nine

511 14 5
                                    


"Tita, promise po talaga. I'm with my friends lang po. Please don't tell this to my mommy!" nagmamaka-awang sabi ko kay tita Kim. 

Kanina niya pa ako sini-sermunan at pinag babantaan na isusumbong kila mommy. I would never allow that 'no! Mamaya ma-beastmode nanaman si mommy at kung saan nanaman ako ipatapon.

Lumapit ito sa akin at piningot ang tenga ko. "Ikaw! Ang bata bata mo pa, kung saan saan kana napapadpad. Pinag-alala mo ako." sa sinabi ni tita ay imbis na maiyak ako sa sakit ng pagka-pingot niya sa akin ay halos maiyak ako sa tuwa. Naga-alala siya sa akin. Huhu.

Nagulat yata siya sa biglang pag-iyak ko. Niyakap ko si tita. "Sana ikaw na lang mommy ko, tita. Kahit na ganito pala ako ay may nagaalala din pala sa akin." mangiyak-ngiyak na sabi ko.

Inilayo nito ang sarili niya sa akin at saka ako tinignan. "Baliw." 

"Tita hindi po ako baliw. Maganda lang po." pagtatama ko rito. 

Napahawak ako sa ulo ko ng batukan ako nito. Grabe. Lumalabas na pagka-sadista ni tita sa akin. Huhu

"Osya. Lumayas kana sa harapan ko bago pa magbago ang isip ko." iling iling na sabi nito. Shems. Totoo ngang may milagro!!

"Thank you tita!"


HELLO BITCHES!! Sobrang taas ng energy level ko ngayon na naglalakad sa hallway. Ang ganda talaga ng bagong kanta ni CL. Parang ang sarap maging bitch today!

Mga 20 times ko na ata 'tong pinakinggan simula kaninang umaga. Kahit habang naliligo ako. Hihi. 

"Yum yum yum!" masayang kanta ko. Sobrang feel ko talaga siya lalo pa't naka-earphones ako ngayon.

"Bad bitches get down on the floor!" pakiramdam ko ay sobrang makapangyarihan ko. Na tipong lahat ng makakasalubong ko sa hallway na 'to ay yuyuko para halikan ang mga paa ko.

Pero syempre hanggang sa panaginip lang 'yon. Pero dreams do come true naman sabi ng ilan sa mga disney princess na nakikita ko.

"Aray!" napahawak ako sa ulo ko. Sinong hampas lupa ang bumatok sa'kin? 

"Aware ka naman siguro na kanina ka pa pinagtitinginan ng mga kaklase natin." kontrabida talaga 'tong si Mara. 

"Bakit nanaman ba?" 

"Kung maka-kanta ka naman fren." hindi na nito tinuloy ang sinabi niya. Pero pakiramdam ko ay alam ko na ang kasunod na sasabihin niya.

"Gaano kalakas?" tanong ko rito.

"Fren nasa dulo palang ako ng hallway naririnig na kita." 

Napaface palm na lang ako. Syete. Akala ko pa man din ay sa isip ko lang ako kumakanta. Hindi ako aware! Pramis!

Pero at least famous nanaman ako. Hihi

"Hi Chickie!" masayang bungad ni Cyriel. Umupo ito sa tabi ko. Nakita ko namang sumimangot si Mara ng makita niya kaming magkatabi.

Nginitian ko lang si Cyriel. Hindi ko pa rin kasi alam kung paano ida-digest ang mga nalaman ko kagabi. As much as possible, mas maganda kung hindi muna ako sasama sa kanya o sa kahit sino sa mga katropa niya.

"Uy." kinalabit ako ni Cyriel pero hindi ko siya nililingon. Magiging pabebe muna ako. At ps. hindi pagiging snob ang tawag dito. 

"Is there something wrong?" 

LITERAL na nagulat ako at napahawak sa dibdib kong flat. Paano ba naman kasi. Biglang pumunta sa harapan ko itong si Cyriel. Sobrang lapit niya sa'kin na pakiramdam ko ay konti na lang magk-kiss na kami.

Living With Five Gangsters [OVERLOAD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon