𝐹𝐼𝐹𝑇𝑌 𝑆𝐸𝑉𝐸𝑁

16 3 0
                                    

Work from home ang lagay ko sa araw na ito, mas maganda na din daw ito para hindi na ako mapagod ng husto. At least nagagampanan ko pa din ang trabaho ko as CEO sa sarili kong kompanya.

Nasuswelduhan ko pa din ang mga tauhan ko ng tama at maayos.

Andoon naman si Jeanbelle para ireport sa akin ang lahat ng nangyayari sa kompanya at araw araw din siyang pumupunta dito para dalhin ang mga papeles na kailangan kong pirmahan.

Madalas ding dumalaw doon si Maccoy para kamustahin ang pinapagawa kong mga buildings.

"Yes Jeanbelle, sabihan mo nalang si Mr. Rivero na magkita kami, maybe dinner later? Siya na ang bahala sabihan mo nalang ako sa pasya niya" binaba ko na ang tawag niya at nagpatuloy ulit sa ginagawa ko sa aking laptop.

Halos kalahating araw na akong nandito sa bahay, hindi man lang ako nasisinagan ng araw magmula kanina. Marami kasi akong namiss na mga trababo kaya hinahabol ko ang mga iyon.

Marami din akong kailangang imeet na client na naantala nung nasa hospital ako. Mabuti at pumayag pa rin silang makipag meet sa akin.

Bale dalawang client ang imemeet ko mamayang hapon at ngayon pa lang ay inihahanda ko na ang sarili ko.

Nang mag ala-una na ng hapon ay tinapos ko na ang mga trabaho ko. Naligo lang ako saka umalis ng bahay, ako lang ang tao dito dahil pinasyal ni Nana si Catalina, sina mama at papa naman ay may pinuntahang lamay.

Pinatunog ko ang kotse sa garahe at sumakay, pinasadahan ko pa ang sarili sa salamin saka pinaharurot ang kotse.

Malapit ng mag alas-dos ng makarating ako sa restaurant kung saan imemeet ko si Mr. Rivero. Papunta din dito si Jeanbelle para mag assist sa akin.

Hindi nagtagal ay dumating din ang client ko kasama ang anak niyang lalaki.

"Ms. De Castro, sorry kung natagalan kami.....pinaghintay ka pa namin" nakipagkamay ako kay Mr. Rivero saka sa anak niya na chinito.

"Ayos lang sa akin iyon, hindi iyon abala sa akin" nagulat ako ng ipaghila ako ng upuan ng anak niya, tumawa lang ang matanda at tinapik ang balikat ng anak.

Ngumiti nalang ako saka umupo na, binalewala ang kakaibang tingin ng kaniyang anak.

Hindi ako judgemental na tao, kaya ayokong mag-conclude agad tungkol sa isang tao.

"Ito pala ang nag-iisa kong anak na lalaki, Rafael Rivero" pakilala ng matanda, ngumiti ako ng normal at nakipagkamay din kay Rafael.

"Ikinagagalak kong makilala ang anak niyo Mr. Rivero"

"Just call me Tito Steph" tumawa ito saka uminom ng tubig, tumango nalang ako bilang pagsang-ayon. "Saka nga pala, kumain muna tayo bago natin pag-usapan ang business" umorder na sila ng pagkaing para sa kanila.

Tinanong pa ako ni Rafael kung ano ang gusto ko, medyo naiilang ako sa kaniya lalo na't katabi ko pa siya. Ayoko namang maging bastos at lumipat ng pwesto, wala naman siyang ginagawang masama at mukhang mabait naman siya.

Kahit na naiilang ay pinakikisamahan ko siya ng maayos.

"Nalaman ko ang nangyari sa iyo iha, are you okay now?" hinihintay nalang namin ang pagdating ng mga pagkain namin. At mukhang magsisimula na din ang usapan namin.

"Okay na po ako T-Tito, nagpapahinga nalang ako sa bahay, at sa ngayon ay work from home ako" tumango tango siya saka binalingan ang anak na nasa akin ang atensiyon, ngumiti nalang ako ng pilit.

"Rafael, bakit hindi mo ipasyal si Ms. De Castro minsan? Mukhang magkakasama kayo ng madalas kapag natapos ang araw na ito, para hindi siya mabore sa bahay nila ay ipasyal mo siya......friendly date" humalakhak ang matanda habang nakatingin sa amin ni Rafael, hindi ko na madescribe ang mukha ko, kung natatae ba o ano.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now