang buhok ko at hindi ako makapalag. Walang umaawat sa amin, walang tumutulong sa akin.

Hinawakan ko ang kamay niya at itinulak ko siya kaya siya natumba. "How dare you!" sigaw niya sa akin.

"Sobra ka na! Sobra na kay--"

"Anong nangyayari dito?!" Napalingon ako sa may pintuan at nakitang nakatayo doon ang isang professor.

"Siya po! Siya po ang nagsimula. Tinulak niya ako Ma'am." At umarte siyang naiiyak.

"Pero Ma'am, hindi po 'yon toto--"

"No! Both of you on the principal office, NOW!" Sigaw nung proffesor namin. Sa buong buhay ko sa high school hindi ako napapunta doon—ngayon pang college na ako? Ano na Corrine!

Nilapitan niya 'yung teacher at hinawakan ito sa kamay."Bakit po pati ako, Ma'am? Siya naman po ang nagsimula ng lahat. Itatanong ko lang po sana kung may extra siyang pencil and then tumayo siya at tinulak niya ako, Ma'am." Ano bang pinagsasabi nito?

Time TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon