thirteen

388 14 6
                                    


"Alam mo, hindi tayo pwede na basta bastang mamintang na lang, R.A.!"

Napahawak ako sa aking sentido bago iminulat ang aking mga mata. "A-aray."

Ang sakit sakit ng ulo ko. Ang bigat pa ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin ngayon. Shocks..

"Huwag ka munang tumayo." seryosong saad sa akin ni R.A. habang inaalalayan ako pabalik sa kama.

"Ano bang nangyayari?" tanong ko sa kanila. Napansin kong nasa maliit na kwarto kami. Nandito sila R.A., Chy, isang matandang babae, at..."Gabriel?"

Kinusot ko ang mga mata ko para tignan kung siya ba talaga ito.

"Anong ginagawa mo dito?"

Lumapit ito sa akin at saka hinawakan ang mga kamay ko. "Kamusta yung pakiramdam mo?"

"O-kay lang." shocks. Bakit ganito ka-awkward? Hindi ko siya kayang tignan. Hindi ko kinakaya yung presence niya. What's happening to me? Chos english yan!

"You know what, bahala na."

Inis na umalis si R.A. sa kwarto. Naiwan kami nila Gabriel dito. "Wala bang magpapaliwanag sa'kin kung anong nangyayari?"

Susubukan kong i-proseso lahat ng impormasyon na sasabihin niyo sa'kin. Basta ba i-kwento at i-explain nyo sa'kin ang everything because you can. Chos!

Nagulantang ang buong pagkatao ko ng biglang padabog na bumukas ang pinto ng kwarto. Shocks! Magkakasakit yata ako sa puso nito sa mga ginagawa sa'kin ng mga people dito. Kalurqui.

"Stephanie Claire!" humahangos na tumakbo papalapit sa'kin si kuya. "Shit." dagdag nito ng iniangat nya ang ulo ko.

"Chylina?! Anong ibig sabihin nito?" tanong ni kuya habang sinusuri ang mga marka sa leeg ko.

"Hoy Arturo? Hindi ako ang may gawa nyan!"

Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Jusko, sa bawat chapter na lang ba ako magtatanong kung anong nangyayari sa paligid ko?

"Magkakilala kayo?" pinilit ko ang sarili kong tumayo kahit medyo nanghihina ako.

"Kamusta ka? Okay ka lang ba? Anong nangyari? Sinong may gawa nito sa'yo?" dire-diretsong tanong ni kuya. Walang tigil. Ako yung napagod sa kanya my gulay!

Hinawakan ko ang dalawang kamay ni kuya Art na nakahawak sa magkabila kong braso. "Kuya naman, ang dami naman nung tanong mo. One only please!"

"Napag-usapan na natin 'to 'di ba, Chylina?" tumayo si kuya para harapin si Chy na nasa likod nya. "Na labas na dito si Steph. Na hindi dapat siyang masangkot sa kung ano man ang nangyayari dito!"

Galit na galit yung boses ni kuya. Ito yata yung first time na marinig ko siyang ganito. Nakakatakot. Nung una kasi akala ko mahinhin si kuya, tapos bading pa siya.

Siguro kailangan lang talaga ng konting push para ma-provoke ng ganito ka bongga si kuya.

"Hindi natin pwedeng takasan ang nakatadhana sa kanya, Arturo! Alam kong alam mo 'yan. Mangyayari ang dapat mangyari. Mas mabuti ng handa siya."

Lumapit si Chy kay kuya Art para abutin ang isang bote ng alak sa tabi nito. Binuksan niya iyon at saka tinungga. "Anong gusto mo? Na walang kalaban laban 'tong kapatid mo kung sakaling umatake sila?"

Kinuha ni kuya ang bote na hawak ni Chy at saka hinagis iyon sa may pader. "Bullshit! Inilalayo na namin siya sa kapahamakan pero kayo naman itong lapit ng lapit sa kanya!"

"E buti pa nga kami ay may ginagawang mabuti para protektahan siya. E ikaw? Hanggang ngayon pa rin ba ay hindi mo matanggap na siya ang susunod na pinuno at hindi ikaw?" matabang na saad ni Chy habang matalim na nakikipag-titigan kay kuya.

Sobrang bigat ng hangin na pumapalibot sa kwartong ito. Hindi ako makahinga. Parang ang daming bagay na dapat iproseso ng utak ko pero hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula.

Ang dami kong gustong itanong pero masyado pa akong nanghihina sa mga nangyari kanina.

Ano ba talaga ang nangyayari? Oo alam kong nakakasawa at paulit ulit na 'tong tanong ko pero hindi niyo naman siguro ako masisisi.

"Stephanie Claire, halika na." ma-awtoridad na sabi ni kuya.

Tumayo ako para kunin ang kamay ni kuya.

Pumikit ito ng mariin at saka bumuntong hininga. "Layuan nyo na ang kapatid ko. Mapapahamak lang siya kung patuloy lang siyang sasama sa inyo."

Hindi na hinintay ni kuya na sumagot si Chy. Dali-dali na lang kaming lumabas ng kwarto at umalis.

-

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana ng sasakyan.

Kanina pa kami buma-byahe ni kuya pero walang nagsasalita sa aming dalawa. Hindi ako sanay. 

Minsan kasi 'pag ganito, nag aaway na kami ni kuya -- sa kung anong station sa radyo ang patutugtugin. Sa pulitika (naks) at sa kung ano pa man ang pwedeng pag awayan.

Kaso iba ang sitwasyon ngayon.

Maraming bagay ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Marami akong questions. Pero mas pinili ko na lang na shumat-up at baka mawrong move ako kay kuya.

"Uuwi na sila daddy sa susunod na araw. Mukhang alam naman na rin niya ang nangyayari."

Tinignan ko si kuya.

Oo, naalala ko nung huli kaming nagusap. Medyo nawalan siya ng mood noong makita nya ang kwintas na binigay sa'kin ni Chy.

Gusto kong isipin na lang na baka type yon ni dad tapos naiinggit siya kasi ako meron. Tapos siya wala. E kaso mukhang may malalim na rason kung bakit siya nagreact ng ganon.

Siguro dapat ipahinga ko muna ang brain cells kong nagasgas. At ang leeg kong napagtripan. 

Sana pakinggan rin ako ni Lorde patungkol sa ambisyon kong maging action star. Hindi pa nagsisimula e feel ko ng mag-quit. 

Hindi ko pala 'to keri. Saka na siguro 'pag may stunt double na 'ko. 

Living With Five Gangsters [OVERLOAD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon