💖💖💖
"Nasaan ka na?"
"Papalabas na ng exit."
"Naka-park na ako dito sa mismong harap ng exit, silver CRV."
"Okay."
"What are you wearing?"
"Red shirt and jeans."
Hindi ko makakalimutan kung paanong huminto sa paggalaw ang buong mundo nang makita ko siya. Paano ba pigilin ang kilig?
He was smiling while pulling one black hand-carry luggage with a black jacket on his other hand. He probably knew it was me dahil nasa likod ako ng kotse ko. "Hey!" he said smoothly.
"Hey," I thought I answered.
He pulled me for a hug. Nabigla ako. Feeling close si kuya pero pasimple kong inilagay ang kamay ko sa likod niya. Konting himas din.
Our bodies touched.
I was electrocuted.
Puwede!
When he pulled away, naalala kong buksan ang compartment ng kotse. Agad naman niyang inilagay sa loob ang maleta niya. It is spring already kaya hindi mainit at hindi din malamig. Ang cool ng weather, kasing cool nitong mamang ito. Gusto ko lang muna sanang tumulala sa kawalan at i-enjoy ang mga thoughts ko tungkol sa kanya pero mamayang gabi na lang, siguro kapag nag-iisa na lang ako. Iipunin ko muna.
I went to the passenger seat of my car at lumigid din siya sa kabila. When I sat on the chair naisip ko, bakit hindi na lang siya naging mabaho, o mataba, bungi o kalbo? Bakit ganito? He looked like that man on the original cover of Nimfa Beck's romance novel Fangirl, only a slight darker, which was better. Eh, super crush ko iyon. Ghad!
"Shall we go?" narinig kong sabi niya.
Kinalabit ko ang start button ng kotse. The car started.
"Hindi na ba uso ang susi dito ngayon?" tanong niya.
Napangiti lang ako. Nag-iisip ako ng sasabihin na mawawala 'yong pagkatulala ko. Hindi naman ako ganito. Kahit noong makita ko ng personal and BTS sa California. "Have you been in Texas before?" I asked him.
Umiling siya. "First time."
I nodded. "Trump ka ba?"
He laughed. Mayroon pa siyang mababaw na dimple sa right cheek. This is so unfair, Lord! "Hindi ako politically inclined. But I like him. I think he did wonder to the economy of the US."
"I'm glad you knew that, dahil kung sa kabila ka, binabawi ko na 'yong kuwartong gagamitin mo."
He chuckled. "Malayo ba dito ang bahay mo?"
"Mga forty-five minutes. Pero kain muna tayo sa IHOP." I glanced at the car's digital watch. seven fifty in the morning. "Gusto mo ba do'n"
"I don't mind."
BINABASA MO ANG
LOVE STRUCK (COMPLETED)
RomanceTwo people bound by their unusual past. One wants to go back. The other has no idea. Until their love finds its own way to each other. (The setting is in Texas, USA)