Nanatili ako sa loob nang kwarto niya, walang tulog at walang pahinga. Nasa isang tabi lang ako habang nakikinig sa mga kwentuhan at tawanan nila.
Kanina ko pa pinipigilan ang mga luha ko, ayaw ko namang gumawa ng eksena at sabihing nagdadrama ako.
"Miss na miss kana ni Tita, alam mo ba blah blah blah" kanina pa ako nandito pero hindi man lang ako matingnan kahit saglit si Lennox. Si Safira ang nagpapasok sa akin kanina at siya lang din ang kumausap sa akin.
Tahimik siya nang makapasok ako at feeling ko nga ayaw niya sa presensiya ko. Iwinaksi ko naman ang bagay na iyon sa isip ko.
"Dont worry uuwi din ako" bigla akong natigilan at halos tumigil din ang pag-ikot ang mundo ko. Dahan dahan akong lumingon sa kanila....at nanlamig ang katawan ko nang masilayan ang masaya niyang mukha..........na parang excited na excited........na siyang umuwi.
Natahimik nalang ako at pinigilan ang sarili kong umeksena sa kanila. Kahit kanina ko pa gustong gusto siyang kausapin at kamustahin.
"Teka, tumatawag si mommy....excuse me" tumango siya sa akin saka siya lumabas ng pinto......tinanaw ko pa siya hanggang sa makalabas ng pinto......nang bigla siyang lumingon sa akin.
"Go" bulong niya habang nakangiti, napangiti na lang din ako sa kaniya, hindi ko sukat akalain na gagawa siya ng paraan para makapag-usap kaming dalawa. Hindi ko tuloy maiwasan ang pamumuo ng mga luha ko.
Inayos ko muna ang sarili ko bago lumingon sa kaniya, nakahiga na siya at nakatulala sa kisame. Tumikhim ako at lumapit sa kaniya.
"K-Kamusta kana?" lumingon siya sa akin pero walang reaksiyon ang mukha niya, tumikhim din siya saka nag-iwas ng tingin.
May masama ba sa mukha ko.......kaya hindi niya na matagalang tingnan?
Biglang nanikip ang dibdib ko pero hinayaan ko nalang.
"Okay na ako"
"Ahhh....paano pala ang pag-aaral mo?" pinilit kong kausapin siya ng normal gaya ng dati. Pero alam ko sa sarili kong......hindi na normal ang lahat.
Nagbago na!!
"Well......tapos na din ang last sem kaya.....ayos lang kahit hindi ako pumasok" napangiti ako....iyon na ata ang pinakamahaba niyang sinabi sa akin pagkatapos ng aksidente, niya.
Nababaliw na talaga ako, kahit kaunting bagay napapangiti na ako......basta lahat tungkol sa kaniya.
"Ganoon ba? Ahmmmm......." nawawalan na ako ng sasabihin sa kaniya, parang nabablangko na ang utak ko. Dati rati naman kahit anong topic lang ang binubuksan ko. Kahit mga chismis sa kapitbahay namin napag-usapan na namin.
Pero ngayon.....natatakot na akong magbukas ng ibang usapan.....dahil baka hindi nanaman niya ako kausapin.
"Gabi na.....dapat hindi kana pumunta. Baka ano pang mangyari sayo" hindi ko mapigilang paligiran ng luha, nag-aalala siya sakin?
Hindi pa rin talaga siya nagbago.
Siya pa rin ang kilala kong Lennox.....na minahal.....at minamahal ko pa.
Natigilan ako sa pag ngiti ng maalala ang dinanas ko bago makapunta rito. Nagdulot iyon ng sakit sa dibdib ko.
Nandito pa rin pala ang mga sugat ko, hindi ko na iyon napansin at naalala. Maski nga gamutin hindi ko na nagawa dahil......nasa iisang tao lang ang buo kong atensiyon.
YOU ARE READING
𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!
Random"Enjoy your next story, without me in it" Nagsimula ang lahat sa simbahan Nagkakilala ng hindi inaasahan Di lubos maisip na mahuhulog nang tuluyan Sa isang alagad ng Diyos na kung tawagin ay Sakristan...