𝑆𝐼𝑋𝑇𝐸𝐸𝑁

18 15 4
                                    

Hindi muna ako umuwi dahil may meeting kami sa club. Napag-alaman nila Jela at Macoy na sasali ulit ako sa swimming, alam din nila ang nangyari sa akin noon, hindi nga lang lahat dahil ayaw ko nang halungkatin pa ang nakaraan. Sumama sila sa akin ngayon, ayaw ko sana pero nagpumilit sila kaya pinabayaan ko na lang.


Biglang tumunog ang cellphone ko kaya hinugot ko ito mula sa bulsa ko.



𝐅𝐫𝐨𝐦: 𝐌𝐲 𝐅𝐮𝐭𝐮𝐫𝐞>3

𝐔𝐰𝐢𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚? 𝐓𝐞𝐱𝐭 𝐦𝐨 𝐚𝐤𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐦𝐚𝐬𝐮𝐧𝐝𝐨 𝐤𝐢𝐭𝐚.



Agad akong napangiti, kahit busy siya wala siyang palya sa paghatid at pagsundo sa akin.



𝐓𝐨: 𝐌𝐲 𝐟𝐮𝐭𝐮𝐫𝐞>3

𝐒𝐮𝐦𝐚𝐥𝐢 𝐚𝐤𝐨 𝐬𝐚 𝐬𝐰𝐢𝐦𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐲𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐚 𝐚𝐤𝐨 𝐮𝐮𝐰𝐢. 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐮𝐰𝐢𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐲𝐨 𝐦𝐚𝐮𝐧𝐚 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠, 𝐡𝐮𝐰𝐚𝐠 𝐦𝐨 𝐧𝐚 𝐚𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐭𝐚𝐲𝐢𝐧.



Hindi ko na hinintay ang reply niya at tinago ko na ang cp ko sa bag.

One hour and thirty minutes ang tinagal ng meeting namin, hindi naman nabagot sina Jela at Macoy dahil sila ata ang nakaubos ng meryenda namin.

"Sa susunod na araw magsisimula na ang ensayo natin. Dont worry magpapadala ako ng letter sa mga subject teacher niyo para iexcuse kayo" matapos makapagpaalam sa lahat lumabas na kami.

"Sumali ka pala talaga" hindi ko inaasahan na madadatnan namin sa labas si Brix, hindi na siya sumali sa swimming dahil magfofocus daw siya sa volleyball. "Hindi ako naparito para mang-asar" inangat niya ang hawak na mga bola, isasauli niya siguro sa gymnasium. "Uuwi na ba kayo? Hatid na kita, gabi na oh"

"Hindi na kailangan" sabay sabay kaming napalingon sa likod ni Brix, nakatayo doon si Lennox habang nakapamulsa at madilim ang mukha.

"Pare" hindi niya sinagot si Brix at diretsong lumapit sa akin, hinapit niya ang bewang ko at seryosong tumingin sa kaharap.

"Thanks for your concern. But.......she's mine" naibulong niya lang ang huling linya at tiyak kong kami lang ni Brix ang nakarinig nun. Hindi na sumagot si Brix at seryoso lang ding tumitig sa katabi ko.

Umalis na kami sa harap ni Brix habang hawak hawak niya pa rin ang bewang ko. Tahimik lang ang dalawa sa likod ko pero rinig ko ang higikhik ni Jela.

"Dapat hindi mo na ako hinintay" kahit sobrang pawis niya ang bango bango niya pa rin. Hindi ata bumabaho ang isang to.

"May practice din kasi kami kanina kaya hinintay nalang kita" kaya pala maraming bola si Brix, naglaro pala sila kanina. Buti at hindi sila nagkainitan?

"Anong oras kayo natapos?"

"4 pa" hinintay namin ang pagdating ni Mang Pablo

"4? Eh anong oras na? Ala sais na kaya, ibig sabihin dalawang oras ka nang naghihintay?" tumango siya na parang wala lang iyon sa kaniya. Ibang klase.

"Kaya kung maghintay kahit gaano pa katagal" hindi na ako nakasagot at malawak ang ngiti ko habang sumasakay sa tricycle ni Mang Pablo, dahil masaya ako ngayon hindi ko na lalaitin ang outfit ni Mang Pablo na black polo, orange na short, green long sock at violet shoes. Sa kabilang tricycle sina Jela at Macoy dahil magkaiba naman ang dadaanan namin.

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now