Time Eleven: Athena
Nung binitawan niya ako, napatakbo na ako paalis ng garden. Balak niya ba akong patayin? Tss.
Nagring 'yung cellphone kong nangangrag na sa luma. ["Hey, dyan ka lang. Tumigil ka sa paglalakad. Pupuntahan kita."] at ginawa ko naman. Hinanap ko siya at nakita kong naglalakad na siya palapit sa akin kaya tumakbo na ako.
Pero bigla niya akong nahabol at niyakap. Asdfghjkl! "Ano ba? Bitiwan mo ako!"
Hindi lang siya umimik at bigla niya akong binuhat. "Bryle! Ibaba mo na ako! Tigilan mo na nga ako!"
"Sht, sht. 'Wag ka ngang malikot! Mahuhulog ka!"
"Saan mo ba ako dadalhin? Ayokong sumama sa'yo!"
"Basta. 'Wag ka na munang maglikot okay? Ang bigat mo." bulong niya sa akin.
Napataklob na lang ako ng mukha dahil sa kahihiyan.
Naramdaman ko na lang naibinaba niya ako. Pinagbuksan din niya ako ng pinto. "Sakay."
"E saan ba tayo pupunta?"
"Basta nga sumakay ka!" sigaw niya sa akin. May mga babaeng dumaan. Bigla niya akong inakbayan. "Baby, tara na." tapos pilit niya akong tinulak papasok sa kotse niya. Napairap na lang ako.
Pinaandar na niya 'yung sasakyan. Tinignan niya ako. "'Yung seatbelt mo."
Inayos ko 'yung seatbelt ko dahil nakita ko na naman kung paano maglagay kay Zach.
"Baby?"
"ANO?!"
"Whoa. Chill. Galit ka naman kaagad e." Natatawa niyang sambit.
I just rolled my eyes, "Nakakairita na kasi iyang "baby" na 'yan."
"Nathalie." natatawa niyang sabi. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano nga?" iritado kong tanong.
"Sa susunod, 'wag kang magsusuot ng sobrang ikli ha?" napatingin ako sa damit ko. Okay lang naman a? Tsaka wala na s'ya roon.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano bang pakialam mo sa suot ko?"
"Nakita ko kasi si melody kanina." sambit niya. MELODY?! Nasa. .
"Walanghiya ka, Bryle! Ang manyak mo! Bastos ka! Bastos!" pinaghahampas ko siya nung bag ko. Sa lahat ba naman cartoon character, si Melody pa ang nakita niya?!
"Aray! Hindi ko naman sinasadya a? Ikaw 'tong malikot kanina. Hindi ko naman simasadyang makita si Melody."
Parang maiiyak na ako sa inis at kahihiyan dito e. "Bastos ka! Bastos! Itigil mo na 'tong sasakyan! Baba na ako!"
Pinaharurot lang niya ang sasakyan instead na itigil ito. "Ano ba? Itigil mo na nga 'di ba?"
"Ayoko! Bakit ba nagagalit sa akin? Mabuti nga at sinabi ko sa'yo e. Hindi ba dapat matuwa ka dahil nagsabi ako ng totoo?"
"Anong matutuwa e nakita mo 'yung ano ko!" naiinis kong sabi.
"Ang alin ba?! Ano bang masama sa sinabi ko?"
"'Yung ano ko. . 'Yung underwear ko!"
"H - Ha? Anong underwear? 'Yung melody kasing sinasabi ko ay 'yung leg mo. Ang bastos kasing sabihin ng legs kaya nakasanayan kong melody ang itawag doon. Pero, Nathalie! Anong sinabi mo?!"
"'Wag mo nga akong tignan ng ganyan! Nakakainis ka! P - Paborito ko kasing character 'yun e." Napataklob ako ng mukha. Nakakahiya! Ano ba 'yung pinagsasasabi ko?