Chapter 3

4.3K 66 9
                                    

"Good morning sir." Bati sakin ng empleyado ko. Aaminin kong maraming nagkakagusto sakin kahit empleyado ko sino ba naman ang hindi sakin magkakagusto aba mayaman ako, gwapo, malaki pangangatawan.

"Good morning." Nakangiting bati ko din sa empleyado ko.

"S-sir." Sigaw ng secretary ko na patakbong pumunta sa direksyon ko. Hindi ko naman inaasahang madudulas ito, pinagtinginan kami ng iba pang empleyado ko dahil sa posisyon namin.

"Seah!" Sigaw ko dito.

"S-sir s-sorry po." Saad n'ya at tumayo na. Todo hingi ito ng sorry sakin.

"Dati ka bang tanga or sadyang nagtatanga-tangahan ka?" Sermon ko sakanya.

"Sorry po, sorry talaga hindi na mauulit." Ani naman nito habang nakayuko.

"Siguraduhin mo lang dahil kong hindi papalitan kita." Sigaw ko at umalis na sa harap nito. "Argg kainis hindi nagdadahan-dahan." Bulong ko habang naglalakad.

"Boss nasa office nyo po ang mama nyo." Sambit ng bodyguard ko.

"What!? Ano naman ang ginagawa n'ya dito." Iritadong saad ko habang mabilis na naglakad patungo sa office.

"Hindi ko alam boss nagulat na nga lang kami dahil nasa office mo na ito." Wika nito.

Naabutan naming nakaupo ang ito, manenermon nanaman 'to. Bigla naman itong tumayo at akmang yayakapin ako pero umiwas ako.

"Anong ginagawa mo dito alam mo naman na wala akong oras makipagtatlo sayo ngayon." Saad ko at inayos ang nakakalat sa mesa ng office ko.

"Son gusto lang naman kitang kamustahin." Sambit nito.

"Okay lang ako kaya makakaalis ka na." Wika ko. Malaki ang galit ko sakanya dahil simula bata pa lang ako madami ng pasakit ang ginawa nila sakin, pinipilit nila ako sa hindi ko gusto.

"Son naman wala ka bang balak umuwi sa mansion?" Ani nito.

"May condo ako kaya kong mabuhay mag-isa, pwede ka nang umalis." Saad ko naman.

"Son." Sambit pa nito.

"Ang sabi ko umalis ka na madami pa akong gagawin." Sigaw ko.

Hindi na ito nagpaalam dahil alam n'yang sobrang galit ako sakanya. Hindi ko maiwasan na magalit sakanya dahil simula nang maging kami ng girlfriend ko pinahirapan na n'ya ito.

"Ah sir." Wika ng secretary ko na kakapasok pa lang.

"Kong nandito ka nanaman para bwesitin ako wag mo na ituloy baka sayo ko pa mabuhos ang galit ko." Saad ko.

"Sir, kape pinagtimpla po kita para sa nagawa ko kanina." Sambit nito at inabot sakin yong kape.

Nilingon ko naman ito at tinitigan sa mukha. Nagpapatawa ba s'ya.

"Hindi na okay lang umalis ka mona." Ani ko at ibinalik na ang tingin sa isang papel na sinusulatan ko.

"Dito ko nalang po ito para pag gusto mong inumin nandito lang kukunin mo nalang sir, sige po." Ani nito at umalis na.

"Ang weird talaga ng babae na 'yon." Bulong ko sa sarili ko.

Seah's pov

Pumunta mo na ako dito sa rooftop para magpahangin, ang sungit talaga ni sir nakakatakot kausapin.

"Pero infairness ang gwapo n'ya tapos ang cute pa magalit." Bulong ko.

"Hi!" Dinig kong sabi ng nasa likod ko.

"Hay kabayo." Sambit ko. "Grabe nakakagulat ka naman.

"Bago kang secretary ni sir diba?" Ani nito.

"Oo hehe bakit?" Wika ko at ningitian ito.

"Buti natatagalan mo kasungitan ni sir. Alam mo dati hindi s'ya ganyan simula kasi nang mamatay girlfriens n'ya ay lagi ng mainitin ulo n'ya, sinusungitan na kami pero nung nabubuhay pa si Kendra ay napakamasayahin ni sir." Sambit nito na ikinatulala ko. Si sir may girlfriend.

"Ah talaga may girlfriend si sir? Bakit daw namatay?" Ani ko. Sorry chismosa lang, pero hindi ko akalain na may girlfriend pala si sir.

"Hoy wag mong sabihin na sinabi ko sayo ah satin-satin lang to." Saad nito.

"Oo ba hindi naman ako masyadong madaldal." Wika ko naman at ngumiti.

"Pinatay kasi ang girlfriend ni sir." Sambit nito na ikinagulat ko at tahimik na nakinig. "Ginahasa ito tapos pinatay at iniwan yong katawan sa abandonadong bahay.

Nawala ako sa sarili ng marinig ang sinabi nito. Kaya pala ganun si sir.

"Sino daw ang pumatay at nangrape?sorry chismosa." Ani ko.

"Hindi namin alam eh kasi simula ngayon hindi pa nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni mam Kendra, sayang nga dahil ang bait ni mam Kendra bagay na bagay talaga sila ni sir." Wika nito.

"Ah, ngayon wala pa din balita sa pumatay kay mam Kendra?" Ani ko.

"Wala pa eh, sige balik na ako baka hinahanap na ako." Saad nito at bumaba na.

Siguro kaya ganun si sir nagsusungit dahil miss na n'ya si mam Kendra, mahal na mahal siguro ni sir yon kaya ganun nalang s'ya.

"Hayst nevermind, sayang naman talaga ang perfect siguro nila kong hindi namatay si mam Kendra sana mahuli na yong gumawa sa girlfriend ni sir para mabigyan na nang hustisya.

Naiintindihan ko si sir dahil alam kong masakit para sakanya yon, ang mawalan ng isang girlfriend ay mas masakit pa sa sugat, kahit sakin kong mangyari yon hinding hindi ko matatanggap.

Her Seductive Boss [R-18] Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon