one

2.1K 36 6
                                    

-*-

 "Ano? Nandyan pa ba sila? Nakikita mo pa ba sila? Huy!" tapik ko dito sa kasama ko.

 "Wala na sila friend, tara labas na dyan!" sabay hila nito sakin palabas ng cr.

 Hinigit ko yung kamay ko sa kanya at saka pinagpag ang jeans ko. "Sure na o' sure ka ba talaga?" natatarantang tanong ko dito.

 "Ano ka ba! Let's go! Mal-late na tayo sa first subject natin!" sigaw nito sabay hila uli sakin.

 "Huy tekaaaaa!!"

Kinakaladlad na talaga ko ng babaeng 'to. Lumalabas na ang heart, lungs, stomach, kidney, at braincells ko! Ay mali! Wala pala kong braincells! Hihi.

 "Maghunos dili ka nga Martha Rachelyn Delos Reyes!" inis na sabi ko dito.

 "Ang mean mo talaga!" sigaw sakin ni Mara.

 "Sino ba ang nanghihila satin? Ako ba? Grabe! Nasasaktan yung wrist ko!" pagrereklamo ko dito.

 "Wow. Wrist. Big word. Tumatalino kana friend!" nakangiting sabi nito sakin.

Binatukan ko ito sa pamamagitan ng isang kamay kong hindi niya hawak hawak. "Ang harsh mo talaga sakin forevs!" sabi ko dito.

"That's what friends are for di baaa?"

Hindi ko ito sinagot.

"Umuoo ka! Subukan mo kong i-reject, nako nako sinasabi ko na sayo ngayon..hindi ka makakakopya sakin." pagbabanta nito sakin.

 Natawa ako sa sinabi niya. Hala sya? "Nag-aral ako. Bruha 'to."

"Ows? Ge nga, pag na-taasan mo si Gab mamaya sa quiz, bibilib na talaga ako sayo plus, ililibre pa kita. Ano, deal?" 

Binitawan nito ang kamay ko at saka humarap sakin. 

Iniabot niya sakin yung kamay niya para makipag-shakehands. "Sus! Mani lang yan sakin. Chemistry? Psh." pagyayabang ko dito.

"Ha? Anong chem? Hindi naman yan ang iq-quiz natin ngayon eh!" gulat na sabi nito.

"Ano?!" napanganga ako sa sinabi niya. Hala sya! Grabeshake! 

Habang kasalukuyan akong nag-iisip — mali, hindi pala ako nag-iisip. ..

"Really?" 

Napatigil ako sa pag-iisip at sa pagi-imagine ng kung ano ang pwede kong ina-narrate ng biglang may nagsalita sa likod ko.

Hinarap ko ito at saka nagdasal na sana hindi tama ang hinala ko. Inhale. Inhale. Wag ng mag-exhale!

 I slowly...opened my eyes and saw a smirking devil right in front of me. Natulala ang katawang lupa ko ng bigla kong pitikin nito sa noo. Grabeshake! Tulala talaga?!

 "I'll be expecting that bird brain." sabi nito at naglakad sa side ko.

 What the? "Ayun! Yun yung babaeng nagtapon ng damit namin sa gitna ng field!"

 Hala siya! Ang malas ko naman! May isang delubyo nanaman akong haharapin!

"Friend, pag hindi ako naka-attend ng first subject natin.....pakisabi kila mommy na mahal na mahal ko sila. Pakisabi na rin kay kuya na mumultuhin ko siya." Pagkasabi ko nun ay agad agad akong tumakbo paalis ng hallway. Boom boom shake! Lagot nanaman ako!

Tumakbo lang ako ng tumakbo. Hindi ko na pinansin yung mga nabangga ko. Bahala na! Mags-sorry na lang ako bukas kung maaalala ko man. 

"Promise coach! Siya yun!" Naririnig kong sigaw nila.

Living With Five Gangsters [OVERLOAD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon