𝑇𝐻𝑅𝐸𝐸

33 20 0
                                    

Dumating si Macoy na dala ang pagkain namin, hindi ko na pinansin ang pustiso sa pagkain ni Von, siguro trip niya lang talaga iyon. Kamukha nga iyon nung pustiso ni Manang Badit eh, pero baka nagkakamali lang ako.

"Kamusta kayo sa first day niyo?" masyado kasi silang tahimik hindi ako sanay. Lalo na yung isa na hindi man lang ako magawang tingnan magmula kanina, masakit ba sa mata ang ganda ko kaya ayaw niya akong sulyapan man lang. Tsk

"Ayos lang, nakabisado na namin lahat ng pasikot sikot sa school, sa tulong na din nung president ng student counsil" si Timmy siguro ang tinutukoy niya, ang babaetang iyon halata namang nagpapapansin sa mga ito.

"Ano ba mga course niyo?" tanong ko ulit, kanina pa ako pasulyap sulyap sa isa diyan pero mukhang manhid, wala man lang pakialam sa paligid niya.

"Ako mechanical" sagot ni Iverson

"Ako computer engineering" sagot naman ni Von na hindi alintana ang pustiso sa plato niya

"Im mechanical too" ngumiti pa sa amin si Franz, how sweet talaga ang lalaking ito.

"Electrical naman ako" sagot din ni Lester, halos lahat pala sila puro engineer, napahanga nila ako doon ah.

"Eh ikaw?" tanong ko kay Lennox, sa kaniya lang nakatuon ang mga mata ko kanina pa, ewan ko ba ayaw maalis ng paningin ko sa kaniya, parang may magnet na palaging hinihigop ang mga mata ko. Nag-angat ito ng mukha at salubong ang mga kilay na humarap sa akin.

"Ang ingay mo" sagot nito, imbes na mainis, ngumiti pa ako sa kaniya....sa akin na din ang atensiyon niya hehe. Mas lalong nagusot ang mukha niya ng makitang nakangiti ako.

"Madali lang namang sagutin ang tanong ko diba?" nagpapalit palit na sila ng tingin sa aming dalawa, ewan ko ba kahit sa ganitong interaction namin natutuwa na ako. Mas gusto ko pa nga kapag nagsasalubong ang mga kilay niya, lalo siyang gumagwapo.

Tumayo ito na siyang ikinagulat naming lahat, napanguso pa ako sa harapan niya, ang KJ niya talaga kahit kailan, di marunong makisama hammph.

"Damot" bulong ko habang tinutusok tusok ang lasog na lasog na hotdog na ulam ko, namula tuloy ang mukha ko ng may maalala dito.

"Civil" mahina iyon pero dinig na dinig ko pa din, saka naglakad na ito palabas. Tama ba ang narinig ko oh nag iimagine nanaman ako?

Napalingon ako kay Von ng tumawa ito ng mahina saka umiling iling.

Shet!! Hindi ako nananaginip!!! Napangiti nalang ako habang tanaw tanaw ko ang likuran at pwet niyang matambok papalayo.


*******

Gabi na nang makauwi ako dahil sa dami kong projects, ihahatid pa sana ako ni Macoy pero di ako pumayag, masyadong malayo ang bahay nila sa amin, ayoko namang abusuhin ang kabaitan nun at baka matauhan.

Nakita ko ang tricycle ni Mang Pablo kaya dali dali akong pumunta dito, pero wala si Mang Pablo ng makalapit ako, saan kaya iyon nagpunta? Wala nang ibang sasakyan dito maliban sa kaniya, kung maghihintay pa ako ng iba baka mas lalong gabihin na talaga ako.

"Ano pa hinihintay mo iha, sakay na" nagulat ako nang nasa driver seat na si Mang Pablo

"Kilan pa po kayo nandiyan?"

"Kanina pa" napansin kong nakaitim pala siya ng damit kaya di talaga siya makikita, at mas matangkad pa kasi ang tricycle niya kaysa sa kaniya kaya di na ako nagtaka. Agad akong sumakay at pinaharurot naman niya agad iyon, kahit hindi niya pa rin abot ang tapakan sa paa.

Maraming tambay sa amin kapag gabi kaya delikado talaga ang magpagabi. Pero sanay na ako, kilala ko na ang mga tambay dito at takot silang lahat kay papa, kaya wala akong pangamba sa tuwing gagabihin ako ng uwi.

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now