Time 2: Zachary Miguel Chiu

69 1 0
                                    

Time Two: Zachary Miguel Chiu

"Good Morning po, Manang." Bati ko sa babaeng nasa harap ng entrance ng school namin.

"How dare you to call me Manang? Are you a new student here? I'm the principal of this school. Kaya 'wag na 'wag mo akong matawag-tawag na Manang."

"H-Ha? A, e. S-Sorry po Mrs. Principal." Inismidan lamang niya ako at inayos niya ang kanyang salamin sa mata.

Napabuntong-hininga ako para maalis ang kaba. Ngumiti ako muli sa kanya at pumasok sa entrance. "A-Aray!"

Natapon ang mga dala kong libro sa sahig. Tinignan ko ang principal. Ang sakit ng tuhod ko.

Tinaasan lang niya ako ng kilay.

"Tabi! Tatanga-tanga kasi." Sabay sipa sa akin nung isang lalaki.

"Eww! Bakit may taong grasa dito? I don't like her to be my kaklase. Yuck!" Maarteng sabi nung isa. Ang sakit talaga. Hindi ako makatayo.

Napayuko na lamang ako at isa-isang dinampot ang mga libro ko sa sahig. "Here." May nakita akong kamay na may hawak sa isa kong libro.

Dahan-dahan akong tumingala. Nakita ko ang school ID niya. Siguro matagal na siya rito. May ID na siya e. "Zachary Miguel Chiu"

"Yes, ako nga. And you are?" Sabay abot niya ang kamay niya sa akin para tulungan akong tumayo.

"Nathalie Corrine Rosales. Thank you." Nginitian niya ako.

"Wala 'yon. Nice meeting you, Nathalie. Sige, una na ako, ha? See you around!" Nag-wave siya sa akin at ngumiti lang ako.

Siya na ba?

Ano ba 'tong iniisip ko? Nagpunta ako dito para mag-aral. Wala sa plano ko ang magboyfriend.

"Tabi!" Lumingon ako.

"AAAAAH!" Ang. . sakit.

"Sinabi na kasing tabi e." Pagsusungit nung lalaking may dalang kahon. Kumalat din ang mga dala nito.

Ang malas ko naman ata?!

"Bro, hindi naman ata tama 'yang ginagawa mo sa kanya." Bumalik siya!

"S-Sorry po." Sabi ko doon sa lalaki habang nakatungo. Wala na. Sikat na ako. Sikat dahil sa pagiging shunga.

"'Wag kang makialam dito dahil kasalanan naman niya. Pwede ba umalis ka dito?"

Humakbang papalapit sa akin si Zach. "Ayos ka lang ba? Anong masakit sa'yo?" Sabi niya sa akin habang tinutulungan akong tumayo. Bugbog na ako dito.

"Tch. Paarte kasi kung lumakad." Pabulong na sabi nung lalaki habang sinisimot niya ang mga gamit na nalaglag.

Alam kong nakinig iyon ni Zach dahil bigla siyang lumingon dito. "Sumusobra ka na ha. Hindi mo na nga siya tinulungan, madami ka pang sinasabi diyan."

Hinawakan ko si Zachary bilang pag-awat sa kanya. "Okay lang ako." Sabi niya.

Lumingon muli siya doon sa lalaking nakabangga sa akin. "Straight ka ba talaga o ano? Bakit pumapatol ka sa babae?" Alam kong mali na ang mga sinasabi ni Zachary pero ayaw niyang magpaawat. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito.

"Ikaw ang sumusobra! Masyado kang nakikialam."

"Natural! Kaibigan ko si Nathalie kaya dapat man lang igalang mo siya bilang babae, kahit bilang tao man lang." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinawakan niya ako sa kamay at hinila papasok sa isang hall.

Narinig kong bumuntong hininga siya. "Naku, girl! Kinabahan ako do'n ha. Ang gwapo-gwapo pa naman." W-Wait. Bakla siya? Bakla si Zachary?

"Yes! Girl-lalu ako! Gulat ka 'no?" Sabi niya sabay pose na parang rarampa. Sayang, gwapo pa naman.

"Oo, akala ko kasi.."

"NO way! As in never!" Sabay taas ng kamay at iginalaw-galaw ito. Hay naku! Confirmed!

"Pero bakit.."

"Para akong lalaki kanina? Palabas lang 'yon 'no. Hindi nila alam na ganap na akong beki."

"Paanong.."

"Tulungan mo ako, girl! Kailangan kong magpanggap kasi hindi pwede ang bakla sa unibersidad na ito! Bawal ang sobrang ganda to the highest level dito..." hinawakan niya ako sa dalawa kong kamay. "...kaya sana, 'wag mong sabihin sa kahit na kanino ha?" Lumapit siya sa akin at bumulong, "Kasi marami ditong papa! Kaya kailangan kong magpanggap."

Huminga ako ng malalim. Hindi ako makapaniwala na isa siyang bakla.

Wala namang masama 'di ba? Tutulungan ko lang naman siya.Itatago ko lang ang sikreto, okay na."Okay. Pero alam mo, Zach sayang ka."

"Alam ko. Kaya nga ang swerte mo e. May kumare ka na.." pangbabae talaga ang boses niya.

bigla niyang ginawang panglalaki ang boses niya,"..may kumpare ka pa!" Sigaw niya sabay tawa.

"Ewan ko sa'yo. Pero sayang, crush pa naman kita." Pag-amin ko sa kanya.

"Really? Gumana pa 'yung kagwapuhan ko? Pero bakit 'yung kagandahan hindi? Nakaka-sad naman." Sabi niya at umaktong naiiyak.

Tumawa ako sa kanya at tinapik siya sa balikat. "Teka nga, ano bang course mo?"

"BOMM"

"Parang wala namang ganyan sa mga nakalistang course na nakita ko?"

"Yup! It means, Boys are Only Made for Me. Ang nice 'di ba?" Sambit niya, ang korni pala nito.

"Zachy!" Sigaw ko ng may halong pagbabanta.

"Oh, I like that name. Zachy? Bagay sa akin, 'no?"

"Tama na, hindi na nakakatuwa."

"Mamang, masyado kang tatanda niyan. 'Wag kang masyadong magagalitin."

"Oo na. Ano ba kasing course mo?"

"Civil Engineering madaming poging-poging papa do'n e. Ikaw?"

"Fine Arts. Sayang hindi kita kaklase. Wala pa kasi akong kakilala dito e."

"Don't worry. I'll text you na lang kapag lunch na o kaya uwian. Para sabay tayo. O pa'no? Una na ako ha? Sa Second floor pa 'yung first class ko e."

"Number mo? Paano mo ako matetext e hindi mo pa alam ang number ko?"

"Ay! Oo nga 'no? Ang hina talaga ng brain ko! Bukas ipapaayos ko na ang turnilyo. Lumuluwag na e. Number?"

"09876543210"

"Got it! Text na lang kita ha?" Tumango ako sa kanya at ngumiti. Gwapo talaga. Bakla naman.

Pumunta muna ako sa canteen para bumili ng tubig.

Tumungog bigla ang cellphone ko. Nagtinginan naman ang mga tao sa canteen sa akin? Anong problema nila?

"Ay ang poor ni ate girl."

"3310?"

"Sana naglenovo man lang." Bulungan ng tao dito. Anong problema nila sa 3310 ko? Anyway, matagal ang battery life nito kaya kiber lang. Che!

Tinignan ko kung sino ang nagtext. Akala ko si Cesca na naman pero napangiti ako.

Sender: 09154321000
Hi Girl! Si Zachy 'to! I'm here na at the room. Text na lang kita later ha?

Sinave ko muna ang number niya.

To: Zachy
Sige, Zach. See ya later! :)
*message sent!*

Time TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon