Namamaga ang aking mga mata ng magising ako, mabigat din ang pakiramdam dahil siguro sa iyak ko kagabi.
"You're up?" Brent said while fixing his hair, halatang puyat ito dahil sya na din ang nag ayos ng mga gamit ko.
"Yeah, and I have a minor problem" I said habang nag huhukay ng gamit sa aking bag, "aware ka naman siguro na ako nag ayos ng mga gamit mo dyan no? Maka hukay ka ng damit mo kasi parang walang utang na loob" sabi nya habang naka pamewang sa gilid ko. Blah blah blah, the nagging Brent is back.
"Naiwan ko nga kasi siguro yung uniform ko. Diba wala na tayong time na umuwi ngayon?" I said at napasalampak na lang sa sahig dahil napagod ako kakahanap ng aking uniform.
"Baka meron si Khiera, go and wash up first I'll ask her downstairs, kukuha na din ako ng sandwich" he said and leave. Pumasok na lang ako sa cr at nag dala na lang ng bathrobe dahil wala nga akong uniform at sana naman ay merong extra si Khiera.
Nang makabalik si Brent ay may dala itong uniform, pareho lang din naman yung uniform namin dahil same course lang naman kami ni Khiera, nang isuot ko na ito ay masyadong masikip sa akin dahil petite si Khiera at medyo malaki ako sa kaniya kaya medyo awkward sa blouse part.
Ng lumabas ako ulit sa cr ay nakasimangot naman si Brent. "Here, use my jacket" he said and throw his jacket towards me, buti na lang at nasalo ko ito.
Napag pasyahan kong bumaba na lang at pumunta sa dining room dahil nagluluto pa lang daw si Kuya Hiro, time check it's already 3:30am we only have 30 mins left at aalis na kami dahil 10am ay start na ng klase namin so we need to be early dahil 5hrs yung byahe.
"Buti naman kasya?" Sabi ni Khiera na halatang nanunukso ito kaya mahina kong hinila ang kaniyang buhok na siyang ikinatawa naman nito.
"Hiro! Malapit na finals natin, pano pala yung laro natin next week?" Sabi ni Kuya Miguel.
"Pass na muna ako, gusto kong makapag tapos hahahahhaha" sabi ni kuya hiro habang naghahanda na ng pagkain.
Nakatapos na kaming kumain at pumunta na kami agad sa sasakyan, the boys took responsibility for checking out and we took over in collecting our payments.
We have a long drive kaya nagbasa nalang ako ng aking reviewer, as usual magkatabi kami ni Brent na nag rereview din kaya tinuturuan ko din sya pag may mga topics sya na hindi na iintindihan.
We took a short stop over and go for a ride again, ng makarating kami sa school ay doon ko lang na realize na reviewer nga lang talaga yung dala ko at hindi yung mga libro ko kaya napahilamos na lang ako sa frustration.
"Brent may gamit kang dala?" Tanong ko na ikinalingon nilang lahat, "Oo naman bakit?" Sagot niya. Tumawa na din naman yung iba dahil napairap ako.
"Wala kang dala no?" Panunukso ni Kuya Hiro kaya nilagpasan ko nalang sila at nauna nang pumasok sa school.
"Kahit ballpen wala!" Mahina kong sabi sa aking sarili. Ng makapasok ako sa classroom ay tahimik ito, lahat sila ay nag aaral at busy sa pag babasa ng aming libro.
Ganito ang atmosphere dito tuwing malapit na ang finals, kaya umupo na lang din ako sa aking upuan at binabasa ang aking reviewer.
I just borrowed ballpen and asked for some paper to my classmates, I only have small backpack in me na cellphone at wallet lang ang laman.
My day goes as usual I study, eat my lunch at the library, reading books and that's it, hindi ko na din ginulo pa sina Khiera dahil alam kong busy na ito sa finals. Taxation, one of my favorite subject but I hate studying this dahil ang daming dapat kakabisadohin at masyadong time consuming kapag talagang inaral mo.
Nasa hallway pa lang ako at bitbit ko ang hiniram na libro sa library, I feel so dizzy and my body feels so heavy pero ipinag walang bahala ko ito dahil baka sa byahe lang to kanina.
I need to study kaya ayaw kong isipin na mabigat ang aking pakiramdam, I maybe have no parents to pressure me from my studies but I have a pride that I need to prove others wrong, I have a goal to achieve and lastly I still have my grandparents to make them proud.
Nakayuko lang ako habang naglalakad at tumatagaktak ang malamig na pawis sa aking noo ngunit ipinag walang bahala ko lang ito.
Ng malapit na ako sa classroom ay may humablot ng aking libro, "mabagal ka pala mag lakad?" Ng lingunin ko ito ay si Elicton ang nag sasalita habang hawak hawak na nito ang aking mga libro.
"Ngayon lang to and please, I don't have time to play around with you madami pa akong dapat aralin." Sabi ko na pilit kunin ang aking mga libro. "Ako na mag dadala sa upuan mo" sabi nya at naunang pumasok sa classroom kaya sumunod na lang ako.
Tahimik naman kami nag aaral ng aming notes at nakikinig sa aming prof not until nagkaroon kami ng surprise quiz. "U-um Elicton!" Mahina kong tawag sa kaniya at lumingon naman ito, medyo nagulat nga lang ako dahil masyado itong seryoso.
"Ano? Teka lang nawala na ako sa binabasa ko" bulong niya pabalik kaya napatawa na lang ako ng mahina buti at hindi naka tingin samin ang aming prof.
"Can you lend me some paper? Wala kasi akong dalang gamit eh" I said at dali dali naman syang kumuha ng papel at bumalik sa pag babasa, buti na lang at nag advance reading ako bago kami umalis kaya medyo kampante ako ngayon.
The quiz started and it was not just a simple quiz dahil parang pang finals ang questions at context ng quiz, kaya halos lahat kami ay kinakabahan sa magiging outcome.
Halfway of taking our quiz and my eyes became blurry, my head feels so heavy but I need to focus and finish this first dahil malaki ang impact nito sa grades ko if I fail this quiz.
"Are you okay? Namumutla ka" mahinang bulong ni Elicton at hindi ito lumilingon sa akin dahil baka makita kami ng prof.
"I'm okay, don't mind me" I said at pilit sinasagutan ng maayos ang aking papel.
After how many minutes I saw a drop of blood on my paper at irita akong pinunasan ang aking papel and keep on answering dahil mauubusan ako ng time, wait? Did I just say blood? I checked my nose and it's bleeding, I want to panic and tell my Prof to excuse me but knowing who my prof was, I won't ask to excuse myself dahil masyado itong strict.
Pinunasan ko nalang ang aking ilong, madami pa akong kailangang sagutan at makakapaghintay naman ito siguro. I can't focus dahil tumutulo pa din ito, inilugay ko nalang ang aking buhok sapat na para walang may maka kita sa aking mukha, I finished my quiz but I can't lift my head dahil parang ang bigat nito.
It has a faint blood stains on my paper but the words are still readable kaya sana kunin ito ng teacher namin. Our class president collected our papers but I remained my hair down not letting them to see my face but later on I realized that they will also collect my paper full of blood stains so there's no point of doing this. I didn't realized that our class president is in front of me and reaching my test paper so I let her took my paper and as I expected there's a shocked expression all over her face.
Napalingon din ang lahat kong classmates pati na din ang aming prof, si Elicton naman ay hinawi nito ang aking buhok at inangat ang aking ulo sa pagka yuko.
"Why didn't you tell me na dumudugo yang ilong mo?!" He said while checking on me.
"I cannot afford to miss this quiz" I said and fixing my things. I was about to get up and go to the clinic because my head is goddamn aching but when I stood up I felt extra dizzy and was about to fall when Elicton catch me.
All I can feel is that he's rushing me to the clinic.
Why is it always you?
BINABASA MO ANG
Running away through destiny (Montelleano Series #1)
FanficA lady torn between her love and her duty. She has found someone she truly loves, but she is terrified to enter the stage of being in love in the midst of her crazy existence. All she had left in her thoughts was to flee, but she was stopped from...