𝐹𝑂𝑈𝑅𝑇𝐸𝐸𝑁

21 14 7
                                    

Pagkatapos ng klase namin sabay sabay kaming naglakad papunta sa plaza. Didiretso na kami doon dahil malapit nang magsimula ang pageant. Dumaan pa kami sa isang fishball cart at namili ng maraming fishball at kikiam para may makain kami habang naglalakad. Kasama na rin namin si Nana dahil dinaanan namin siya bago umalis.

"Sayang hindi makakapunta sila Franz, masaya pa naman kapag nagkakaroon ng Miss Gay dito sa atin" hindi ko na nakita pa sina Lennox kanina nung umalis kami, sabi ni Von tatapusin daw nila yung project nila kaya maaga silang uuwi sa kumbento.

Napabuntong hininga na lang ako saka kumain ng isaw. Binigay ko kay Nana lahat ng tira ko nang mabusog ako. Marami ding mga tao ang naglalakad papunta sa plaza.

Malapit na kasi ang kapistahan dito sa amin kaya maraming ganap. Isa na nga itong Miss Gay na ito. Dinarayo ng  mga taga ibang lugar ang bayan namin kapag kapistahan, kaya hindi na ako magtataka kung may makilala akong taga Manila o kahit taga Mindanao pa.


'𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐅𝐢𝐞𝐬𝐭𝐚 𝐎𝐝𝐢𝐨𝐧𝐠𝐚𝐧'


Iyan ang bumungad sa amin pagkapasok ng plaza. Marami kaming nakasabay papasok kaya medyo natagalan kami.

"Sa unahan tayo para kitang kita natin" suhesyon ni Jela pero mukhang imposible na iyon dahil sa dami na ng tao, kahit 30 minutes pa bago magsimula ang programa.

"Saan tayo makikisiksik eh sobrang siksikan na nga" sagot naman ni Macoy habang naghahanap ng mauupuan. Kita naman ang stage sa kinatatayuan namin pero nakakangawit naman kung nakatayo lang kami dito.

"Si Mang Pablo ba iyon?" sinundan ko nang tingin ang itinuro ni Nana at doon ko nakita si Mang Pablo. Agad na kumunot ang noo ko.

"Oo nga, anong nangyari? Lasing na ba siya?" nakahiga na ito sa gitna ng daan at wala ng damit. Dinadaan daanan na siya ng mga tao.

"Kaninang six ng umaga pa siya dito" naalala kong kanina pa pala siya dito, halos buong araw pala siyang nag-antay. Akala ko binibiro niya lang akong pupunta siya dito kanina, tinotoo niya pala talaga.

"Huh? Hindi ba niya alam na six ng gabi ang simula?" nagkibit balikat nalang ako at itinuon ang paningin sa unahan nang may matanaw akong kakilala.


Medyo malayo at natatakpan siya ng mga tao kaya hindi ko maaninag ng maayos ang mukha niya, nakatalikod ito sa amin, pero familiar ang likod niya sa akin. Naka itim itong pants at white t-shirt naman. Nakapamulsa ito habang palingon lingon sa paligid. Nang humarap ito doon ko lang napagsino ito.


"What the?" bulalas ko habang nagugulat na napatitig sa kaniya, na ngayon ay nakatitig na din sa akin.

"What happened?" hindi ko na nasagot si Jela dahil sa kaniya lang natuon ang paningin ko.


Dahan dahan itong naglakad palapit sa amin, hindi alintana ang mga taong napapatigil para lang pagmasdan siya. Hanggang dito ba naman?


Narinig ko ang pagsinghap ni Jela nang makalapit sa amin ang lalaki, sa akin lang nakatuon ang paningin niya habang nakapamulsa.


"L-Lennox?" hindi makapaniwala kong sabi. "A-Akala ko---"

"Lets go, may nireserve na akong seats para sa atin" hindi pa ako nakakarecover ng hilahin niya ako papunta sa gitna. Panay pa rin ang tingin sa kaniya ng mga tao, pati na mga lalaki napapalingon sa kaniya. Langya!

Nakarating kami sa pinaka unahan at may limang upuan nga doong bakante. Pina upo niya ako sa pinakagitna at sila ni Nana ang katabi ko.


Super lapit namin sa stage at halos kapantay lang namin ang mga judge.


𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now