Time Twelve : I need you
Blake's POV
Bumalik ako sa nakaraan at hinanap siya. Naabutan ko siyang nakaupo. Nagdala na naman siya ng bagay galing sa kasalukuyan. Psh.
"Ano bang kailangan mo kay Nathalie? Bakit mo pa siya nilapitan? Ano bang gusto mo?" tanong ko sa kanya.
Tinawanan niya lang ako at nilaro ang ballpen na hawak niya. "Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ba't ikaw ang may kailangan sa kanya?"
"Huwag ka nang makialam, Athena."
"Bakit hindi ako makikialam? Sobra na 'yan Blake..."
- -
Nagulat ako nung nakita ko sina Mama at Papa sa tapat ng bahay namin. Tumakbo kaagad ako at binitawan kung ano mang dala ko. Dumating na sila. Bumalik sila para sa akin.
"Ma! Pa!" Lumingon sila at sinalubong ako ng napakatamis na mga ngiti. "Ma, sobrang na-miss ko po kayo. Ma, bakit ngayon lang po kayo?" hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan ng kumawala ang luhang kanina ko pa pinipigilang pumatak. Nandito sila. Ibigsabihin, mahal nila ako.
"Princess, na-miss ka din naming ng sobra." Sambit ni Papa. Hinaplos din niya ang buhok ko. Nakakamiss ang pakiramdam na may magulang. Nakakamiss ang mainit nilang yakap na nagpaparamdam na may kakampi ako. Na walang sinuman ang may karapatang umaway o manakit sa akin.
Kumalas sila sa pagkakayakap sa akin at hinalikan ako sa noo. Unti-unti ding binitawan nila ang kamay ko. Nginitian nila ako at alam kong malungkot na ngiti iyon. Naglakad na sila palayo at pumunta sa magkaibang direksyon. "Mama! Papa!" Mabilis akong tumakbo ngunit napatigil ako. Hindi ko alam kung sinong uunahin kong sundan. Bakit sila magkahiwalay ng pinuntahan?
Napaupo na lamang ako at niyakap ang mga tuhod ko. Naguguluhan na ako. Akala ko ba binalikan na nila ako? Bakit umalis silang muli? Bakit iniwan nila ulit ako? Bakit nangyari na naman ang lahat ng ito? Nakakapagod manglimos ng pagmamahal. Ang mas masakit, sa mismong magulang ko pa. "Bakit..."
"Nathalie! Nathalie!" nakaramdam ako ng pagtapik sa akin. "Nathalie, okay ka lang ba?"
Unti-unti ko ng naimulat ang mga mata ko. Nasa loob ako ng kwarto ko. "Bakit ka umiiyak?"
Napabangon ako bigla at napayakap kay Blake. "Nanaginip ka ba? Ano? Okay ka lang?" napahagulhol ako lalo. Panaginip na naman pala. Akala ko totoong binalikan nila ako. Siguro mas mabuti ngang hindi totoo ang lahat ng iyon. Binalikan nila ako at iniwang muli? Anong klase silang magulang? Mabuti na nga siguro na panaginip lang ang lahat. Atleast pwede pa akong umasang babalikan nila ako at hindi na sila aalis pa.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako. Napayuko na lang ako at nagpatuloy sa pag-iyak. "H - Hindi na nga siguro ako mahal ng mga magulang ko." Malungkot na saad ko.
Iniangat niya ang ulo ko at nagtama ang mga tingin namin. "Mahal ka nila. Siguro may mga dahilan sila kung bakit ka nila iniwan." Malumanay niyag komento.
Napakunot ang noo ko. "Dahilan? Ano naming dahilan? Masasabi ko naming isa akong mabuting anak. Hindi ako nagpasakit sa mga ulo nila. Pinilit kong maging masunurin sa lahat ng gusto nila."
"Alam ko. Nakikita ko din naman 'yun e. Sino bang hindi matinong anak ang mag-aaral ng mabuti kahit na iniwan siya ng sarili niyang magulang? 'Yung iba ngang anak dyan nagrerebelde kahit kumpleto pa ang pamilya nila. Intindihin mo na muna sila. Mahal mo sila 'di ba? Maghintay ka, babalikan ka nila."
Napakunot ang noo ko. Parang mas pinamukha pa niyang iniwan ako? Bigla niyang pinitik 'yung noo ko. "Aray! Bakit ba?" hiniwakan ko 'yung noo ko at sinamaan ko siya ng tingin.
"Ang drama mo masyado." Napailing siya. Hindi man lang siya magsosorry? Kainis!
Tumayo siya. Saan naman 'to pupunta? Madaling araw pa.
Muntik na akong mapasigaw nung bigla niya akong hilahin patayo. "Aray ko." Saad ko habang hawak-hawak 'yung braso ko. "Napakamapanakit mo talagang nilalang na may bahagharing buhok." Inis na saad ko.
"Sus, akin nga" Hinawakan niya 'yung braso ko at hinilot iyon. Medyo nawala naman 'yung sakit.
"Teka nga, saan ka ba dapat pupunta?"
"Tayo kamo. Dyan lang sa labas. Magpapahangin." Lumapit na siya sa may pintuan. Lumingon siya sa akin nung hindi ako sumunod. "Magpapahangin lang naman e."
Natawa ako sa hitsura niya. Parang nalugi sa kung ano. " Sige na, sige. Umuna ka na sa labas at magpapalit lang ako ng damit."
"Hindi ba pwedeng ditto na lang ako?"
"BLAKE!" Sigaw ko. Tumawa siya ng pang-asar. At itinaas ang dalawa niyang kamay. Tumango, at lumabas sa kwarto ko.
Napailing na lang ako. Binuksan ko ang cabinet ko at kumuha ng sweater. Paglabas ko ng kwarto, wala sa sala sina Lola at si Cesca. Siguro tulog na tulog na 'yun.
Napasinghap ako nung lumabas ako ng bahay. Napakalamig. Napayakap lang ako sa sarili ako at naglakad palapit kay Blake na kasalukuyang nakaupo sa semento.
Umupo ako sa tabi niya."Ano namang trip 'to? Ang lamig-lamig kaya." Komento ko.
Tumingin siya sa akin. "Sige, pumasok ka na sa loob. Malamig nga."
Siniko ko siya ng mahina. "Sus, ang drama. Biro lang naman. Baka magbigti ka dito kapag hindi kita sinamahan." Natatawa kong sabi pero hindi siya natawa kaya napatigil ako. "May problema ka ba? Ang tahimik mo kasi."
Tinignan niya ako. "Hindi ko kasi alam kung—-" napatayo ako nung may tumigil na motor sa harap naming at dali-daling tinanggal 'yung helmet niya
"Nathalie! I need your help! Please!" Nataranta ako bigla. Parang hinabol siya ng sampung libong kabayo sa itsura niya.
"B – Bakit? Ano bang kailangan kong gawin?" napatingin ako sa tabi ko pero wala na do'n si Blake.
"Kailangan kita. Dadalhin nila ako sa America. Kaya kailangan ko...."
To be continued...