𝐹𝑂𝑈𝑅

36 19 0
                                    

Bago ako pumasok sa school dumaan muna ako sa kumbento, kasama ko si Nana na panay ang palobo ng condom na nakita nanaman niya sa kung saan, baka mamaya katatapos pa lang iyon gamitin.

"Ate ano ba ginagawa natin dito?" panay ang reklamo niya sa gilid ko at ang sarap niya ng ingudngud sa nguso ni Mang Ants na panay ang amoy sa mga bikining koleksiyon niya, ewan nga at saan iyan nanggagaling, dumarami pa ata.

"Tumahimik ka bago ko ipalunok sayo ang condom na iyan" natahimik naman siya saka nagpatuloy sa pagpapalobo.

Gusto ko kasing makasabay sila Franz sa pagpasok, kaya inagahan ko talaga ang pagpunta dito para makasabay ako sa kanila. At di nga nagtagal nakita ko na silang papalabas ng kumbento.

"Ohh Iyannah, bat nandito kapa?" bungad sa akin ni Franz, litaw na litaw nanaman ang dalawa niyang dimple, sa likod niya sina Iverson, Von, Lester at Lennox na kapwa nakatingin sa aming magkapatid.

"Ahhh....ehh....makikisabay sana kaming magkapatid sa inyo...oo....kung pwede sana" nakita ko ang pagkislap ng mga ngipin ni Franz dahil sa pag ngiti niya. Ang gwapo.

"Oo naman, tara na baka malate pa kayo" nauna siyang maglakad, bago ako sumunod tiningnan ko pa ang taong tunay na dahilan kung bakit ako makikisabay sa kanila, nakakunot ang noo nitong nakatingin sa akin, kilan nga ba siya ngumiti?

Sumunod agad ako kay Franz pasakay sa tricycle.

"Ano yang pinapalobo mo?" rinig kong tanong ni Iverson kay Nana.

"Sabi ni ate condom daw, bakit gusto mo?"

"Marami ako niyan eh, gusto mong humingi?"

"Talaga? Sige...sige....bigyan mo ko ng marami ha"

Kay Mang Pablo kami sumakay, pero dahil marami kami hindi kami kasya sa iisang tricycle. Papasok na sana si Nana sa tricycle ni Mang Pablo pero hinablot ko ang buhok niya.

"Gaga ka wag mo kong agawan ng eksena, doon ka sa kabila" bulong ko, agad naman siyang sumunod at sila nina Iverson, Von, at Lester sa kabilang tricycle. Ipinagbabawal din itong teknik, wag gagayahin...professional lamang ang may kayang gawin ito.

Naupo na si Franz sa tabi ko at laking dismaya ko ng umupo si Lennox sa likod ni Mang Pablo, kainis!!! Sayang yung effort ko mauuwi lang pala sa wala, hayyst.

"Bat ka nakasimangot?" tanong ni Franz sa tabi ko, naaamoy ko ang mabango niyang hininga, kabaliktaran sa amoy ng paa ni Mang Pablo na malapit sa ilong ko.

"Wala" hindi na rin siya nagsalita at nagbasa nalang ng libro. Ay hindi pala......wattpad book ata.

"Nagbabasa ka niyan?" tumingin ulit siya sa akin saka balik sa binabasa niya

"Pampalipas oras ko lang" tumango nalang ako saka sumandal sa inuupuan ko. Dahil nadidistract ako sa amoy ng paa ni Mang Pablo, kinuha ko ang pabango ko saka binuhusan ito, ayan mas better!! Hindi na nakakahilo.

Sumilip ako sa mula sa loob para makita kung ano ang ginagawa ni Lennox, malayo ang tingin niya at parang malalim ang iniisip, kitang kita ko ang tangos ng kaniyang ilong at ang kinis ng balat niya, nang maramdaman niyang may nakatitig sa kaniya agad siyang lumingon sa akin, nagtago naman ako at sa kasamaang palad nauntog pa ako.

Putcha!! Ang malas ko ata today.

"Ayos ka lang?" hinawakan ni Franz ang ulo kong nagkabukol ata, hinipan hipan niya pa ito.

"Ayos lang hehe" tinuon niya nalang ulit ang atensiyon niya sa libro nang masigurong ayos lang ako, hayyyst.

Sabay sabay kaming bumaba sa tricycle, hawak hawak ko pa ang ulo kong may bukol nga, letse!! May test pa naman kami ngayon, baka mamaya hindi ko na maalala ang mga nareview ko kagabi.

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now