💖💖💖
"Kumusta naman kayo diyan?"
"Okay naman kami, Nay. Kina-career ni Jordan ang pagiging fiancé ko, bumili ng engagement ring kanina."
"Wow! Patingin nga!"
Binuksan ko ang video cam ng fb messenger at ipinakita ang ring finger ko kay Nanay.
"Wow! Ang ganda naman!"
"Na-impress din talaga ako pagkabigay niya sa akin." I looked at the twenty two carat band myself. It was a little thick and the princess cut diamond is quite large. This might've cost the man a fortune! At, in fairness, tama ang sukat, saktong sakto sa daliri ko. Hmmn, nasukat niya na agad ako sa tingin? "Nay, itanong mo nga kay tita kung ano'ng trabaho ni Jordan diyan bukod sa pagiging Architect. Baka smuggler 'to."
Bumunghalit ng tawa si nanay.
"Seriously, naghihintay ako ng pabigat na lalaki, 'yong mahihirapan akong pakisamahan. Kasi naman ganoon 'yong mga asawa ng mga kaibigan ko. At kapag inis ka kay tatay ganoon ka din. But this man, mula noong dumating hanggang ngayon. Lahat kilos niya, gastos niya, desisyon niya. Tinatanong niya na lang ako kung oo o hindi ba."
"Is that good or bad?"
"It's good. Ngayon ko lang naisip, Nay, na marami akong bagay na hindi mapag-desisyunan. Kung anu-ano ang iniisip kong pros and cons. Iba din talaga 'yong may lalaki sa bahay. Lalo at nagpapakalalaki talaga tulad nito. Na-appreciate ko siya, Nay." Umayos ako ng upo sa kama at sumilip sa labas. Kanina ay nasa kusina siya. Nasa dulo itong silid na gamit ko. So, hopefully ay hindi niya ako naririnig. Baka lumaki ang ulo.
"That's good! Nasaan siya ngayon?"
"Nagluluto. Isa pa 'yan, Nay. Kahit sobrang love ko ang Jollibee, malaki ang matitipid ko sa lutong bahay, at masarap siyang magluto. No'ng Friday night, nakagawa siya ng beef meal na hindi ko alam ang tawag from whatever he saw in my refrigerator kasi hindi pa namin naaayos 'yong grocery namin no'n. At nag-enjoy talaga ako."
Nakita kong naglakad si Nanay papunta sa kusina ng bahay namin sa Pilipinas. "Mabuti naman. At least hindi napasama ang pagreto ng tita mo sa 'yo kay Jordan."
I paused at that. "Ano'ng pagreto?"
Nakita ko kung paano siyang natigilan bago kumambyo. "Ibig kong sabihin, pagrekomenda. Malaki ang maitutulong sa'yo ni Jordan."
Tiningnan ko muna siya ng masama.
Hindi niya ako tinitingnan dahil may kinukuha siya sa ref. Pinatay ko ang video camera.
Kapag nalaman-laman ko lang na may retohan na naganap, matutulog talaga sa labas ng bahay itong lalaking ito! "Sige na, Nay. Lalabas ako. Nangangamoy na 'yong niluluto ni Jordan. Nagugutom na ako."
"Oh, sige, huwag masyadong masungit, ha. Kaya maraming tumatandang dalaga kasi masungit."
"Ewan ko sa inyo ni tita! Kung anu-ano ang drama ninyo. May time table kami ni Jordan kaya huwag kayong magulo. May expiration date ito. Five years the most. Kapag nag-demand ang girlfriend nito. Baka umuwi ito ng wala sa oras."
BINABASA MO ANG
LOVE STRUCK (COMPLETED)
RomanceTwo people bound by their unusual past. One wants to go back. The other has no idea. Until their love finds its own way to each other. (The setting is in Texas, USA)