Time Four: First Travel
Minulat ko ang mga mata ko. Bakit parang sobrang pagod ako? Ano bang ginawa ko? Assignment lang naman 'di ba?
"Gising ka na pala?" Nilingon ko 'yung nagsalita.
"Sino ka?"
"Nasa It--"
"Sabi ko, sino ka? Bakit nandito ka?"
"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Ikaw kaya ang pumunta dito sa mundo ko."
"Anong ibigsabihin mo? Mundo mo? Ito?" Tumayo na ako ng tuluyuan at nilapitan siya.
"Bakit ganito ang suot ko? Ano bang ginawa mo sa akin?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya habang inaalog ko siya.
Tinaas niya ang dalawa niyang kamay. "Okay, fine. I am Blake. Okay na? Bitiwan mo na ako pwede? At tsaka mundo ko 'to. Ang past at ang future."
Pinanlakihan ko siya ng mata."Bakit ganito ang suot ko? Nasaan ba ako?" Sigaw ko. Halata kasing ibang lugar 'to dahil sobrang luma ng style.
"Nasa Italy tayo. Year 1513."
"What? Paano ako nakapunta dito? Italy, 1513?"
"Nag-time travel ka." Tapos tinalikuran niya ako pero patakbo ko siyang sinundan.
"Wait, lalaking may kulay bahagharing buhok."
Nilingon niya ako ng nakakunot ang noo. "May pangalan ako, Blake. Blake Nicolo."
"Okay, okay! Tumigil ka kasi sa paglalakad."
"Ano ba kasi? May pupuntahan pa ako." Tapos tumalikod na siya ulit.
"Tulungan mo ako makabalik sa kasalukuyan. Please?"
"Oo naman." Nakangiti niyang sagot. May pagka-bipolar din pala 'tong isang 'to.
"Thanks! I am Nathalie Corrine."
Hindi na siya umimik kaya sinundan ko na lang siya.
"Blake.." Bulong ko nung makapasok kami sa isang lugar.
May lalaking nakatalikod at nagpe-paint."Si Leonardo da Vinci ba 'yon?"
"Yes. Cool right?"
"Ang galing!"
"Shh. 'Wag kang maingay. Naririnig ka niya." Mas lumapit kaming dalawa ni Blake. Pero nasa likod lang kami.
"Hindi pala siya nakakapagsalita?" Tanong ko puno nang pagtataka.
"Hindi 'no. Sadyang hindi mo lang siya naririnig." Okay. Naririnig ako ng mga tao dito sa nakaraan pero hindi ko sila naririnig? Tapos naririnig ni Blake ang tao dito pero hindi siya nakikinig? Ang gulo na nga, ang unfair pa.
"Pero bakit nakikinig mo sila?"
"Hindi ba't sinabi ko sa'yong mundo ko ito?"
"Ano? Ibigsabihin.. hindi ka tao?!"
Bigla niya akong hinawakan sa kamay."Para matahimik ka."
"Sumigaw ka." Utos niya
"Blake Nicoloooo!" Sigaw ko.
Hindi kami nilingon ni Sir Leonardo. "Paano?" Nakakapagtaka kasi hindi narinig 'yung sigaw ko.
"Powers." Bulong niya.
Hinila niya ako palabas ng lugar na 'yon tapos binitawan na niya ako. "Blake, bakit mo ako binitawan? Baka marinig nila ako."
"Sus! Gusto mo lang akong mahawakan."