Alas kwatro nang umaga ng magising kami pareho ni mama, tatlong oras lang ata ang naging tulog ko dahil sa sobrang sakit ng ulo at katawan ko.
"Danica......anak?" dumating si lola kasama si lolo. Agad akong yumakap sa kanilang dalawa. Miss na miss ko sila kaya hindi ko maiwasang mapaiyak.
"Ang apo ko napakalaki na.....at sobra pang ganda" hinagkan ako ni lola sa noo saka niyakap ulit.
"Lola naman" nagpahid ako ng luha saka napatingin kay mama, nakaiwas ito ng tingin pero panay ang punas sa mata. Hindi niya man sabihin, pero ramdam kong miss na miss niya rin sina lolo at lola.
"Anak" lumapit sa kaniya si lola at hindi na napigilan ni mamang maoahagulgol. Yumakap siya kay lola ng napakahigpit.
"M-MAMA.......MAMA S-SORRY.......SORRY MAMA" napatakip ako sa sariling bibig para pigilan ang paghikbi. Ang sarap pagmasdan na sa wakas...........nagkabati na sila. Siguradong matutuwa nito si papa pagkagising niya.
Nagpaalam muna ako sa kanila na uuwi muna ng bahay. Bibigyan ko lang sila ng mahaba habang time para makapag-usap. Kailangan nila iyon para pagnilayan ang kanilang mga maling nagawa sa isat isa.
Umuwi ako sa bahay para magluto nang pagkain na dadalhin kay Lennox. Nawala na din ang antok ko kaya magluluto na lang ako para pagpunta ko doon may makain siya.
Balak kong magluto ng sopas para naman madaling kainin.
"Ate.....nandito ka pala" nilingon ko si Nana na katatapos lang sa pagligo, dito siya natutulog sa bahay para hindi hassle kapag pupunta siya sa school, kasama niya ang mga kaibigan niya para may makasama siya.
"Kumain na kayo, nagluto ako ng sopas" pinaghanda ko sila ng sopas, nagtabi lang ako para kay Lennox.
"Salamat ate Iyah" ngumiti lang ako sa mga kaibigan niya saka nag-ayos ng mga kagamitang nagamit ko sa pagluluto.
"Ako na maghuhugas ate, magpahinga ka muna.......biglang bumagsak ang katawan mo ate eh" ngumiti lang ako ng pilit sa kapatid ko saka hinaplos ang buhok niya.
"Ayos lang ako. Mag-aral ka nang mabuti ha?" tumango siya sa akin saka bumalik sa mga kaibigan niya.
Pumanhik muna ako sa kwarto ko para maligo, kahit may sakit ako ay ginusto ko pa ring maligo para maalis ang init sa katawan ko. Uminom na din ako ng gamot bago bumaba para ihanda ang mga dadalhin ko sa hospital.
"Kumain kana ba ate?" si Nana nalang ang nadatnan ko sa kusina na naghuhugas, siguro naliligo na ang mga kaibigan nito.
"Mamaya na ako kakain, sabay kami ni Lennox" napangiti ako habang nilalagay sa isang bag ang sopas. Medyo madami iyon para kung sakaling nandoon sina Franz mabigyan ko sila.
"Ate......" nag-aalangan pa siyang sabihin sa akin, pero nang titigan ko siya ay napabuntong hininga nalang siya. "May gaganapin kasing educational roadtrip ang school namin ate.....kaso may babayaran......alam ko namang wala na tayong pera kaya hindi ako nagpalista. Baka kasi magtaka kayo kung bakit hindi ako papasok ng dalawang araw. Dalawang araw din kasi iyon, mananatili nalang ako dito sa bahay" huminga ako ng malalim saka kinuha ang pitaka ko.
"Ayan, magpalista ka at sumama doon" inabot ko sa kaniya ang 500 pesos, kinuha ko iyon sa ipon ko kanina.
"A-Ate.....hindi na ako sasama. Mas kailangan iyan ni papa" hindi niya man sabihin alam kong gusto niya ring sumama doon, inaalala niya lang ang kalagayan ng pamilya namin. Napangiti ako doon pero ayokong isipin niya din ang problema ng pamilya namin. Dapat ang inaalala niya ngayon ay ang pag-aaral niya, hindi ang mabibigat na problema namin.
YOU ARE READING
𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!
Random"Enjoy your next story, without me in it" Nagsimula ang lahat sa simbahan Nagkakilala ng hindi inaasahan Di lubos maisip na mahuhulog nang tuluyan Sa isang alagad ng Diyos na kung tawagin ay Sakristan...