five

556 12 0
                                    


"Best! May new student daw ah?" sabi ni Mara nang makalapit ito sa akin.

"Truelaloo? Walang halong biro?" tanong ko rito. E kasi naman, imposibleng magkaroon ng bagong student sa kalagitnaan ng sem. Ang alam ko bawal yun.

"Yes best! Walang halong eklabu." sagot nito. "Bakit pala wala ka kahapon?" dagdag nito habang inaayos ang kanyang upuan.

"Nagkasakit daw ako sabi ni tita Kim. Ewan ko. Hindi ko rin maalala e." Tumango naman ito.

Napahawak ako sa likod ko. Hindi ko alam kung bakit ito kumikirot. Tska, wala rin akong masyadong maalala kahapon. Ang natatandaan ko lang ay hapon na ng magising ako sa bahay nila tita Kim.

"Class. I want you all to settle down." at pagkatapos noon ay may isang lalaking naka-shades ang pumasok sa loob ng room. "Si Mr. Montevirgen ay isang transferee. Sana ay maging maayos ang pakiki-tungo niyo sa kanya." sabi ng aming prof.

After ipakilala sa amin 'yung new student ay dumiretso ito sa likod kung saan may ilang vacant seat.

"Huy." napalingon ako sa likod. Nakangiti ngayon sa akin 'iyong lalaking naka-shade. 

Napatingin naman ako sa labas. Medyo makulimlim naman pero bakit ito naka-shade? Bulag ba ito? O nasisilaw lang sa kagandahan ko? Siguro yung second.

"Sino ka?" tanong ko rito. Montevirgen lang kasi yung sabi ng prof na pangalan niya. Ang labo nun. Hindi man lang pinakilala ng maigi itong new student.

"Hindi mo ba ako nakikilala?" sinagot niya ng tanong yung tanong ko sa kanya. Akala ko mata lang ang malabo sa kanya. Pati rin pala siya. Ang labo kausap e.

"Sorry. Mababa lang kasi yung memory ng utak ko. Kaya pwede bang sabihin mo kung sino ka. Malay mo maging friends din tayo." dire-diretsong sabi ko rito. Halos lahat din naman kasi ng estudyante dito ay friendships ko. Kahit yung mga guard at janitor. 

Dahan-dahan nitong tinanggal ang shades niya. Para tuloy itong gumagawa ng commercial. Siguro artista 'to?

"Hi Chickie!" lumapad ang ngiti nito at saka inayos ang gulo gulo nitong buhok.

"Teka. Kilala kita sa mukha hindi sa pangalan." sabi ko rito habang pilit na inaalala kung sino ang lalaking ito. Sobrang makakalimutin ko. 

"Cyriel." naglahad ito ng kamay at tinanggap ko iyon. Nagshake-hands kami kasi iyon naman ang purpose non 'di ba?

Dahan dahan akong tumango. May kung anong information ang gustong mag-process sa loob ng utak ko. Hawak hawak ko pa rin ang kamay ni Cyriel ng biglang napatingin ako ng diretso sa mukha niya.

"No way!" hindi makapaniwalang sambit ko. Napabitaw ako agad sa kamay nito. "Nilibre mo ako. May nangyaring away. Hala!" 

Parang nagkaroon ng mini-flashback sa utak ko ng marealize kung sino ang lalaking kumakausap sa akin ngayon. 

"Ms. Sandoval?" pagtatawag sa atensyon ko ng prof kong terror.

"Hala ma'am! First time ko atang magets ang tinuturo niyo!" sabi ko na lang rito kahit hindi ko naman talaga naiintindihan yung mga pinagsusu-sulat niya sa board. Ngumiti naman ito at saka bumalik ulit sa pagtuturo.

"Naks best. Kailan mo pa naintindihan yung Math?" pang-aasar sa akin ni Mara. Sinimangutan ko ito. 

Oo na. Tanggap ko ng mahina na ako sa lahat. Pero I can make you happy naman. Kaya kitang pasayahin. Mag-apply na lang kaya ako bilang clown?

"Chickie!" ito nanaman po siya. Pakisabi naman sa konsensya niya na tigil-tigilan na ako. Baka matawag nanaman ang atensyon ko nitong prof namin. 

PUK! Ayan na. Nambabato na. Lord, ano po bang ginawa kong kasalanan para magkaroon ng ganitong klase na kaklase? Nakakatakot. Baka 'pag hindi na ako lumingon ay kung ano na ang maibato nito sa'kin.

Nang makita kong busy sa pagsusulat sa board itong prof kong terror na wala pang syota kaya nagtataray ay dahan dahan kong nilingon ang lalaking magiging dahilan ng ikapapahamak ko.

Teka. Kailangan ko munang huminga. Napagod akong i-narrate 'yon ng tuloy tuloy at walang period.

Nang magtama ang aming tingin ay kinindatan ako nito. So bilang ganti ay kinindatan ko rin ito. Para fair. 

"Okay. Maaga ko kayong palalabasin at may emergency meeting kami." sabi ng prof na ikinatuwa ng lahat. Sa wakas natapos na rin ang aming paghihirap.

Dali-dali kong inayos ang mga gamit ko at inilagay sa bag. Nakita ko namang sinenyasan ako ni Mara para tumingin sa likod ko.

"Sama ako." sabi ni Cyriel. Inirapan ko ito. Anong sama ka dyan? Sama ka sa buhay ko? Sus. Breezy.

"Ayoko nga. Doon ka. Shoo!" pagtataboy ko rito kahit na gusto kong sumama siya sa amin. Hihi. Mga babae talaga. 

"Nah. Sasama pa rin naman ako kahit ipagtabuyan mo ako." walang prenong sabi nito bago inilagay ang braso nito sa balikat ko. #GalawangBreezy 

"Best ano yan?" mataray na tanong ni Mara sa akin. 

"Alin best?" tanong ko naman dito. Wala naman kasi siyang specific na bagay na sinabi. Hindi naman ako manghuhula. At lalong lalo na, hindi ako matalino. Ang hilig talaga akong pahirapan nitong best friend ko.

Lumapit ito sa gilid ko at saka kinurot yung tinatago kong taba. "Naku, nawala ka lang ng isang araw ay nagkaroon kana ng boyfriend." 

"Boyfriend?" nagtatakang tanong ko rito. Sinong boyfriend? Wala namang nanliligaw sa akin.

"E anong meaning niyan?" sabi nito. Tinuro niya ang braso ni Cyriel na nakapatong sa balikat ko.

"Pati ba naman 'to nagkaroon na ng meaning?" napakunot ang noo ko. Kailangan kong i-search mamaya sa bahay kung anong kahulugan nito para hindi ako mahuli sa update.

Napahawak naman ng noo si Mara at saka hinila ako palayo kay Cyriel.

"Pahiram ng best friend ko ah?" sarkastikong sambit nito. Bakit kaya ang taray nito ngayon?

"Ibalik mo rin sa'kin yang si Chickie." nakangiting sabi ni Cyriel. Nauna na itong lumabas ng room kung kaya naman naiwan kami dito ni Mara sa loob.

"Ang harot mo!" sigaw nito. "Crush ko pa man din sana iyong bago nating kaklase pero naunahan mo na ako agad." nanlulumong sabi nito sa akin. Tinakpan nito ang kanyang mga mata at nagkunwari na umiiyak. Hashtag pabebe.

"Paano ako naging maharot e hindi ko naman siya boyfriend?" pagkasabi ko noon ay lumiwanag ang mukha nito.

"Talaga? E paano nangyari yun? Bakit parang ang close niyo?" tanong nito. 

Actually, hindi ko rin alam kung bakit ganoon siya umasta. E nung isang araw ko lang naman siyang nakilala. Hindi ko nga alam kung paano kami nagpaalam sa isa't isa. Wala na akong maalala.

"Claire." Napalingon kami. 

Nakita kong nakatayo mula sa labas ng room si Gab. Ano kayang kailangan nito?

Living With Five Gangsters [OVERLOAD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon