IV

114 31 1
                                    

MORSE TEAM

~CONTINUATION

"You bitch!" Bigla niya akong sinugod at di ko alam ang gagawin kaya sinipa ko nalang siya sa tuhod at natumba siya. Ang sarap sa pakiramdam na maka ganti, sa sobrang saya ko di ko namalayan na naka tayo na sya at hinampas ng stick yung ulo ko at ayun na knock out ako.

Nagising nalang ako sa quarters namin at bumangon ako.

"Ate buti gising kana" sabi ni Diana.

"Anong nangyari?" tanong ko at sinabi naman ni Star na i got knocked out by that girl.

"Shook nakakahiya yung ginawa ko" sabi ko sabay yakap sa tuhod ko.

"Okay lang yun ate, hindi ka naman ganun ka galing kagaya nila pero masakit ba sis?" Sabi ni Diana.

"Ay hindi ansarap nga eh gusto mong ma try? Halika i try ko sayo" sabi ko sabay batok kay Diana.

"Aray! Ansakit nga" sabi niya. Ang ibang kasamahan namin sa kwarto pumunta sakin.

"Ate Nix okay kana ba?" Tanong ng isang babae at tumango naman ako.

"Ay sorry ako nga pala si Nathalie Trix Lightning, Trix for short. Nakita ko kanina yung pag hampas sayo ng babaeng yun" sabi niya.

"Kala mo kung sino" sabi ni Star. Huminga ako nang malamim bago mag salita.

"Pero teka pano ako nakarating dito, binuhat niyo bako? " tanong ko.

"Ambigat mo kaya Ate di ka namin kaya, Si kuyang Leader ng Morse team ang bumuhat at nag dala sayo rito at sya rin nag bigay ng ice bag para sa bukol mo" sabi no Diana.

"Sino?" Tanong ko ulit.

"Na alala moba kanina nung bagong dating natin dito at pinakilala ni Mr. K yung Morse team at yung matangkad, maputi at gwapo pero seryoso ang mukha na nakatayo sa tabi kanina ni Mr. K, siya yung tumulong sayo" saad ni Star. Wait, siya ba yung natitigan ko kanina.

"Ahh ganun ba" saad ko. I had to thank him for what he did pero mamaya nalang medjo masakit pa ulo ko eh.

Nag kukwentohan kaming apat nang biglang may pumasok sa kwarto namin.

"Attention ladies! Get yourself ready for our dinner" saad ng isang babaeng naka black na skirt at white na blouse at tsaka naka glasses habang may hawak na notepad. Assistant siguro ni Mr. K itong babae nato.

Pagkatapos niyang magsalita tumayo kami at inayos ang damit at buhok namin bago sumunod sa kanya. I put my messy hair into a high ponytail as i fix my clothes and follow the others. Anlayo pala nang dining room sa quarters namin.

We stopped at the front of a huge brown door and after a few seconds it opened. Pumasok na si Ms. Glasses— yan nalang tawag ko sa kanya diko alam name niya eh. Pagkapasok namin lahat sila kanina ay naka upo na sa harap ng lamesa.

Lahat sila ay napalingon sa'min lalo na sakin at nakita kung nakatingin Si suplada girl sakin habang naka taas yung kilay at mukhang pinapatay niya ako sa mga tingin.

Nang naka upo na kmi bigla nalang siyang nag salita.

"How's your head birdie, does it hurt? Or does it made you realize you just don't belong here." Sabi niya sabay tawa.

"Sabrina that's enough" sabi ni Mr. K. So Sabrina pala name nang gaga.

"Pasensya napo Mr. K" sabi niya at tumahimik.

Habang sineserve yung  pagkain napa tingin ako sa katabi ni Sabrina na si Mr. Idontknow at i looked away when he looked at me back. Shocks bat naka tingin siya gusto niya bako?

Huy Code umayos ka, malamang titingin yung tao sayo kasi may mata eh tsk ano kaba. I snapped out nung siniko ako ni Diana.

"Ate natutulala ka na naman, sino ba yang iniisip mo?" saad ni Diana.

"Wala, o sya kumain nanga tayo, lalamig na yung pagkain" sabi ko sabay subo ng green peas at tsaka kagat sa fried chicken.

Tahimik lang akong kumakain nang bigla akong tinawag ni Mr. K.

"Your training hasn't been started yet but you showed some confidence, let's see if you'll do better on the actual training. Impressive Phoenix" He said and smiled, Sabrina rolled her eyes.

Ewan ko ba bat ansama ng pakikitungo ni Sabrina sakin, eh kakarating lang namin kanina eh ano bang atraso ko sa kanya. Sya nga 'tong nagsimula nang away kanina tapos sya pa magagalit hayst.

Di ko namalayan na madami na pala yung nakain ko at muntik ko nang maubos yung naka serve na pasta.

"Mukhang gutom na gutom ka Nix ah" sabi ni Star.

"Medjo and isa pa ansarap ng pagkain eh" bulong ko sa kanya.

"Tomorrow morning, the new comers will be provided the org uniforms. Your uniforms were already at your respective rooms. Everyone is dismissed" Sabi ni Mr. K at nagsitayuan na sila at syempre ako inubos ko muna yung juice bago tumayo.

"Kabisado moba ate yung papuntang room natin?" Sabi ni Diana at Trix.

"Syempre naman." saad ko habang nag lalakad pabalik room.

Each of our bed had a pile of folded clothes with our names on it.

"Naks ang ganda naman nito" sabi ko habang tiningnan yung damit.

Stretchable yung tela ng pants at kulay itim ito. Yung pang itaas naman ay kulay black na may white linen design at tsaka mayroong din pares ng training boots. Ang cool naman ng uniforms namin.

Nilagay ko yung damit sa bedside table ko at umakyat na sa kama at tsaka natulog. Natulog kami nang sabay and the light automatically turned off.

~THE NEXT DAY~

Nagising ako ng maaga at tiningnan ko yung mga kasama kung tulog pa. Inuna kung ginising si Diana at sunod sina Star at Trix. Pagka gising nila, ginising nadin namin yung iba.

Tumingin ako sa wall clock and it's already 4:40 at mayroon na lamang kaming 20 minutes upang mag ready.
Dali dali akong naghilamos at nagbihis. After that, at exactly 5 am, the door flew open.

"Good morning ladies" Bati ni Mr. K

"Good morning Mr. K" bati namin ng sabay.

"Please follow me" He said as he walked out.

Ako yung unang lumakad at sumunod naman silang lahat.

Pumasok kami sa isang malaking room which i can tell na training room ito, there's a large rubber mat at the center which i think is the arena.

"The most important thing is that you should know how to fight. During missions, we can't avoid getting into a fight and of course defense is important." Sabi ni Mr. K

"When the training begins, we will see who had the potential to proceed on the next level. This training will last for a month and we will know who among you will be terminated" saad pa niya.

Maya maya dumating na ang Morse team at tsaka yung ibang members na nasa hard level na.

"As i told you, Morse Team will be the one who'll train you. Today's training is martial arts, Sabrina and Morse will be your teacher" Sabi niya.




























~SEE YOU IN THE NEXT CHAPTER

•H. J. A𖤍

Don't forget to Like and Vote!

Morse meets CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon