Time 7: Second Travel?

25 0 0
                                    

Time Seven: Second Travel?

"Ano bang kailangan mo? Bak-" Bigla niyang ibinato sa akin ang leather jacket niya.

"Alam mo bang muntikan na akong makulong?"

"H - Ha? Ano? Bakit?"

"Muntikan ko na rin kasing napatay 'yung kapitbahay ko masyadong maingay?"

"A, Gano'n ba? Mabuti na lang lagi akong naka-silent mode. He-he. Para saan ba 'tong jacket na 'to?"

"Malamig sa pupuntahan natin. Kailangan mo niyan." Sumakay na siya sa black na motor niya. "Aba'y sakay na!"

"Ay! Oo nga pala. Oo sasakay na ako."

Napahawak ako sa kanya.
"Nathalie, bitaw"

"E baka malaglag ako!"

"Wala akong pakialam. Bahala ka nang dumiskarte, basta 'wag kang hahawak sa akin. Sisikuhin kita lalo nang mahulog ka!" Aba bwiset na 'to! Pahihirapan pa ako.

"Oo na! Oo na!" Lord, sana tumagal pa ang buhay ko. 'Wag niyo po akong pabayaan. Kung may kasalanan man po ako, sorry po. Sorry po talaga. May mga pangarap pa po ako.

Humawak ako sa dulong part nung motor niya. "Ay! Pusang pinalaman sa malamig na siopao!"

Hinarurot pa lalo niya. "Maawa ka naman Bryle!"

"Don't shout, okay? Nakakabingi ka."

"Ay pichapay!" Sigaw ko dahil bigla niyang prineno at tumama sa helmet niya 'yung noo ko.

"May dugo!" bulyaw ko.

Hinawakan naman niya 'yung mukha ko. "Hindi kasi nag-iingat e! Tch."

"Ayaw mo kasing.." *sniff*

"Hay! 'Wag ka na ngang umiyak! Tama na. Baka isipin pa nilang pinaiyak kita."

"Ikaw naman talaga ang may kasalanan!"

"Oo na!" May kinuha siya sa bulsa niya. Dinikit niya 'yon sa noo ko.

"Masakit pa rin ba?" Tanong niya.

"Medyo."

Hinila na niya ako sa braso. "Tutugtog ako. Diyan ka lang ha." Ibinato niya 'yung gamit niya sa akin pati cellphone.

Bar pala 'to. Ngayon lang ako nakapunta dito a. Medyo malamig nga.

Umupo muna ako sa isa sa mga upuan. Inalis ko na din muna 'yung heels ko.

♪"My eyes are no good, blind without her
The way she moves,
I never doubt her
When she talks, she somehow creeps into my dreams
She's a doll, a catch, a winner
I'm in love and no beginner
Could ever grasp or understand just what she means

Napatingin ako sa kanya. Si Bryle nga ang kumakanta. Ang galing niya.

Baby, baby blue eyes
Stay with me by my side
'Til the mornin', through the night
Well baby
Stand here, holdin' my sides
Close your baby blue eyes
Every moment feels right
And I may feel like a fool
But I'm the only one, dancin' with you
Oh oh oh oh

I drive her home when she can't stand
I like to think I'm a better man
For not lettin' her do what she's been, known to do
She wears heels and she always falls
Don't let her think she's a know-it-all
But whatever she does wrong, it seems so right
My eyes don't believe her
But my heart, swears by her

Baby, baby blue eyes
Stay with me by my side
'Til the mornin', through the night (can't get you out of my mind)
Well baby
Stand here, holdin' my sides
Close your baby blue eyes
Every moment feels right
And I may feel like a fool
But I'm the only one, dancin' with you
Oh oh oh oh

I swear, I've been there
I swear, I've done that
I'll do whatever it takes, to see those

Baby, baby blue eyes
Stay with me by my side
'Til the mornin', through the night (can't get you out of my mind)
Baby, stand here, holdin' my sides
Close your baby blue eyes
Every moment feels right
And I may feel like a fool
But I'm the only one, dancin' with those

Baby, baby blue eyes,
Stay with me by my side,
'Til the mornin', through the night.(can't get you out of my mind)
Baby, stand here, holdin' my sides
I'm closin' your eyes,
Every moment feels right (every moment feels right)

Ang ganda ng boses niya napakalamig.

Kung hindi ko kilala ang isang 'to, posibleng i-admire ko pa ang talento niya.

My eyes are no good, blind without her
The way she moves, I never doubt her
When she talks, she somehow creeps into my dreams.." ♪

"Moreeee!" Sigaw nung babae sa 'di kalayuan.

"Go, Baby!" Sigaw pa nung isa. Gross.

"May next time pa naman mga babies. Don't worry. Just enjoy the night! Bye!" Umalis na siya sa stage.

"I love you, Bryle Mendoza!" Sigaw pa nung isa.

Bumalik naman si Bryle at lumapit sa mic. "I love you too!"

"AAAAH!"

"Oh my G!"

Kumindat pa siya kaya lalong nagwala ang mga babae at mga churvanes. Napairap na lang ako.

"O, tara na?" Bigla niya akong hinila patayo.

Kinuha ko naman 'yung sapatos ko at sinuot ko ulit. "Tapos ka na sa pagpapa-cute sa madla?" Tanong ko. "Tsaka bakit mo ba ako dinala rito?"

"Para ipaalam sa'yo kung gaano karami ang nagkakagusto sa akin." sambit niya sabay kindat.

"Luh siya oh! Hindi ka naman gwapo!" Tinulak ko siya.

"Psh, yabang!" Bulong ko sa sarili ko. Nauna na akong lumabas sa kanya sa bar.

"Sakay na." Sambit niya pagkasuot ng helmet.

Hinila niya 'yung kamay ko kaya napayakap ako sa kanya.

"Baka mauntog ka na naman tapos ako pa 'yung sisihin mo. 'Wag ngang umarte. Maswerte ka nga at nakakayakap ka sa akin."

"'Wag ka ding magyabang dahil hindi ka naman gwapo!" Kung hindi lang ako natatakot hindi ako didikit sa isang 'to 'no! Napakayabang!

"Saan ba kita ibaba?" Tanong niya

"Kahit diyan na lang sa may karinderya." Itinigil nga niya.

"Aba'y manliligaw mo ba 'yang kasama mo?" Tanong ni Mang Gregorio.

"Ay naku hindi po." Sinenyasan ko naman si Bryle na umalis na kaya umalis na siya.

"Uuwi na rin po ako, Aling Flor at Mang Gregorio. Ingat po kayo. Magandang gabi po."

Umalis na rin ako pagkatapos no'n.

Nilakad ko na rin dahil ilang kanto na lang. Ayoko namang magpahatid kay Bryle dahil walang tigil na sermon lang ang maririnig ko kay Cesca.

Bago pa ako makarating sa may gate ay nakita kong nakaupo doon sa labas si Blake. Nakayuko siya. "Uy, anong ginagawa mo diyan sa labas?"

Nung makita niya ako ay parang lumiwanag ang mukha niya. "Mabuti naman at dumating ka. Akala ko kung napaano ka na e. Saan ka ba galing?" Ay oo nga pala! May usapan kami ni Blake!

"O.A mo naman! Diyan lang ako sa tabi-tabi. Tara na?" pumasok na kami sa bahay.

Mabuti na lang at tulog sina Lola at Cesca.

"May pupuntahan tayo."

"Ha? Saan naman?" Hinawakan niya ako sa kamay.

"Close your eyes."

Time TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon