Hinatid ako ni Lennox sa bahay, maayos na din ng pakiramdam ko kaya hindi na ako nagtagal sa clinic.
"Okay ka lang?" tumango ako sa kaniya habang naglalakad papunta sa bahay namin. Hindi ko na siya nasumbatan, hindi na ako nagalit sa kaniya.
Anong magagawa ng galit ko kung natunaw lahat ng makita ko siya.
"Im sorry" pang ilang sabi niya na ata sa akin iyan, kanina pa siya hingi ng hingi ng tawad sakin, hindi ko naman siya matiis. Hayyyyst!
Hindi ko na siya sinabihan o tinanong pa ng kung ano ano. Okay na sa kin na nandito siya sa tabi ko. Hanggat nasa tabi ko siya......okay na ako doon.
"Okay na ako. Dont worry, hanggat kasama kita....ayos na sa akin iyon" napansin kong kanina pa siya matamlay, hindi din siya palasalita di gaya noon. Nagkibit balikat nalang ako at hinayaan siya. Siguro pagod lang talaga siya, kahit ako napagod sa buong araw na nangyari sa akin.
"Salamat sa paghatid. Pasok ka muna" nasisiguro kong gising pa sina mama at papa.
"Hindi na, kailangan mong magpahinga ng maayos. Uuwi na din ako sa kumbento, medyo masakit ang ulo ko eh" agad akong lumapit sa kaniya at kinapa ang noo at leeg niya. Hindi naman siya mainit, siguro dahil sa matinding pagod kaya sumakit ang ulo niya.
"Uminom ka kaagad ng gamot pagkauwi mo sa kumbento ha?" hinagkan niya muna ako sa noo bago maglakad pauwi. Tinanaw ko pa ang likod niya bago siya mawala sa paningin ko.
Kawawa naman siya, pinilit niya pa akong ihatid kahit masakit na ang ulo niya.
Tumuloy na ako sa loob pero napatigil ako sa may pintuan.
"Anong magagawa ko ha? Ginawa ko na ang lahat pero ayaw nila akong pagbigyan" mariin na sabi ni papa, sumilip ako sa pinto at nakita kong umiiyak si mama. Rumagasa ang takot sa dibdib ko. Anong nangyayari?
"Anong gagawin natin Ian? Paano na ang mga anak natin?" hindi matigil sa pag-iyak si mama. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magpakita sa kanila. Bakas ang matinding gulat sa mga mukha nila pero umiwas lang ng tingin si papa sa akin. "A-Anak"
"Anong pinag-uusapan niyo? At bakit ka umiiyak ma?" walang nagtangkang sumagot sa akin, nanatiling tahimik silang dalawa habang hindi makatingin sa akin ng diretso. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.
"Sagutin niyo ako, Bakit?" tumayo si mama at lumapit sa akin.
"Anak.....Iyannah" niyakap niya ako ng mahigpit. "Wala na kaming trabaho ng papa mo" para akong naitulos sa kinatatayuan ko. Nanigas ang buo kong katawan at ayaw iabsorb ng utak ko ang lahat ng sinabi ni mama.
"B-Bakit? H-How? P-Paano....paano nangyari yun ma? Pa?" permanente na si papa sa tinatrabahuan niya ngayon ganun din si mama. Hindi ko lubos maisip na sa isang iglap ay mawawalan na sila ng trabaho.
"Gagawan ko ito ng paraan anak, huwag kang mag-alala" lumapit na din sa akin si papa saka hinaplos ang buhok ko. "Makakaraos din tayo, pagsubok lang ito" kahit anong sabihin niya alam kong siya ang pinaka nasasaktan ngayon. Mahal na mahal niya ang trabaho niya at halos dalawang dekada na siyang nagtatrabaho dito.
"Kaya ba......kaya ba palagi kayong wala dito sa bahay.....dahil doon?" natahimik sila. Kaya pala.......kaya pala ayaw nilang sabihin sa akin kung saan sila pumupunta, kung hindi ibabaling sa akin ang usapan, iniiba naman para hindi na ako magtanong pa.
"Bakit niyo itinago sa akin ito? Pinaka ayoko sa lahat, yung di sinasabi sakin ang totoo para lang hindi ako masaktan" sa mga nagdaang araw na akala ko masaya kami, may pinagdadaanan na pala ang pamilya namin na hindi ko man lang alam. Kaya ko namang tanggapin eh, ayoko lang na pinaglilihiman ako.
YOU ARE READING
𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!
Random"Enjoy your next story, without me in it" Nagsimula ang lahat sa simbahan Nagkakilala ng hindi inaasahan Di lubos maisip na mahuhulog nang tuluyan Sa isang alagad ng Diyos na kung tawagin ay Sakristan...