ten

417 8 1
                                    


"Hija, are you okay?" tanong ni tita Kim sa akin. Marahan akong tumango bilang sagot.  "If you'll need anything, sabihan mo lang si manang. Alright?" 

Umalis na sa kwarto si tita at naiwan akong mag isa. 

Balisa pa rin ako sa mga nangyayari sa akin noong mga nakaraang araw. Aaminin ko na hindi naging madali ang lahat ng 'yon para sa akin. Para kasing sa isang iglap lang ay nagkaroon ako ng patong patong na problema.

Gusto ko ng bumalik sa dati kong buhay. Yung tahimik at payapa. Na yung tanging gulong na pinapasukan ko lang ay tungkol sa pambubully o pangttrip ng iba. Hindi yung ganito

Pakiramdam ko na sa larong ito. Ako yung hinahabol. Ako yung pinagt-tripan. Ako yung kawawa.

Napailing ako.

Alas nueve pa lang ng gabi at gising na gising pa rin ang diwa ko. Minsan kasi ay mga ganitong oras ay sleeping beauty mode na ako. 

Naalala ko nung inuwi ako ni Gab kanina dito. Pakiramdam ko ay may nakamasid sa amin. Or talagang feeler lang ako? Pero 'di ba mararamdaman mo naman yun kung may nakatingin at nakasunod sayo?

I shook all the negative thoughts away. Kung tama ba ang grammar ko ay wala na akong paki. I think I have made my point.

Binuksan ko ang laptop ko at saka chineck ang Skype. Nami-miss ko na sila mommy. Alam ko namang hindi rin nila ako matitiis. 

Pinindot ko ang call para tawagan sila. Namimiss ko na yung bratatat ni mommy sa tuwing mag aaway kami ni kuya. Yung pagiging malandi ni daddy kay mommy na sobrang nakakadiri pero sweet.

"Hi anak!" 

Bumungad sa akin ang nakangiting Mildred Sandoval a.k.a. yung mommy ko. Halatang enjoy na enjoy sila sa trip nila. Walang bakas ng wrinkles or anything! Daig pa ako. 

"Mommy miss ko na po kayo!" parang bata na sambit ko dito. E sa totoo naman. Gusto ko na silang yakapin. Gusto ko na ulit makita ang wrinkles ni mommy dahil sa akin!

"Ow. Dad tignan mo ang baby girl mo oh!" tawag ni mommy kay daddy.

Nakita kong nakatapis ng twalya si dad at halatang kakagaling lang nito mula sa bathroom. Haaay! Super pogi talaga ni daddy!

"Kamusta princess?" nakangiting bati ni daddy. Inusod nito si mommy kaya magkatabi sila ngayon. 

"Ito. Nabibitter po sa inyong dalawa." pagbibiro ko sa kanila. Pero yung biro ko medyo totoo e. Naiinggit ako kasi ang tanda na nila pero naglalandian pa rin. Feeling ko nga kung hindi ako tumawag ngayon ay may milagro nanaman silang gagawin. Or worst, baka magkaroon pa ako ng bagong kapatid na made in Japan!

"Hanggang ngayon e patay na patay pa rin sa akin ang mommy mo." nakangising sabi ni dad. Sinubsob pa nya ang mukha nya sa leeg ni mommy. Hindi ko na sure kung inaamoy pa nya iyon or iba na! Damn. Kadiri talaga!

"Hon! Ang bata!" saway naman ni mommy kay daddy. Kinurot kurot pa nya ito sa tagiliran. Haaay. Ang sweet talaga. 

"Ito naman! Pa-kiss nga!" singit ni dad bago nagnakaw ng halik kay mommy. 

Napairap na lang ako. Mukhang masasaksihan ko pa yata yung proseso ng paggawa ng baby ah? At mukhang istorbo pa ata ako sa kanila. Ew.

"Excuse me po. I'm still here!" pag eenglish ko. Oo. Nakakahawa din kasi yung mga lenggwahe nila Cyriel o ni Gab. Natututo ako sa kanila. 

"O sya. Iwan ko muna kayo. Magp-prepare lang ako ng dinner natin dad." pagpapaalam ni mommy. Tumayo ito at saka nag flying kiss sa akin.

Pagkatalikod ni mommy ay hinampas ni daddy ang pwet nito. At saka kinindatan. "Bye sexy!"

Living With Five Gangsters [OVERLOAD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon