𝑇𝐻𝐼𝑅𝑇𝑌 𝑆𝐼𝑋

14 9 0
                                    

Alas sais ng umaga nang magpasya akong pumunta na sa kumbento. Nag-ayos ako ngayon dahil gusto kong maging presentable sa harap niya. Nagsuot ako ng pink dress at one inch na sandals. Tinakpan ko din ng make up ang malaki kong eyebags at namamagang mata. Pati na din ang mga pimples ko na nagsilabasan dahil sa pagpupuyat ko.


Hindi na fitted sa akin ang dress dahil sa laki ng ipinayat ko. Nagsuot nalang ako ng belt.


"Bulldog" pagtawag ko dito nang makitang nag-aayos siya ng lubid sa harap ng bahay nila. Lumapit ako dito.

"Iyah, happy birthday nga pala" hindi ko inaasahang matatandaan niya pa ang kaarawan ko.

"Salamat Bulldog" nakangiti kong sagot.

"Long live Iyah hehe. Mabuhay ka lang at huwag sumuko sa buhay. Maraming nagmamahal sayo kaya, pilitin mong mabuhay para sa kanila. Sa akin kasi....hehe nawala na silang lahat" ramdam ko ang matindi niyang lungkot kahit nakangiti pa siya.


Isa siya sa mga taong kilala ko na napakatapang........na kahit mas malala ang kinakaharap na problema sa buhay......nagagawa pa ring tumawa at umakto na parang normal. Hanga ako sa kaniya.


"Salamat.....kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Sige, aalis na ako.....pupunta pa ako sa kumbento" binigyan ko pa siya ng niluto ko bago ako umalis.

Habang papalapit ako sa kumbento, lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Wala akong ibang marinig kundi ang malakas na pagtibok nito. Sobra sobra ang kaba ko, kaya para akong naiihi na.


"Kalmahan mo lang Iyah, kalmahan mo lang lahat" huminga ako ng malalim bago pumasok sa kumbento. Naabutan ko pa si Mang Ants na nagwawalis sa loob.

"Happy birthday Iyah" nakangiti nitong bati.

"Salamat po Mang Ants, diyan po ba si Father?" kahit iba naman talaga ang sadya ko dito, kay Father ko nalang itatanong.....tiyak alam niya kung saan siya.

"Nasa loob, pasok ka. Nagdarasal siya" nakita ko nga si Father Matt sa unahan ng kumbento, nakayuko ito habang nakaluhod.


Rinig na rinig sa buong paligid ang ingay nang suot kong sandals habang naglalakad kaya napalingon sa akin si Father.


SHET!!! Naistorbo ko ata ang pagdarasal niya.



"Sorry po Father Matt" umupo ito ng tuwid habang palapit ako sa kaniya. Sumilay ang ngiti sa labi niya nang tuluyan akong makalapit.

"Happy birthday Iyah." Napangiti ako habang umuupo sa tabi niya.

"Salamat Father" masaya na ako na binabati nila ako, hindi ko na kailangan ng mga materyal na bagay. Hindi naman kasi ako materialistic na tao.

"Kamusta kana iha? Hindi na kita nakikita madalas dito ah"

"Opo nga po Father, binabantayan ko po kasi si papa sa hospital" alam nila na nahospital si papa, nagdaos pa nga sila ng prayer session para ipagdasal siya.

"Ganoon ba? Kaya pala ang laki ng ipinayat mo. Alagaan mo ang sarili mo iha.......pagod kana ba?" hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong na iyon.



Pagod na ba ako?



Kung pagbabasehan ang pisikal kong katawan.........oo pagod na pagod na ako.


Pero sa loob loob ko, kaya ko pa......kinakaya ko pa kahit sobrang hirap na.


"Ang katawan ng tao ay sagrado....pero kahit na ganoon nakakaramdam pa rin tayo ng pagod, hirap at sakit. Isa lang ang paraan para mawala lahat ng iyon..........ipahinga ang isip at puso. Pahinga lang ang kailangan, irecharge muna ang isip at puso dahil sobra silang nagamit kaya napagod nang husto" hindi ko maintindihan kung ano ang nais sabihin sa akin ni Father, masyadong malalim.

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now