𝑇𝑊𝑂

40 23 0
                                    

Maaga akong nagising para magluto ng almusal namin ni Nana. Ewan ko ba kung ano ang ginagawa ng mga magulang ko at ako pa ang pinaluto, alam naman nilang pagprito lang ang alam kong gawin, wala nang iba. Lunes na ngayon at may pasok na ulit kami, tatlong linggo na nang magsimula ang klase namin.

Bachelor in Information Technology ang kinuha ko kahit hindi ko ito gusto. Gusto ko talagang maging Civil Engineer but alam kong di ito kayang suportahan ng mga magulang ko.

We are not rich. Simple lang buhay namin at ayoko ng bigyan pa sila ng pasakit sa ulo. Kung hindi ako magiging engineer, mag-aasawa nalang ako ng engineer....yan ang tinatak ko sa utak ko haha.

"Nana gising na, letse ka bubuhusan na kita ng mainit na tubig" ilang balik na ako sa kwarto niya pero di pa rin siya magising gising, napaka tulog mantika talaga kahit kailan. Alas singko na ng umaga at 6:30 ang simula ng klase ng babaeng to. "Nana ano ba?"

"Andiyan na" rinig kong sagot niya, nakasuot na ako ng uniporme namin ng bumungad sa akin ang bruha niyang mukha.

Bruha?

"Anong nangyari sayo?" magulo ang buhok nito at puno ng panis na laway ang mukha niya, malalim din ang mga mata niya na halatang puyat, ano nanaman kaya ang ginawa ng babaeng ito kagabi.

"Si bayawak kasi eh, hindi ako tinigilan hanggang sa mag hating gabi na, pagod at antok pa tuloy ako" ayokong mag-isip ng iba sa sinabi niya dahil ayaw kong masira ang araw ko today. Ano man iyon, bahala siya sa buhay niya.

"Mag-ayos kana, aalis na tayo" saka ako umalis sa harapan niya, babaeng iyon talaga kahit kailan, walang magawang matino sa buhay.

Agad naman siyang tumalima kaya matapos ang limang minuto sabay na kaming kumakain.

"Saan nga pala sina mama at papa?"

"Nag duduty siguro"

"Kagabi pa sila ah, kaya nga di rin ako makatulog sa ingay ni mama"

"Anong ingay?"

"Ang sabi niya....'sige pa....malapit na ako...hayan na'...ayun" ang dalawa talagang iyon, di alintana kung marinig namin ang milagrong ginagawa nila, tsk tsk.

Naglakad kami papunta sa sakayan ng tricycle para sumakay papuntang school, wala naman kasi kaming sariling sasakyan kaya commute muna kaming dalawa.

"Uyyyyy Iyannah, ganda natin ngayon ah" ayan na naman siya, sino pa nga ba kundi ang nag-iisang walang kilay dito. Umiinom nanaman siya kasama ang mga kapwa niya tambay, siya na lang ata ang matibay dahil halos lahat ng kasama niya ay tumba na. Yung isa pa nga inihian pa sa mukha ng aso, at yung isa ka lips to lips yung galising aso, yucckss.

"Matagal na" sumakay kami sa nag-aabang na tricycle sa amin, si Mang Pablo, palagi namin siyang sinasakyan kahit minsan di niya maabot ang tapakan sa paa, dahil sa maliit siya.

Ten minutes lang naman ang biyahe papunta sa school, pero kung lalakarin aabot ata ng isang oras dahil sa baku-bakung daan. Ayoko ring maglakad dahil maraming tambay at adik dito samin, baka pagdiskitahan pa kaming magkapatid.

Pagkababa namin agad kong hinila ang buhok ni Nana na aalis na sana.

"Uyy babae, wag mong kalilimutan ang bilin ko sayo" tumango tango lang ito saka naglakad palayo nang nakangiti, bruhang iyon ilang katol nanaman kaya nagamit nun, magkalapit lang ang pinapasukan namin dahil nasa iisang school lang naman kami. Nasa kaliwa siya, nasa kanan naman ako.

Twenty minutes nalang at magsisimula na ang klase ko kaya naglakad na din ako. Nakasabay ko pa si Macoy na kaklase ko, ang sabi ng ilan crush daw ako nito, pero sanay na ako dun, I know how to handle it.

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now