𝐹𝑂𝑈𝑅𝑇𝑌 𝑁𝐼𝑁𝐸

13 9 0
                                    

Nakapalibot ang lahat sa isang malaking kama at ramdam ng bawat isa ang takot at kaba sa maaaring mangyari sa taong nakahiga doon.

Hindi nila alam ang gagawin kaya napapasabunot nalang sila sa sarili nilang buhok at luluha ng walang tigil.


"M-M-Mommy" nabasag ang katahimikan nila ng lumapit si Catalina sa kama at hinawakan ang kamay ng kaniyang mommy. Humagulhol ito ng malakas kaya nilapitan at pinatahan na ni Nana.

"Mommy is okay baby, dont worry" kinarga niya ang paslit at doon umiyak sa balikat niya.

"Anak ko" lumapit ang kanilang ina na patuloy din sa pag-iyak at namamaga na ang mga mata. Dali dali silang umuwi ng mabalitaan ang nangyari sa kanilang anak. Halos atakihin siya sa puso dahil sa sobrang takot at kaba.

"Danica, tumahan kana.....hindi magugustuhan ng anak natin na makita kang umiiyak" lumapit ang asawa nito at pinaupo sa silya para kumalma. Walang ibang maririnig sa silid na iyon kundi mga impit na hikbi at dasal.

Dumating ang isang doctor at sinuri ang kalagayan ni Iyah, wala itong masyadong nasabi tungkol sa kalagayan niya dahil patuloy pa rin nilang pinag-aaralan ang kalagayan nito.

Dumating na din sina Jela at Macoy na kapwa kagagaling lang sa trabaho. Halos mapuno na ang kwarto sa dami ng taong dumadalaw, kabilang na dito si Father Matt na ipinagdasal sa kagalingan ni Iyah.


"Gumising ka na ate" nang silang magpamilya nalang ang natira sa kwarto umupo si Nana sa silyang nasa tabi ng kama at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng kapatid. "I-Im sorry ate......k-kasalanan ko ang lahat" tahimik siyang umiyak at humikbi, takot na baka magising ang kaniyang mga magulang at si Catalina. "K-Kasalanan ko ang lahat ate, patawarin mo ako. S-Sana.....sana hindi ako tumawag ng gabing iyon para hindi mo sinapit ang kalagayan mo ngayon...Im so sorry ate" halos buong gabi siyang umiyak at humingi ng tawad sa natutulog niyang kapatid.


Lubos niyang sinisisi ang kaniyang sarili sa nangyari sa kapatid. At ilang saglit lang ay nakatulugan na niya ang pag-iyak.



Ala una ng madaling araw ng bumukas muli ang pinto, dahan dahan itong bumubukas.....nag-iingat na baka may magising. Sumilip muna ang taong nasa likod ng pintuan bago pumasok.

Pinagmasdan niya ang mga tao sa loob na mahimbing na natutulog, at napako ang paningin niya sa babaeng nasa kama na maraming nakakabit sa katawan at puro galos.

Halos hindi na niya mailakad ang mga paa dahil sa panghihina. Nanginginig din ang kaniyang mga kamay na inaabot ang maputlang kamay ni Iyah.


"H-H-Hon" nabasag ang kaniyang boses at unti unting naglandas ang kaniyang mga luha, wala pa siyang sinasabi pero sarili na niya ang sinisisi sa nangyari sa dalaga. "I-Im.....sorry" hinagkan niya ang kamay ni Iyah at doon umiyak.


Alam ni Lennox na isa siya sa may kasalanan kung bakit nangyari kay Iyah ang lahat ng ito. Kung sana sinamahan niya ito at hindi iniwan mag-isa.......edi sana makikita niya pa ang masayang mukha nito bukas sa trabaho


Sana pinili niya ito at hindi binalewala.


Binigo nanaman niya ang dalaga sa ikalawang pagkakataon

Wala na siyang mukhang maihaharap dito kung sakaling magising na siya.


Tumagal ng dalawang oras ang pagtitig niya kay Iyah, na halos wala na siyang ibang inisip kundi ang dalaga, hindi na nga niya napansin na kanina pa din siya minamasdan ng ama ni Iyah. Bakas ang kalungkutan sa mukha ng ama habang pinagmamasdan sila pareho.

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now