four

799 20 4
                                    

-*-


"Amoy ulam na ba kayo?!" sigaw ko sa harapan ng mga tao habang ibinabandera ang hawak kong fabric conditioner.

Sabado ngayon at may sinalihang fundraising event si tita Kim. Ang mga kasali dito ay nagsi-tayuan ng kanilang iba't ibang gimik para makabenta. Ang lahat na mga malilikom na pera ay didiretso sa charity para sa mga batang inabanduna ng kanilang mga magulang, at yung mga pakalat kalat dati sa daan.

"Ang galing mo pala sa ganito sis." natatawang bungad sa'kin ni kuya. Umupo ito sa tabi ko at saka nagpaypay.

"Syempre. Ako pa." sabi ko dito at saka pinagpatuloy ang aking trabaho.

"Mga people! Kung gusto nyong mag-amoy baby at fresh whole day, i-try nyo na ang aming fabric conditioner! Murang mura lang ito. Nakatulong kana, naging mabango ka pa." ngiti-ngiting sabi ko habang sumasayaw sa tugtog na nanggagaling sa kabilang tent.

May ilan ilang pumunta at tumingin. May ilan din namang bumili sa kagustuhan daw nila na mag-amoy baby.

Bakit kaya walang ganito sa course ko? Masaya pala yung ganito. Nakakapagod pero ang saya. Hihi.

"Bigyan mo nga ako ng isang dosenang fabric conditioner mo para mag-amoy baby din ako."

Napatingin ako sa nagsasalita.

"O? Anong ginagawa ng isang Gabriel Cipriano dito?" nagtatakang tanong ko dito.

"Bumibili ng fabric conditioner." kaswal na sagot nito.

"Ah." Kumuha ako ng isang dosenang fabric conditioner at nilagay sa paper bag. "One hundred twenty pesos lahat." sabi ko rito at iniabot ang paper bag.

Nilabas naman niya ang kanyang wallet at saka nagbayad ng one hundred fifty.

"Keep the change." sabi nito sabay kindat.

"Kadiri ha." sabi ko rito. Akala mo kung sinong gwapo. Yuck.

"Sige. I'll go ahead na." pagpapa-alam ni Gab. Sinuot nito ang kanyang shades at saka umalis. Joke. Gwapo pala siya. Mayabang lang.

Ano kayang ginagawa nun here at napadpad yung dito?

"Manliligaw mo?" nakangising tanong ni kuya.

"Manliligaw? Ew." inirapan ko si kuya at saka tinanggal ang sumbrero at apron ko. "Alis na muna 'ko kuya. Ikaw na muna bahala dito."

"Sige. 'Wag ka lang sa'kin papahuli. Mamaya, kasama mo na yun ah?" natatawang sabi ni kuya. Hindi ba siya nandidiri sa mga sinasabi niya?

"Whatever."

Umalis na 'ko ng tent at saka naglibot sa mga kapitbahay naming tindahan. Ang daming tao ngayon tska ang dami rin pala ng mga binibenta dito. May mga damit, sapatos, at kung ano ano pang mga bagay na parang itinitinda rin sa mga tiangge.

Habang naglalakad, may napansin akong tumatakbong tatlong lalaki. Naghahabulan ba sila? Palapit ito ng palapit sa aking direksyon.

Sa aking direksyon?

"Aray!" sigaw ko ng biglang binunggo ako ng isa sa tatlong lalaki na tumatakbo kanina. Hindi ako nito pinansin at dumiretso pa rin ito sa pagtakbo.

"Magnanakaw! Habulin niyo siya!" sigaw ng isang matandang babae na tumatakbo rin kasama nung iba pang mga lalaki.

So kung ganon, magnanakaw yung nakabunggo sa'kin? Tsk tsk!

Tumayo ako at saka pinagpag ang damit ko. Ang hayup na magnanakaw na yun! Akala mo kung sino, hindi man lang nag-sorry.

Living With Five Gangsters [OVERLOAD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon