fourteen

574 15 12
                                    

"Kabilin-bilinan ko sa'yo na ilayo mo si Claire dito, Arturo. Pero anong ginawa mo?!" galit na galit na saad ni daddy habang kinikwelyuhan si kuya.

Hinawakan ni mommy ang kamay ko.

Kakarating lang nila daddy mula sa kanilang bakasyon pero ito agad ang binungad niya sa'min. Natatakot ako. Huhu

"Ang mga tauhan mo ang umaaligid dyan kay Claire! Ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para lang ilayo siya sa kanila, dad."

Binitawan ni daddy si kuya at lumapit sa'kin.

"Kailan pa 'to Claire?" nanginginig sa galit ang boses ni daddy. Naiiyak na ako kasi hindi ko siya kinakaya. Para siyang monster na pumasok sa katawang lupa ni daddy!

Hinampas ni daddy ang armchair ng upuan ko.

Kaya naman pumunta agad sa likod ni daddy si mommy para kalmahin ito. "Dad. 'Wag mo naman masyadong pinipressure ang anak natin."

Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si daddy.

"Akin na ang cellphone ko." 

Iniabot naman ni mommy ang phone ni daddy na nakapatong sa lamesa.

"Art, tawagan mo ang mga bodyguards ni Claire." 

Agad namang lumabas ng kwarto si kuya. Habang ako dito, naiwang naguguluhan. Wait. Hindi kasi ako aware na may bodyguards ako. I mean, kailan pa?

Wala naman akong napapansin na nakabuntot sa'kin? 

"Uno." 

Tumayo si daddy mula sa kinauupuan nya at lumayo ng konti sa'min. Kasalukuyan itong nakikipag-usap sa kung sino man sa kanyang phone.

Lumapit sa'kin si mommy at hinawakan ang pisngi ko.

"Stephanie. Anong ginawa nila sa'yo?"

Bakas sa boses ni mommy ang pagka-worry nito sa'kin. Agad ko siyang niyakap at saka umiyak.

Bigla kong namiss si mommy kahit na lagi kaming nag-aaway dahil sa pagiging pasaway ko. Gusto ko ng bumalik yung dati naming routine na ganon. Hindi yung ganito na hindi ko malaman kung hanggang kailan na lang ang itatagal ko sa mundong ito.

"Shhh, honey. Did they hurt you?"

"Mommy." 

Lumayo ako mula sa pagkakayakap kay mommy at saka hinawakan ang kamay nito. "Nakidnap kami, mommy."

At tuluyan ng nag-flashback sa isip ko ang lahat ng nangyari. Mula sa pagkakakidnap, sa pagkakatanggap ng threats sa buhay ko, sa mga laban.

Isa-isa kong kinwento kay mommy ang lahat ng mga nangyari sa'kin noong mga nakaraang araw. Ewan ko pero buti na lang at naki-cooperate ang utak ko at hindi ako nito binigo. 

"Steven. Ang anak natin." 

Tumayo si mommy at saka lumapit kay daddy. "They found her."

Magsasalita na sana si daddy ng biglang pumasok si kuya. Sa likod niya ay may apat na mga lalaking may malaking katawan.

"Ano 'tong nababalitaan ko? Nakalimutan nyo na ba ang trabaho nyo rito?!" galit na sabi ni daddy. Isa-isa niya itong pinagbabatukan.

Tumabi sa'kin si kuya at saka ako inakbayan.

"'Di ba ang kabilin-bilinan ko sainyo ay bantayan nyo ng mabuti si Claire. Na sundan niyo siya palagi at 'wag na 'wag nyong aalisin ang paningin nyo sa kanya." 

"Boss, ginagawa naman po namin yung utos nyo." sagot nung isa habang nakatungo.

"P-tangina! Anong ginagawa? Bakit nakidnap ang anak ko? Bakit nalaman na nila ang whereabouts ni Claire ha?!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Living With Five Gangsters [OVERLOAD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon