Sa kumbento nga ako nananghalian, tumawag ako kay mama na hindi ako makakasabay sa kanila, pumayag naman agad siya ng malamang nasa simbahan pa rin ako.
Sa trato nila sa akin parang isang sakristan din ako na nakakasama nila, masaya at hindi ka mababagot kapag sila ang kasama mo. Katabi ko sa upuan si Lennox dahil ako talaga ag nag-insist na tabi kami, nakikipag sabayan na din siya sa biruan hindi gaya nung una na tahimik lang siya, ang sarap nga niyang pagmasdan habang nakangiti, para akong idinuduyan ng mga tawa niya.
As usual may kangkong ulit ang pagkain namin kaya nilipat ko ulit sila sa plato ni Lennox, napatingin pa si Franz kung ano ang magiging reaksiyon ni Lennox at laking gulat niya ng makitang kinain niya lahat ng kangkong na binigay ko sa kaniya. Napangiti nalang ako saka nagpatuloy sa pagkain.
Si Von at Iverson ang naatasang maghugas ng pinggan. Pagkatapos kong kumain agad akong lumabas ng simbahan. Ang sarap talaga ng simoy ng hangin sa probinsiya, napatigil ako ng umalinsangan ang amoy ng paligid.
"Oh aalis kana ba Iyah?" nagsasalita pala sa harap ko si Mang Ants, napaatras ako dahil sa lapit ng mukha niya sa akin, kitang kita ko tuloy ang dilaw niyang mga ngipin dahil sa kakangiti niya.
"Maya maya po Mang Ants, magpapatunaw lang po ako ng kinain" tumango tango ito saka bumalik sa pwesto niya kanina, as usual andun pa rin ang bikini niyang itim na isang linggo na atang hindi nalalabhan.
"Aalis ka na ba Iyah?" mula sa likuran ko ay sumulpot si Franz, may dala itong bola.
"Maya maya pa, san ka pala pupunta?" nakasando din itong puti at nakasapatos, parang maglalaro siya sa outfit niya ngayon.
"May laro kami ngayon sa court, gusto mo sumama?" napatingin siya bigla sa damit kong binigay sa akin ni Lennox kanina, kumunot ang noo niya pero agad din siyang ngumiti. "Tara sama ka samin, tingin ka ng laro namin"
"Sino sino ba kayong maglalaro?" nakapalda pa rin ako hanggang ngayon at hindi pa ako nakakauwi ng bahay, baka mamaya makurot nanaman ako ni mama sa singit
"Kaming lima laban sa limang taga ibang baranggay" natutukso akong sumama pero baka hanapin na ako ni mama sa bahay
"Baka hinahanap na ako sa bahay ih" nakita ko ang paglungkot ng mukha niya, gustuhin ko man eh baka hindi rin ako payagan.
"Tara na Franz" sumulpot na din sa harapan namin sina Von, Lester, Iverson.......at Lennox na nakakunot nanaman ang noo. Gaya ni Franz nakasando din ito pero itim nga lang na lalong nagpatingkad sa kulay niya, kitang kita ko tuloy ang mga muscles niya sa braso, napalunok ako matapos suriin ang kabuuan niya.
"Tara sama ako, pinayagan na pala ako ni mama" kahit hindi naman, hindi ko na sasayangin ang chance na to noh at baka hindi na maulit, sayang naman. First time ko silang makitang maglaro. Ihahanda ko nalang ang singit ko sa pagkurot ni mama mamaya.
Malapit lang naman ang court kaya nilakad lang namin, nauuna kami ni Franz sa paglakad dahil sa dami niyang kwento, minsan napapasilip ako sa likuran namin kung saan si Lennox na nakapamulsa at seryosong naglalakad.
Maraming bakla at kababaihan ang napapatili kapag dumadaan kami sa harapan nila....sila lang pala. Napapairap nalang ako sa sobrang harot na taglay nila. Todo kaway at kindat naman sina Von at Lester, mga lokong to.
Nadaanan pa namin sina Bulldog na panay ang inuman yun nga lang sa ibang tindahan na.
"Uyy Iyannah, ang ganda natin ngayon ah" tulog na ang mga kasama niya at siya may gana pang maglakad palapit sa amin.
"Bat nag-iba ata ang ruta niyo ngayon?" nakalapit na siya sa harapan ko kaya amoy na amoy ang baho ng alak sa katawan niya. Pati ang suot niyang damit at short mabaho na din, kilan ba to huling naligo.
YOU ARE READING
𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!
Aléatoire"Enjoy your next story, without me in it" Nagsimula ang lahat sa simbahan Nagkakilala ng hindi inaasahan Di lubos maisip na mahuhulog nang tuluyan Sa isang alagad ng Diyos na kung tawagin ay Sakristan...