six

572 14 0
                                    


Hindi ko alam kung ilang oras akong nakakunot ang noo. Paano ba naman kasi. Halos dalawang oras na ata kaming naglalaro ng chess ni Gab. Hindi ko nga rin alam kung bakit pa ako nakikipag-laro sa kanya gayong alam ko namang matatalo lang ako.

"Checkmate." nakangising sabi nito. Nag-cross arms pa ito at halatang proud na proud sa sarili. Tsk.

"Tinawag tawag mo ako para lang dito?" hindi makapaniwalang sabi ko dito. 

Dumiretso ito ng upo at saka tinitigan ako. "Cyriel Montevirgen. Kilala mo?" 

Napatigil ako nang marinig ko ang pangalan na iyon. Hindi dahil sa kilala ko ito ay kundi para alalahanin kung sino ito.

"Lalaking nakashades?" dagdag nito. Parang nabasa naman niya ang iniisip ko. 

"Ah oo! Kaklase ko siya." sagot ko rito. Ano kayang kailangan nun kay Cyriel? 'Di kaya may hidden desire si Gab sa kanya? 

"So you've met my cousin." pagkasabi niya nito ay bahagya itong tumayo. "Mag-ingat ka." pagkatapos non ay tuluyan na itong umalis.

Teka. Ito nanaman tayo sa pagp-process ng information. Unang una sa lahat, tinawag niya ako dito para makipag-laro ng chess. Pangalawa, nagsayang ako ng halos dalawang oras para tanungin lang kung kilala ko si Cyriel at para na ring sabihin na mag-ingat ako? Para saan naman 'yun?

Siguro sa akin talaga may hidden desire itong si Gab. Gusto lang siguro ako makasama ng matagal kaya niya ako inaya sa ganito. Ito rin siguro ang naisip niyang paraan ng pagd-date. Hay. Ang talino talaga nung lalaki na iyon.

Hashtag assumera.

"There you are!" parang isang kabute na lumitaw sa harap ko si Cyriel. Naka-jeans ito ngayon at superman na t-shirt. 

"Nakita mo ba best friend ko?" tanong ko rito. Baka kasi nakita niya si Mara. Nasaan kaya ang babaeng 'yon?

"Hindi e." sagot naman nito. Inilahad niya ang kanyang kamay kung kaya naman kinuha ko ito. "Tara?" itinayo ako nito.

"Saan us?" conyo para cool.

"Sa baywalk." sagot nito bago ako hinila papunta sa parking lot. 

Nakita ko namang may kinapa itong kung ano mula sa kanyang bulsa. Nagulat na lang ako ng biglang may nag-beep na kotse malapit dito.

"Hop in." ani nito. Binuksan nito ang upuan sa tabi ng driver's seat kung kaya ay sumakay na rin ako.

Tahimik lang kami sa buong byahe. Kung kaya naman ay nagpasya na lang din muna akong umidlip. Halos wala pa kasi akong tulog kakaaral. Joke. 


"Alam mo bang favorite ko ang lugar na 'to?" sambit nito. 

Nandito na kami sa baywalk. Nakaupo kami sa may semento kung saan nakaharap ito sa karagatan. Dinama ko ang simoy ng hangin. Kaso bakit parang ang alat?

"Bakit mo pala ako dinala dito?" at bakit naman ako sumama dito kung magtatanong lang din pala ako ng ganyan sa kanya?

"Wala lang. Kailangan ko lang ng kasama ngayon." sabi nito ng hindi inaalis ang tingin sa tubig. Buti pa 'yon tinitignan niya. Ako kaya? Hashtag breezy.

"Bakit ako pa?" of all people. Bakit kailangan ako pa? Bakit si Stephanie Claire Sandoval pa? Pwede namang si Mara. Pwede naman yung janitor.

Nagkibit-balikat lang ito. 

Napatingin naman ako sa kanya. Nakapikit ang mga nito ngayon. Ang gwapo pala ng lalaking 'to. Ang late ko naman maka-realize. Ang kissable ng lips. Ang manly ng itsura. 

Bigla tuloy akong napaisip. Bakit nga ba sa dinami-dami ng pwede niyang isama ay ako pa? I mean, ano bang meron sa akin at bakit niya ako nilapitan?

Sobrang dami ng tanong na gusto kong sabihin sa kanya. Pero hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula. 

Napatingin ulit ako dito. Naalala ko. Nabanggit sa akin ni Gab na pinsan niya ito. Pero bakit kailangan kong mag-ingat dito kay Cyriel?

"Matutunaw na ako nyan." pilyong sabi nito. Bigla ko namang iniwas ang mga tingin ko rito sa labis na kahihiyan. Lech. Baka mamaya isipin pa nito na gwapong gwapo ako sa kanya.

"O 'di matunaw ka nang madagdagan ang tubig dyan." sabi ko naman dito. Pero syempre bago mangyari 'yon ay isusupot ko na agad siya at ilalagay sa freezer para tumigas. Hihi. Joke. Tama na yung isang part lang yung tumitigas. Ay.

"Are you looking at my...?" hindi na nito tinuloy ang kanyang sasabihin. Na-realize ko ring hindi na ako nakatingin sa kanya. Nandoon na sa baba. Lord, cleanse my eyes.

"As if naman 'no. Marami na 'kong nakitang ganyan!" pagmamayabang ko dito kahit sa totoo lang ay yung hotdog lang ng aso namin ang nakikita ko.

"Tuwa ka naman?" mas lalong uminit ang pisngi ko sa tanong niya. Natutuwa nga ba ako?

"Ang bastos mo!" hinampas ko ito. Yung hampas na pabebe. Lakas ng loob kong sabihin na bastos siya pero nagpapa-bastos naman ako. Ay.

"Well. You can see it pero hindi pwedeng touch. Baka manuklaw e." magpapatuklaw ako. Willing akong malason if ever.

Pabebe ko ulit 'tong hinampas bago tuluyang tumayo. Masyadong mainit ang lugar na 'yon. Kailangan ko ng hangin. Baka ma-rape ko 'yon ng wala sa oras.

Napa-iling ako. Si Mara talaga ang may kasalanan nito! Naging marumi ang utak ko dahil sa kanya. Tsk!

"Wait!" habol nito sa akin pero hindi ko pa rin ito tinitignan. Baka kasi sa iba nanaman lumanding 'yong mata ko. E di ako naman yung masabihan na bastos? 

"Ay puke!" napaawang ang labi ko sa sakit ng maramdaman kong may nakatutok na baril sa'kin. Jusko. Kumurap kurap ako para maconfirm kung baril nga talaga ito.

At tama nga! Confirmed! Baril nga. Mga five seconds din ang lumipas bago ako naka-react.

"AHHH!" sigaw ko. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. At nararamdaman ko rin na ginagapos ako. "Walangya ka talaga Cyriel!" sigaw ko ulit. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako mapapahamak.

"P utangina!" isang putok ng baril ang narinig ko mula sa di kalayuan. Gusto ko sanang silipin kung sino iyon pero hindi ako makalingon dahil sa harap at sa likod ay may nakatutok na baril sa akin.

"Claire!" boses ni Cyriel yun ah!

"Ang akala ng Cyriel na iyon ay makakaya nya kami. Pwes, nagkakamali siya." sabi ng isang matabang lalaki. Nakaitim ito na t-shirt. 

Pinagmasdan ko ito ng maigi. Nang tumalikod ito ay bigla na lang nag-register sa utak ko kung sino ang lalaking 'to.

"Omg! Ikaw yung lalaking nambugbog kay Cyriel!" sabi ko rito. May kung anong tela naman ang tumakip sa bibig ko. Lorde, help.

"Tama nga si boss. Medyo tanga ka." nakangising sabi nito.

Nag-init naman ang dugo ko sa narinig ko. Ako tanga? Sabihin nyo ng bobo ako pero hindi ako tanga! Itong baboy na 'to. 'Kala mo kung sinong payat.

"Isakay na 'yan sa van." utos nito sa mga kasama niyang lalaki na mukhang pinaglihi sa sama ng loob.

Lorde, chapter six palang o. Sa mga susunod na chapter kana bumalik. Hashtag help!!

Living With Five Gangsters [OVERLOAD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon