seven

498 16 2
                                    


Hindi ko gawaing magmura pero pwede paisa lang? "Putangina! Pakawalan niyo na kami please lang!" inis na sabi ko sa mga lalaking kumidnap sa'min.

Kung kanina ay halos mangisay na 'ko sa kakaiyak, ngayon naman ay halos lamunin na 'ko ng galit ko. Halos dalawang oras na ata kaming nandito. 

Nasa tapat ko si Cyriel na seryosong nakatitig sa'kin. Sa tabi ko ay 'yong lalaking mataba. May kausap ito ngayon sa phone.

Pinalilibutan kami ngayon ng maraming goons. Hindi ko alam kung anong pakay nito sa'min. Ayokong kainin ng takot. Baka hindi ko kayanin.

"Parating na raw si boss." ani noong isa sa mga goons. Napatingin naman ako dito.

"Sibat na muna 'ko." wika noong matabang lalaki bago tumingin sa amin. "Bantayan niyo ng maigi 'yang mga 'yan." pagkatapos noon ay ngumiti ito ng nakakaloko at saka umalis.

Binaling ko ang atensyon ko kay Cyriel na seryosong nakatingin sa akin. "Sino sila? Bakit nila tayo dinala dito?" 

Isa lang ang alam ko. Naguguluhan ako sa mga nangyayari sa akin ngayon. Sa dinami dami ng masasamang tao pa sa Earth ay ako pa ang napili na parusahan ng ganito.  Ang naging kasalanan ko lang naman ay naging pasaway ako sa magulang ko. Pero hindi naman ata sapat na basehan 'yon para ipalasap sa akin ang ganito.

I'm too young to die! Marami pa akong pangarap! At isa na doon ay maging matalino. Shems.

"Huy Cyriel!" tawag ko dito. Hindi niya ako pinapansin. Hindi ba 'to naaawa sa akin? Kung hindi lang dahil sa madumi kong utak at nakakalokong ngisi ni Cyriel ay hindi kami aabot sa ganito. Blame the hotdog.

"Kasalanan ko 'to." ani ni Cyriel habang seryoso pa ring nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon nito. Pero isa lang ang sigurado ako, galit na galit siya ngayon at natatakot ako.

"Cyriel." mahinang tawag ko sa kanya pero sapat lang para marinig niya 'to.


"Aray!!" napa-awang ako sa sakit ng maramdaman kong may humawak sa buhok ko. Inangat ko ang aking mga tingin para makita kung sino ito.

"Putangina mo Cedric! 'Wag mong sasaktan si Claire!" ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Cyriel. Pilit itong pumipigilas mula sa pagkakatali nito sa upuan. Galit na galit ito.

Napatingala ko sa taas ng biglang hablutin nung Cedric ang buhok ko. "Claire pala ang pangalan nitong bago mo?" Shems. Pakiramdam ko matatanggal na anit ko sa sakit.

"T angina naman! Bobo ka ba? Anong parte ng 'wag mo syang sasaktan ang hindi mo naiintindihan?" inis na sabi ni Cyriel dito.

Binitawan naman ni Cedric ang buhok ko at lumapit kay Cyriel. Mula sa likod nito ay nakita kong dumukot ito ng baril at itinutok sa ulo nito.

Shemay! Kung dati ay pinangarap kong maging bida sa isang action movie pero ngayon, Lord binabawi ko na po. Pakiramdam ko ay maiihi na ako nito sa takot.

"Ang yabang mo pa rin kahit kailan. Akala mo kung sinong mataas." ani Cedric. 

Napalunok ako. Tinignan ko ang mga ekspresyon ng mga goons sa paligid ko. They were all happy. Ptngina! Are they even real? 

Itinaas ni Cedric ang hawak nitong baril at ikinasa. Jusko. Nagpa-panic na ako. Hindi pa ako ready makakita ng live na patayan. 

Kinalikot ko ng maigi ang tali sa likod ko. Bahala na ang mga dyosa.  Kung papatayin lang din naman pala nila kami, e di lulubusin ko na. Mamamatay naman akong hero kung maliligtas ko si Cyriel.

Nang makaalis na ang kamay ko sa pagkakatali ay saka ko lang na-realize na medyo maluwag ito. Hay. Kahit kailan talaga ang tanga ko.

Nakita kong ibinaba ni Cedric ang baril at itinutok ulit kay Cyriel. Tumingala ako at bumuntong hininga. Oras na para maging bida bida.

Pagkatayong-pagkatayo ko ay agad kong hinila ang upuan para ihampas kay Cedric. Bumulagta ito sa sahig. Napasinghap ang mga goons na naka-palibot sa amin. 

Ang baril na hawak ni Cedric kanina ay agad kong kinuha. Iniangat ko ang ulo nito at tinutukan ng baril. "Sige! Oras na ilabas niyo yang mga baril nyo ay uulan ng dugo sa lugar na 'to!" sigaw ko sa kanila. 

Hindi ako pinapakinggan ng mga tarantado. Oo masamang magmura. Pero nandito na 'ko. Sa action movie talagang may mura. Itotodo ko na 'to. Bahala na ang mga dyosa sa akin.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa ulo nito at bumulong. "Gusto mo bang pasabugin ang ulo mo sa harapan ng mga tao mo?" Shems saan ko nakuha 'yang mga linya na yan!?

Umiling naman ito at sumigaw. "Ibaba niyo yang mga baril niyo!" 

Tapos ano ng gagawin ko? Ang alam ko may dadating na pulis sa mga ganitong eksena. Pero bakit wala sila?

Huminga ako ng malalim at saka itinutok ang baril ko sa isa sa mga goons. "Ikaw. Kalagan mo ang kaibigan ko." seryosong sabi ko rito. Ngumisi lang ito. Aba? Sinusubukan ang pasensya ko. Masampulan nga.

Binaril ko ang isang binti nito. Napahiga ito sa sahig. Hindi makapaniwalang tumingin ang mga goons sa akin. "Ano? Kakalagan niyo o isa isa ko kayong pipilayan?" buong tapang kong sinabi dito kahit halos maihi na ako sa kasalanan na nagawa ko.

Natataranta namang lumapit ang isa sa kanila. Kinalagan nito si Cyriel at nang makawala ito ay pinagsusuntok nya ang goon na nagpakawala sa kanya hanggang sa mawalan ito ng malay.

Kinuha ni Cyriel ang armalite sa kamay ng isa sa mga goons at lumapit sa akin. "Anong balak mo?" nakangising sabi nito.

"G ka ba sa takbuhan?" tanong ko rito. Hinawakan ni Cyriel ang kamay ni Cedric at saka tinalian ito.

"Mas lalo tuloy kitang naging crush." wika nito at kumindat. Ang landi talaga! "Tara?" 

"H-huh?" hindi pa tapos mag-process sa isip ko ang sinabi niya ay nagulat ako ng biglang ikutin nito ang ulo ni Cedric. Nawalan ito ng malay. At pakiramdam ko ay hindi na siya magigising.

"Don't worry. He's dead." nakangising sabi nito bago hinila ang kamay ko palabas ng building. 

Nakatanga pa rin ang isip ko. Pero agad naman itong bumalik sa realidad ng paulanan kami ng baril ng mga tauhan ni Cedric. 

"Hala! Hindi ako prepared sa ganito!" nagpa-panic na sabi ko sa kanya. As in hindi talaga. Sa PE nga hindi ko matapos ang isang lap, ito pa kaya?

"Inaya mo ako sa takbuhan e. Panindigan mo." nakangiting sabi nito. Napansin ko namang nakalayo na kami mula sa building. Agad? That fast?

Wala na rin akong narinig na putok ng baril. Napa-sigh of relief naman ako. Akala ko naman katapusan ko na kanina. Lord, bait mo talaga sa'kin. Labyu po!

"I never knew na magagawa mo 'yon." ani nito habang tinatapik ang braso ko. "Anak ka nga talaga ni Sandoval." ngayon, ginugulo naman nito ang buhok ko. Pero teka ano raw?

"Huy! Stalker ba kita?" nagtatakang tanong ko rito. Inalis ko ang kamay nitong gumugulo sa buhok ko. Kaka-rebond ko lang 'tol. Next time na lang.

Imbis na sagutin ako ni Cyriel ay nginitian lang ako nito. 

Nagsimula siyang maglakad palayo. Nang ma-realize kong balak pa ata akong iwan ng lalaki na 'to ay patakbo akong naglakad patungo sa kanya. 

"Saan ka pupunta?" nagp-panic na tanong ko rito. Ganon ba yon? After ng isang fighting scene na halos ikamatay ko na ay lalayasan ako ng loko na 'to? Wala man lang 'thank you'?

"They're here." sagot nito. Nakatingin ito sa harapan kaya napatingin na rin ako. 

Napatakip ako ng mata ng masilaw ako sa ilaw na nagmumula sa sasakyan. Bumaba ang isang lalaki at babae. Wala pang ilang segundo ay may nagsi-datingan na ring ilan pang sasakyan.

Nang makita ko ng maigi ang lalaking naglalakad patungo sa amin ay napasinghap ako.

"Akala ko namatay kana. Papadala na sana ako ng kabaong mo." sabi nito kay Cyriel.

Hinapit naman ni Cyriel ang bewang ko at saka nagsalita. "Nah. Niligtas ako nitong si Chickie." 

Nilapitan ako ng babaeng nakasuot ng leather jacket at hinila palayo kay Cyriel. Inakbayan ako nito. Gosh! Ang cool nya talaga kahit kailan!

"R.A., I think we underestimated a Sandoval." 




Living With Five Gangsters [OVERLOAD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon