two

1.2K 28 0
                                    

-*- 

"Good morning my precious children!" sigaw ni mommy habang sumasayaw sayaw na parang babaeng inlove.

Nasaan na yung pancake ko?

"Kumain na kayo ng marami mga anak ko." sabi ni mommy ng nakangiti. Hinalikan nito ang forehead namin ni kuya at saka umupo sa harapan namin. 

Hindi ko gusto ang feeling na ganito. Fishy fishy! Feeling ko may mali dito. 

Siniko ko si kuya kaya napatingin ito sa'kin. Ngumuso ako sa direksyon kung saan nakaupo si mommy. "Anong nangyayari?" bulong ko dito. Pero hindi ako pinansin huhu.

Pinagpatuloy ko na lang ang pag kain ko. Kinakabahan na talaga ako. Sana hindi maalala ni mommy yung tungkol sa ginawa namin ni kuya kaninang madaling araw.

"Hi mommy, good morning." bati ni daddy. Hinalikan nito ang cheeks ni mommy. 

Umupo sa tabi ni mommy si daddy at kumuha ng tinapay. 

"Oh? Bakit walang nagsasalita sa inyo?" nagtatakang tanong ni daddy. Usually kasi, kapag breakfast, nag-aaway or nagsasagutan kami ni kuya. Pero iba ang sitwasyon ngayon. Buti na lang at hindi nang-aaway si kuya kundi, baka paalisin na talaga kami ng tuluyan ni mommy dito sa bahay.

"Naayos nyo na ba yung mga gamit nyo?" tanong ni mommy. Malambing ang boses nito at nakangiti sa harapan namin.

Napatingin ako kay daddy. Napalunok ito at napatingin naman kay mommy.

"May kausap pa ba ako?" tanong ulit ni mommy. Medyo nanlalaki na ang mata nito pero nakangiti pa rin. Creepy.

"Mommy, hindi ba pwedeng i-cancel mo na lang yang plano mo? Hindi mo ba sila mamimiss kung aalis sila dito?" tanong ni daddy.

Pinanlakihan ng mata ni mommy si daddy. "Gusto mo bang ikaw na lang yung paalisin ko dito daddy?" sagot nito.

Napatingin sa amin si daddy. "Oo nga naman mga anak. Nakapag-ayos na ba kayo ng mga gamit nyo?" sabi nito sabay kagat sa sandwich nya.

Napabuntong hininga na lang ako. Masyadong under ni mommy si daddy. Wala na kaming choice ni kuya. Wala na akong choice. Kung hindi kami aalis ni kuya, baka hindi na ibalik ni mommy yung credit cards ko. Pero kung aalis naman kami, mapupunta kami si puder ni tita Kim. 

Ayokong mangyari yun! I heard that she's a sadist. Baka mapatay nya kami ng wala sa oras ni kuya. We're too young to die!

Kailangan kong mag-isip ng plano para maka-survive.

"Mommy, why are you doing this to us?" tanong ko na parang nagmamaka-awa. Ito na lang ang last option ko ngayon -- ang magmakaawa. Sana gumana. Hindi naman siguro kami matitiis ni mommy.

"Kasi.." tumayo ito at pumunta sa pagitan namin kuya. Hinawakan nito ang tenga namin ni kuya at saka piningot. "...ang kukulit nyo! Nas-stress na 'ko kakabantay sa inyo. Ang tatanda nyo na pero away pa rin kayo ng away. Ano kayo? Five years old?!" galit na galit na sabi ni mommy.

"Aray mommy! Masakit! Baka matanggal na tenga ko at wala ng magkagusto sa'kin!" sigaw ni kuya Art.

"E di mabuti." sagot ni mommy. Binitawan na nito ang mga tenga namin. "Ayusin nyo na ang mga gamit nyo. Ayoko ng makita ang pagmumukha nyo dito. Doon muna kayo sa tita nyo hanggang sa magtino kayo." sabi ni mommy at saka umalis.

Napatingin ako kay daddy. "I'm sorry anak. Wala na tayong magagawa kundi sundin ang mommy nyo." 

"Sus! Ayaw mo lang matulog sa labas ng bahay kaya ganyan ka daddy! Ayaw mo ng abstinence!" sigaw ko at padabog na umalis ng dining area.

Living With Five Gangsters [OVERLOAD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon