three

832 23 3
                                    

-*-

"Friend. Una na 'ko ha? May family dinner kasi kami ngayon. Isasama sana kita kaso may gagawin ka pa." pagpapa-alam sa'kin ni Mara.

"Sige lang best. May next time pa naman." nanlulumong sagot ko rito.

Kinuha ni Mara ang bag niyang nakalagay sa loob ng locker at saka umalis. Huhu. Paano na ako nito? Ayokong maiwan dito sa school. 

Padabog kong kinuha ang mop sa tabi ng mga locker at saka dumiretso sa gym.

Doon ay sinimulan ko na ang paglilinis ng floor ng buong gymnasium. Agh! Ang lapitin ko naman ata sa malas ngayon. Huhu. Kasalanan ni Gab ang lahat. Kung hindi niya ako pinagdamit ng chicken costume kanina ay sana hindi ako malalagot kay tita principal!

--

"Hoy manok. Bumalik kana nga sa trabaho mo. Tumatakbo ang oras." pagtataray ni Gab.

Ibinato naman nito sa'kin ang basket na walang laman. Mukhang nakuha na niya ata ang mga kinita ko kanina. 

"Opo sir." sarkastikong sagot ko.

Nang makabalik na ako sa canteen ay sinimulan ko na ang pagsayaw ng chicken dance. Konti na lang naman at aabot na 'ko sa aking quota. Makakalaya na 'ko.

"Miss Sandoval! Ano nanaman 'to?!" napalingon ako sa nagsasalita at napa-iwas ng tingin. Kung tinamaan ka nga naman ng malas!

"Ahehe. Hello po." bati ko kay tita Yssa. Pinlay ko ang tugtog na chicken dance at saka sumayaw sa harapan niya. "Libre na lang po yun hehe. Bye!" sabi ko sabay talikod sa kanya.

"Hep hep!" hinawakan nito ang aking mga pakpak at saka ako hinarap. Ay jusko. Patay ka nanaman Stephanie Claire. "Anong kalokohan nanaman 'to Claire?" malungkot na saad ni tita.

"Napag-utusan lang po ako tita." nakayukong sabi ko rito.

"Sino naman ang maguutos sayo niyan?" tanong nito.

Napatingin ako sa aking paligid. Wala na palang mga estudyante sa canteen. Wala na rin si Gab. Malas naman oh!

"Si Gab po." sabi ko.

Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko. "Gab? As in Gabriel Cipriano? Dean's Lister slash Varsity natin ng Basketball?" tanong ni tita. Tumango-tango naman ako. "Oh come on Claire. He wouldn't do such a thing. May iniingatan siyang reputasyon dito sa school and blah blah." wala na akong maintindihan sa sinasabi ni tita. Ang alam ko lang, pinagtatanggol niya ang Gabo na yun. 

Kainis. Ano bang pinakain ng lalaki na yun sa tita ko. I'm the victim here, hello?

"Pero tita, kahit ganito naman ako kakulit, hindi naman po ako nagsisinungaling." pagpapaliwanag ko dito. 

Mukhang napasayang-ayon ko naman si tita sa sinabi ko. Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita. "Papalagpasin ko 'to Claire. Hindi kita isusumbong sa mommy mo. Pero I have to give you a punishment for doing this inside the school." tuloy tuloy na sabi nito.

Nakahinga naman ako ng maluwag. At least, hindi niya ito sasabihin kay mommy. So, ligtas pa rin ako.

Pero kasalanan pa rin 'to ni Gab.

-- 

Alas siyete na pero hindi pa rin ako tapos maglinis. Jusko. Bakit po kasi ang laki laki ng gymnasium namin? Kung dati ay halos matuwa ako sa laki nito pero ngayon, halos nagsisisi na ako.

Hindi naman ako pwedeng tumakas sa trabaho. May mga cctv na nakakalat sa bawat parte ng school. Wala akong choice kundi tapusin 'tong punishment ko.

Living With Five Gangsters [OVERLOAD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon