Time Thirteen: Getting Weird
Hindi siya bumaba pero bigla niya akong hinila kaya napasakay ako bigla sa motor niya. "Ano bang problema mo?"
"I want to be free. I want to do whatever I want." mahina niyang sabi.
Sinuot niyang muli ang helmet niya at pinaandar na niyang muli ang motor niya. "Teka, saan tayo pupunta?" tanong ko pero hindi siya nagsalita.
Bigla niya itong itinigil sa isang bakanteng lote. Bumaba kami pero nauna siyang umupo. Ginulo din niya ang buhok niya. Nilapitan ko siya. "Bakit ba mukha kang problemado?"
"Gusto nila akong pumunta sa America at doon na magtapos ng pag-aaral." sagot niya at saka kinuha ang isang bato sa gilid niya.
Napatawa ako. Laki ng problema niya a? "Anong masama do'n? Maganda nga sa America, magandang mga gusali at--"
Bigla niyang binato sa may motor niya 'yung nakuha niyang bato kanina. "E anong maganda do'n? Kailangan ko na daw ma-engage do'n kaagad." tinignan niya ako. "Ngayon, sabihin mo nga. Anong maganda sa America kung wal-Walang chicks? Wala din akong masyadong kakilala doon!" hinawakan niya ako sa balikat. "Kaya kailangan ko ng tulong mo."
Napangiwi ako. "Ay shunga?" hindi ko na napigilang mapatawa. "Anong tulong? Wala ka ngang laban sa magulang mo, ako pa kaya? Psh."
"Ikaw dyan ang shunga!" pabulong niyang sabi pero nakinig ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. "O, e'di ikaw na. Sige, alis na ako."
Tumayo ako pero tumayo rin siya. "What? Wait! Sandali naman." natawa ulit ako dahil sa hitsura niya. Gano'n na ba siya mabahala?
Bigla akong napaisip. Baka naman-Teka! Ayoko! "Hoy, lilinawin ko lang. Tapos na ang kasunduan natin at dapat nga hindi na tayo nagpapansinan. 'Wag mong sabihing--"
"Yes, ikaw dapat. Alam kong ikaw lang naman ang pwedeng magpanggap e. Kailangan lang nating maging engage sa lalong madali panahon." sambit niya.
"Aba teka. Maka-lalong madaling panahon ka dyan a. E sino bang baliw ang papayag magpa-engage sa isang katulad mo? Mayabang na--"
"At gwapo pa, alam ko. Kaya dali na, tulungan mo ako. Ipapakasal ako sa mas matanda sa akin. Hindi ka ba naaawa?"
"E ikaw? Hindi ka naaawa sa akin e bigla bigla kang nagsasabi ng ganyan bagay? Hindi mo ba alam na may pangarap pa ako sa buhay? Tapos bigla na lang akong ma-eengage sa isang katulad mo?! Ayoko! Mag-isip ka pa ng ibang paraan at 'wag ako ang lapitan mo." kunot-noo kong sabi.
"Sht naman." mahina niyang bulong.
"Sht mo mukha mo! Grabe ka magsalita a. Humihingi ka na nga lang ng pabor, ganyan ka pa."
"Psh, pabebe." nagpanting ang tainga ko. Naiinis ako sa salitang 'yun at ngayon lang may tumawag sa akin ng gano'n. Hindi ako pabebe. Sino bang matutuwa na bigla ka na lang sasabihan na kailangang ma-engage? Samantalang hindi pa nga ako nakakapag-boyfriend dahil gusto ko munang magtapos tapos engage kaagad? Bwisit na salita 'yan. Nakakainit ng ulo.
Hindi na lang ako nagsalita at tumayo na lang ako. Tinawag niya ako sa pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon. Inaantok na rin ako kaya tinatamad na akong makipagplastikan sa nilalang na iyon. Simula pa lang talaga, alam ko ng hindi kami magkakasundo. Napakayabang. Hindi man lang babaan ang pride.
Nang makalayo na ako, narinig ko ang paglapit ng motor niya at pagtigil nito sa gilid ko. "Ihahatid na kita."
"Malapit na ang bahay ko. Ayokong 'yan pa ang maging kapalit sa engagement. Kaya ko na ang sarili ko. Umalis ka na." naglakad na ulit ako pero napatigil ako ng iharang niya 'yung motor niya sa harap ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/37292743-288-k877046.jpg)