twelve

547 22 8
                                    


"Claire. Ilang beses ko bang dapat ituro sa'yo na nandoon ang target mo sa gitna. At hindi sa gilid." inis na wika sa akin ni R.A.

Inirapan ko lang siya at binalik ulit ang atensyon ko sa target.

Kasalukuyan akong tinuturuan ng mga 'to para humawak at umasinta gamit ang baril. Napaka hirap naman din kasi ng pinapagawa nila. Ni hindi ko lubos na inakala na ganito pala 'to kabigat. Ang akala ko ay kung ano ang bigat ng mga laruang baril ay ganoong lang din sa totoo.

Pero mali pala ako.

"Ayoko na R.A., pagod na pagod na ako." pagrereklamo ko dito. 

Kanina pa kasi kami nandito sa gitna ng tirik na tirik na araw. Mula yata alas dos ng hapon ay nandito kami sa field. E anong oras na? Alas cinco na yata pero heto pa rin kami.

Wala na yung ibang nagsasanay. Ako na lang ang naiwan dito. Siguro nasa ibang parte ng training camp ang mga iyon. Malawak ang lugar na ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sa amin 'to. Gosh!

"Bahala ka nga!" 

Inis na bumitaw si R.A. sa aking mga kamay. Nasa likod ko kasi siya para alalayan ako. 

"Teka sandali!"pigil ko rito ng maramdaman kong umalis na siya sa aking likod. Tutal nandito naman na ako, susulitin ko na.

At ano ba 'tong lalaking 'to? Yung isang hakbang niya yata ay halos takbuhin ko na. Nasabi ko na ba sa inyo na sobrang tangkad nya? 

Nakita kong lumapit ito sa isang babae na may hawak na balisong. Tumigil ako upang pagmasdan siya. 

Pinaikot ikot nito sa kanyang mga kamay ang hawak niyang patalim na para bang isang laruan lamang ito. Aba si ate! Hindi yata aware na nakakasugat iyon! Pero ang cool. Gusto ko rin matutunan yun!

Ipinulupot ni R.A. ang kanyang kamay sa bewang noong babae at saka hinapit palapit sa kanya. 

Aba ang loko! Nakipag landian pa! Hindi na nahiya. Actually, kahit saan yata siya magpunta ay may nilalandi siyang babae. Porket gwapo ay umaasta ng ganyan. Pasalamat siya yummy siya.

Nag jog pabalik dito si man whore kasama ang babaeng naglalaro ng kanyang balisong. Jusko. Hindi po ako pumapayag sa threesome! Kung iyon man ang binabalak nila!

"Claire, si Lye. Siya muna ang magtuturo sa'yo." seryosong saad ni R.A.

Ibinaling ko ang aking tingin sa babaeng pinakilala niya bilang Lye. Aba okay. Required ba talaga na kapag gangster ay matangkad tapos maganda? Halos lahat kasi ng nandito sa field ay mukhang model o artista. Hindi mo aakalain na pumapatay sila.

"Hello. Pagpasensyahan mo yong lalaki na 'yon." turo nito kay R.A. na naglalakad na palayo. "Mabait naman 'yon." nakangiting sabi niya.

Tinanguan ko ito bago kinuha ang baril na hawak ko. "Required ba talaga na mag aral ng ganito?" tukoy ko sa mga ginagawa nilang pagt-training. Kasi seryoso, batak kung batak.

"Ah, oo.." 

Nilagay nito ang balisong sa kanyang boots. Pagtapos ay kinuha naman niya ang baril mula sa likod ng kanyang pantalon.

"Well, yung iba hindi naman nagt-training. Yung iba dito ay tumatambay lang sa tuwing walang laban." saad nito habang nililinis ang hawak nitong baril gamit ang dulo ng kanyang t-shirt.

"Ah.."

Siguro kung tatantyahin ay marami rami rin ang naririto. Yung iba ay nag aaral ng paggamit ng mga patalim. Ang iba naman ay nagf-firing. Meron din nagm-mix martial arts. 

Living With Five Gangsters [OVERLOAD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon