Time Five: New Nathalie
Bakit ba kasi gusto niyang siya ang masusunod?! Nakakainis na gwapong bakla siya!
"Para naman sa ating dalawa 'yon. Parehas tayong makikinabang, lalo ka na." Nye nye. Mukha niya! Siya lang naman ang may gusto hindi ako!
"Hoy, Nathalie! Bumaba ka nga dito! Hindi ka si Sleeping Beauty para magising ng dahil sa prince charming mo! 'Wag kang maniginip na gising!" Napatigil ako sa pagdradrama ng biglang sumigaw si Cesca.
Siguradong uutusan na naman ako no'n.
Tumayo ako at inayos 'yung kama.
Sinuot ko ang tsinelas kong konting kembot na lang ay mapipigtal na.
Mapapagtiyagaan pa naman kaya hindi ako nagrereklamo kay lola. Ipangbibili ko na lang iyon ng kailangan ko sa eskwelahan.
Ginawa ko na ang dapat kong gawin at bumaba na.
"Good Morning Lola, good morning Cesca!" Nginitian ako ni Lola samantalang si Cesca ay inismidan ako at tumuro sa bandang pintuan.
"ZACHARY?!"
"Yes, my baby?" Sabi niya sa akin ng may kasamang kindat.
Nakasuot siya ng kulay blue na polo shirt at jeans.
Literal na nalaglag ang panga ko. Sana lalaki na lang ulit siya.
"A-Anong ginagawa mo dito?"
Lumapit siya sa akin at inabutan ng tatlong pulang rosas.
"Sinusundo ka. 'Di ba may usapan tayo, baby?" Waaa! Zachary naman. Pwede bang itigil mo na ang pagpapagilig sa akin?
Maghunos-dili ka nga, Nathalie! Chenelyn 'yang nasa harap mo 'no!
"H-Ha? Hehe. Oo nga pala 'no? Maupo ka muna."
"'Wag na. Lalabas na muna ulit ako. 9:30 pa lang naman 'di ba? Doon na lang ako sa loob ng kotse maghihintay." Sabi niya sabay beso sa akin.
"S-Sige." Sambit ko at tumalikod na siya sa akin.
Napahawak ako sa pisngi ko. Bakit ba ako nagwagwapuhan sa mokong na 'yon?
Nathalie! Hindi na siya ganap na lalaki! 'Wag ka ngang mag-isip ng kung ano diyan.
"Ehem.."
"A-Ay palakang tinubuan ng mukha!"
"Sino naman ang gwapong nilalang na iyon, apo?" Tanong ni Lola sabay sundot sa tagiliran ko.
"La naman, kaibigan ko lang po 'yon. Si Zachary lang po 'yon."
"Sus ang apo ko. 'Wag ng maglihim kay Lola. Manliligaw mo ba iyon?" Sabi ni Lola. Kung may iniinom lang sana ako, naibuga ko 'yon.
Bakla, manliligaw?
"Hindi po talaga, La. Kaibigan ko lang po siya." Nakangiti kong sabi.
Teka, himala at hindi lumabas ng bahay si Lola?
"E bakit may mga bulakla--"
"Maliligo pa po ako!" Sigaw ko habang tumatakbo paakyat sa hagdan at makapaligo na.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Lola kung naituloy niya 'yung sasabihin niya.
Hindi naman pwedeng sabihin kong palabas lang 'yon dahil pusong babae si Zachary 'di ba? Hindi naman pwede 'yon.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako.
Napaupo ako sa sahig. Itong damit ko lumang-luma na. Pabitin na nga ito at iba na ang kulay. Dating itim, kulay putik na. Tss.
